Chapter 3
Nginig.
Alas-sais pa lang gising na ako kaya ngayon naghahanda na ako para pumasok sa opisina. Inayos ko muna yung dress ko at kinuha ang mga dapat na dalhin, nag salamin pa ako ng isang beses saka ako nagtungo pababa nitong unit.
Pumara ako ng taxi at sinabi kung saan ang punta ko. Kinuha ko yung phone ko at nakita kong may text duon. Galing sa unknown number.
Kagabi pa to ah? Mga manloloko. Saan na naman kaya nakuha tong number ko, baka mamaya scammer na pala ito. Yung sasabihin na nanalo ka daw, o di kaya makiki pag textmate sayo tas makikipag kita tas yung magugulat ka na lang na mas adik pa pala kaysa sayo. Nagkalat na talaga yung mga taong mapanlinlang ngayon.
Kaya wag kang marupok.
Hindi ako nagreply kahit good morning lang yung nakasulat duon. Tinext ko na lang si Alice na papunta na ako. Nasa bahay pa daw sya. Ganun talaga yun, pagong minsan.
Nag bayad ako saka nagtungong sliding door nito. Isa akong designer. Well, hindi naman talaga hilig ko yung ganito pero naimpluwensyahan lang ako at isa pa medyo marunong naman ako. Kaya nag try ako na mag trabaho muna bilang isang designer. Kung papalarin, I mean pag nakaipon na ako saka ako kukuha ng panibangong degree na gusto ko at yun ay isang maging dakilang doktor.
Dahil hindi kaya ng pamilya ko, kinuha ko munang kurso yung kaya ng pamilya ko at yung kaya ko rin, yung alam ko rin. Alangan naman kukuha ako ng hindi ko kabisado? Edi tegi ako nun. Kaya pag nakaipon na ako saka ako kukuha ng gusto ko.
"Goodmorning guys!" bati ko sa kanila, saka ako nagtungong lamesa ko. Kita ko wala pa nga si Alice.
"Morning Ferry! Mukhang ang ganda ng gising natin ah?" usisa ng isang ka mate ko dito.
"Hindi naman masyado Hers Maganda lang talaga yung tulog ko haha." sabay bukas ng mga document ko.
"Di ikaw na. Buti ka pa nga maganda yung tulog, ako nga puyat at mukha na nga akong panda nito eh." ungot ng isa ko pang ka mate. Natawa ako dahil totoo nga.
"Hahahaha!"
"Ferry, ayos na ba yung design nung binigay ko sayo last week?" biglang tanong ng co-head namin na si Ma'am Liya.
"Opo Ma'am. Eto po!" sabay abot ko sa kanya ng design.
"Hmm very good." aniya.
"Thank you Ma'am." saad ko.
"Goodmorning sa inyo mga bakla!" biglang sabi ng naglalakad na so Alice.
"Ganda naman ng bungad mo Aaron. Magandang umaga din." natatawang sabi ni Ma'am Liya, kaya natawa kami. Sinabi ba naman yung pangalan nya haha.
"Ma'am naman, it's not Aaron it's Alice. Alice Ma'am." natatawang sabi nito. Inilingan lang sya ni Ma'am.
"Ganda ng pangalan mo bakla pero maarte ka lang talaga." sabat ni Justin.
"Ghossss Papa Justin, alam kong maganda yung pangalan ko, kasing ganda ko nga eh pero mas lalong gaganda kung Alice ang tawag mo sa akin papa Justin." landi nito kay Justin. Crush kase nito pero pinabayaan lang sya ni Justin."... Pero mas masaya kung liligawan mo na ako."dugtong nito.
Natawa kami nung mamutla si Justin. Yan kase eh.
"Ewan ko sayo dude."ngiwi nitong sabi.
Napangiwi ako sa kanila. Makapag trabaho na nga lang. Umupo naman sa assign seat nito si Alice. Well, mag katabi lang naman kami.
"Uiy! Bakla. Kamusta date nyo ni papa Matt kahapon? Ano may nangyari ba? Masarap?" biglang usisa ng baklang ito. Napangiwi ako sa tanong nito.
"Yang bunganga mo ah,gusto mo ipakain ko sayo itong vase na ito?" inis kong sabi. Baka kase may makarinig sa amin eh.
YOU ARE READING
I SEE YOUR PAIN
Teen FictionWe always ignore the ones who adore us, and adore the ones who ignore us. - Ferry