Chapter 5
Pangalan.
Nagising ako dahil sa sinag na nagmula sa bintana ko. Hindi ko alam kung anong oras na yun pero base sa sikat at taas ng araw baka mga nasa alas otso o siyam na. Tumayo ako at nagtungo sa banyo at ginawa ang dapat gawin.
Ganun na lang palagi yung araw ko. Gigising, maliligo, kakain, matutulog, kakain, matutulog at hanggang pa ulit ulit na ito. Ganun na lagi yung araw ko at ganun na rin lagi yung sakit at lungkot na nararamdaman ko sa puso ko.
Wala akong magawa kahit gusto ko ng umalis at makawala dito pero paano? Kahit ata butas ng karayom wala kang makikita kundi ang binta na puno naman ng mga naglalakihang bakal.
Miss ko na yung pamilya ko. Kung kamusta na sila, yung mga kaibigan ko, kung hinahanap ba nila ako o hindi. Baka nga wala silang ginagawa, pero nagtitiwala ako sa kanila kaya alam kong hahanapin nila ako. At malaki ang tiwala ko kay Matt. Sana naisip na nya na nawawala ako.
Wala akong mahanap na pwede kong gawin dito sa loob. Ayoko na ring umiyak dahil wala namang silbi yung mga luha ko, maliban na lang kung mga asido ito at matunaw itong mga semento at ng makalabas ako, kaso wala akong power. Hindi ako immortal.
Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame. Baka kase may mapagkaabalahan ako, yung may makikita kang butiki na nag aaway, o kung ano ano pang ginagawa pero kahit ata anino ng butiki wala akong nakita. Baka natakot na rin sa akin dahil palagi akong umiiyak sa gabi, baka iniisip ng butiki na may multo dito. Hays! Kung ano ano na lang yung naiisip ko.
Napabangon ako nung may biglang pumihit ng doorknob at niluwa doon yung isang lalaki na sa tansya ko mga nasa 40 mids na ito.
"Kumain ka muna, baka nagugutom ka na at sumunod ka sa akin pagkatapos mo. Iiwan kong bukas yung pinto. Kumain ka na." aniya saka lumabas.
Napatunganga ako sa sinabi nito. Sa sobrang gulat ko mga ten second ata akong nakatunganga lang at nakatingin sa pinto na nilabasan nito. Nung nakabawi ako saka ako nag madaling kumain. Syempre, baka makakauwi na ako.
Sa sobrang excited ko feeling ko nilunok ko lang yung mga buong kanin. Isang subo lang ata lahat at wala ng nguya, lunok agad.
Goshh! Makakauwi na ako.
Uminon ako ng tubig saka pumasok ng banyo para magsepilyo at maghilamos. Malay nyo may muta o kung anong dumi man ako sa mukha, nakakahiya kaya nun pag may nakakita sa akin na para akong pulubi.
Kinuha ko yung tray saka ako dahan-dahang nag lakad papuntang pinto. Ginamit ko yung kaliwang kamay ko para pihitin yung pinto. Nagulat pa ako ng hindi nga ito nakakandado. Sumilip pa ako saka ako dahan-dahang lumabas.
Nakita ko yung lalaki na may asul na mata habang nakaupo sa isahang sofa habang yung lalaki na nasa mid's 40 nakaupo ito sa malaki at mahabang sofa. Habang nakaharap lang ito sa TV pero yung lalaking may asul na mata nakatingin ito sa akin.
Ano ba puso! Tahimik.
Hinawakan ko yung puso ko gamit yung isang kamay ko saka ko kinurot yung dibdib ko. Napapailing pa ako. Napalunok ako saka nag iwas na lang ng tingin.
"Ahm, saan ko ilalagay to?" tanong ko sabay turo sa tray na hawak ko.
"Ako na dyan Miss. Maupo ka dito." tumayo yung lalaking nasa mid's 40 saka kuha nito ng tray sa kamay ko habang nakalahad yung isang kamay nito sa sofa kung saan ako uupo.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin lang sa akin ito. Napakagat labi ako.
"Ahm, bakit nyo pala ako pinalabas? Papakawalan nyo na ba ako?" dahan dahang tanong ko, baka mamaya magbago pa yung isip nito at ikulong ulit ako.
YOU ARE READING
I SEE YOUR PAIN
Teen FictionWe always ignore the ones who adore us, and adore the ones who ignore us. - Ferry