Chapter 4
Dilim. Takot.
Nagising ako sa isang kwarto na walang kahit anong laman kundi ang isang maliit na lampshade sa tabi ng kama at isang kabinet na maliit at isang pinto sa tingin ko yun yung banyo. Hindi pamilyar sa akin yung lugar na'to. Hindi to yung kwarto ko. Naalala ko na lang yung nangyari ka gabi. Napakapa ako sa damit ko at thank god! Suot ko pa'to.
Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Nasilaw na lang ako dahil sa sinag ng araw. Kinusot ko yung mata ko pero wala akong makitang mga ibang bahay dahil puro mga naglalaking puno lang.
Napalingon ako sa pinto nung may biglang pumihit nito at niluwa nito yung isang lalaki na sa tingin ko kasing edad ko lang. May dala itong tray na puno ng pagkain. Nilapag nito sa kama.
"Na saan ako? Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko.
Bigla na lang ito tumingin sa akin.
Nagkasalubong tuloy kami ng tingin at hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis dito yung paningin ko. Dahil ba sa mapupula at maninipis nitong labi? yung kulay asul nyang mga mata? Yung pilik mata nya na ang haba kahit hindi kami magkalapit kita ko pa rin kung gaano ito kahaba,yung buhok nito na para bang sinadya na hindi suklayin o baka tamad lang o ganito na talaga ito.
Umigting yung panga nito dahil sa nakita nyang naglalakbay yung mga mata ko sa buong mata nito, bigla na lang itong napangisi at tumalikod.
"Teka! Sagutin mo muna yung mga tanong ko." sabay hablot ko sa kamay nito. Napatingin ito kaya napabitaw agad ako.
"You don't need to know. Eat lady."saad nito saka lumabas. Halos kilabutan ako nung sinabi nito. Teka! Ganun din yung boses ka gabi ah?
Pinihit ko yung doorknob pero ayaw mabuksan. Halos sumakit yung kamay ko ng ilang beses ko itong gawin. Sumigaw na rin ako.
"Tulong! Tulong! Palabasin nyo ko dito! Pleaseeee! Tulong! Gusto ko ng umuwi."
Halos paos ko na ring sigaw dahil kanina ko pa ito ginagawa. Napasandal na lang ako at unti unting pinanghinaan ng loob. Dahil wala namang makakarinig sa akin, dahil alam kong na sa gubat kami.
Kinain ko na lang yung pagkain na dala nito dahil nagugutom na rin ako. Sa sobrang gutom ko, naubos ko lahat yung pagkain na dinala nito. Niligpit ko ito nung natapos ako.
Pumasok ako sa banyo at nagulat ako na kompleto yung sa loob nito. May sepilyo, sabon, at panghilog at may inidoro din ito. Nagsepilyo ako at lumabas muna at binuksan yung maliit na kabinet nito. Nagulat ako ng may mga damit doon at mga undergarments na nakatupi. Kumuha ako ng tuwalya at naligo muna.
Humiga ako ulit. Nag iisip ng kung ano ano. Hinanap ko kung naiwan ko ba yung phone ko pero tanda ko na nasa bag ko ito at wala dito yung bag ko. It means nasa tayong kumidnap sa akin yung bag ko. At ano bang makukuha nila sa akin? Wala naman akong pera, hindi rin ako mayaman, walang wala ako sa mga taong gustong gustong kidnapin ng mga kung sino man itong kumidnap sa akin. Wala silang makukuha kung kidnap for ransom ito dahil mahirap lang kami pero kung katawan ko yung habol nila pwes wala rin silang makukuha sa akin, dahil payat naman ako. Buto buto na lang yung makukuha nila sa akin except na lang kung rape ito? Pero hindi naman nya ako ginalaw so, baka!
Napasabunot ako sa buhok ko ng wala akong maisip. Napaiyak na lang ako. Baka kase nag aalala na yung kaibigan ko, yung mga ka trabaho ko, yung pamilya ko, lalong lalo na si Matt.
Kahit naiinis ako sa kanya dahil sa ginawang pagpapaasa nito sa akin pero mahal ko eh kaya madaling malusaw yung galit ko sa kanya. Hinahanap nya kaya ako? May naghahanap na kaya sa akin ngayon?
Gusto ko ng umuwi.
Nahagulgol ako ng hindi ko na alam kung anong gagawin ko,dahil na rin ata sa pagod ko kahit wala naman akong ginawa ngayon, pero ang bigat ng katawan ko kaya hindi ko na lang na pansin na nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa may naramdaman akong presensya sa tabi ko. Nakita ko ulit si Blue eyes at may dala itong pagkain ulit.
"Eat now." utos nito.
"Teka! Bakit ako nandito? Ano bang kasalanan ko kaya kinidnap mo ako? Wala ka namang makukuha sa akin ah, hindi naman ako mayaman. Sabihin mo, may atraso ba ako sayo kaya kinidnap mo ako? Sabihin mo! Miss ko na yung pamilya ko, yung kaibigan ko. Miss na miss ko na sila lalo na si Matt. Please lang pa kawalan mo na ako" halos magmakaawa ako sa harap nito. Nakatingin lang ito. Ang lamig ng tingin nito.
Mas lalo akong naiyak nung umalis lang ito. Wala man lang itong isinagot sa mga tanong ko. Napatingin na lang ako sa pagkain na dala nito. Hindi ko alam kung anong oras na pero nag aalboroto na rin yung tyan ko kaya panigurado na gabi na ito.
Nung natapos ako nagtungo akong banyo dahil bigla na lang sumakit yung tyan ko. Naparami ata ako ng kain. Nagsepilyo na rin ako saka ako lumabas ulit. Lumapit ako sa bintana at sumilip duon. Dilim, sobrang dilim ang nakikita ko binuksan ko yung bintana at bigla na lang nanuot yung lamig galing sa labas sa mga balat ko, kiniskis ko yung mga braso ko para naman maibsan ng kahit konting init yung lamig. Kahit bintana na lang yung pag asa ko para makalabas dito kaso may bakal naman na nakaharang dito kaya kahit anong ipilit ko sa katawan ko na sumiksik dito, panigurado na maiipit lang ako. Masakit yun
Kung ano ano na lang naiimagine ko. Napatingin na lang ako sa buwan na sa sobrang ganda nito, naisip ko na ang sarap din palang tumira sa gubat pero sa sitwasyon kong ito iba. Hindi ako dito nakatira at kinidnap lang ako sa hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Naghum ako ng kanta. Dahil sa lamig at ganda ng paligid sigurado na mamamangha ka rin pero hindi sa ganitong sitwasyon. Napakanta ako dahil miss ko na yung unit ko. Miss ko na sila.
Ganito lagi yung ginagawa ko kapag nalulungkot ako o minsan gusto ko lang. Nakakawala kase ng stress at para bang ang sarap sa feeling na feeling mo para talaga sayo yung kanta. Minsan sa sobrang pagkahanga mo napapaluha kuha ka na lang, hindi lang dahil may naaalala ka kung hindi yung tagos na tagos sa puso mo yung kanta. Ganun yun.
Oh, And baby you left and
Sailed away alone, alone
And now you got me trapped up
On this island
Where no way to get
Home~~
And I don't wanna go, go
I don't wanna go, go
I don't want it down low
I don't want it down low
I don't want to walk this earth
If I gotta do it, Solo, Solo~
Napahum ulit ako. Humiga na rin ako sa kama ko dahil dinadalaw na rin ako ng antok ko. Hindi ko na rin kaya pang mag isip ng kung ano ano dahil mas lalo lang ako napapadiin sa katotohanan na hindi na ako kailan man makakalabas pa. Pagpikit ng mata ko, isang butil ng luha ang lumandas sa galing sa mata ko at hanggang sa lamunin na ako ng antok.
I need a lifetime lover, not a night time lover.
A/N:I hope you like it. Yan muna. Sana ikrasbak na kayo ng mga kras nyo para may label na kayo. Haha
#atleastdibitter.
YOU ARE READING
I SEE YOUR PAIN
Teen FictionWe always ignore the ones who adore us, and adore the ones who ignore us. - Ferry