Dalawa

1 3 0
                                    

Chapter 2

Muntik na.

Umikot ito at pinagbuksan ako ng pinto. So gentlemen.

"Thanks." saad ko.

"Always welcome baby. Hatid muna kita sa taas bago ako umalis." aniya.

Kahit nakaka lungkot wala akong magawa. Kahit gusto ko pa syang makasama, wala pa rin akong magagawa. Kailangan nya ito pero kailangan ko rin sya.

Kahit anong pilit kong sabihin na sana dumito na lang sya dahil hindi ko na kayang mapalayo sa kanya pero alam kong para rin ito sa pamilya nya. Hindi lang sa akin, hindi lang para sa amin. Gusto ko rin naman na maabot nya yung mga pangarap nya at wag sya masyadong mag focus sa akin, dahil alam kong kailangan din sya ng mga taong mahalaga sa kanya. Ang pamilya nya.

"Nag enjoy ka ba?" aniya.

Napatango ako. "Oo naman, alam mo namang na miss kita e."

Ngumiti ito. "Ako rin naman e, palagi pa nga pero alam mo naman na para din ito sa atin. Para sa future natin."

"Mahal na mahal kita Matt. At di ko kayang mawala ka sa buhay ko." saad ko.

"I love you too baby. Alam mo rin naman na ikaw lang yung laman nito kaya walang magbabago kailanman."

Sabay halik nito sa akin at hawak sa pinto upang buksan ito. Inilagay ko yung dalawang braso ko sa leeg nito upang mas mahalikan pa ito. Pinalalim nito yung halikan namin.

Kung may araw man na isusuko ko lahat pati katawan ko, itong araw na ito. Sa araw na ito gusto kong angkinin nya ako. Gusto ko, at mahal ko.

Hinahalikan nya parin ako habang hinuhubad ko yung polo nito, nag iinit na rin yung katawan ko dahil sa mga kamay nito na hinihimas na rin yung mga maseselang parte ng katawan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa ungol ako.

Masyado na akong nag iinit, at napapaso na rin ako sa kanyang mga halik na naglalakbay na sa leeg ko hanggang pababa. Hinubad ko yung polo nya at hinimas ko yung mga muscle at katawan nito. Kinagat ko yung labi ko ng dampian nya ng halik yung balikat ko.

Hahalikan nya sana ako ulit sa labi ng tumunog yung cellphone nya. Wala akong magawa ng na patingin na lang sya sa cellphone nito na nag iingay na. Napakunot noo ito bago sinagot yung tawag.

"Hello?" paos nitong sabi.

Napakagat labi ako at inayos yung suot ko pati buhok ko. God! I almost give my virginity to the man I love. Napatingin ako sa kanya at nagsalubong tuloy yung tingin namin. Seryoso ito kaya nagduda na ako na baka importante ito.

"Yeah,yeah! I'm coming." sabay patay nito sa tawag.

"Baby, I need to go. Nagka problema sa site at kailangan ako duon." aniya sabay suot ng polo nito.

"Ngayon na? Pero gabi na." saad ko at tinulungan itong ayusin yung polo nya na halos magusot ko.

"Yeah. Ako kase yung nakadestino sa gawain na yun kaya ako yung tinawagan. At ayos lang, sa bahay nya na lang daw namin pag uusapan ito." aniya.

"Grabe naman ka importante yan. Bat sa bahay nyo kailangan gawin? Hindi ba pwede sa site na lang?" saad ko. Medyo kinabahan ako dahil pa gabi na rin at baka kung anong mangyari sa kanya sa daan.

"Don't worry baby, lalaki yung makakausap ko kaya wag ka ng mag selos dyan. Nasa bahay na kase sya bago nya lang daw napansin na may mali sa ginawa ng mga kasama ko. Aayusin ko lang ito at itetext na lang kita." aniya sabay bukas nito ng pinto, sumunod ako.

"Nag-aalala lang ako kase pa gabi na rin e, pero mag ingat ka sa pag dadrive,okay?" saad ko. Ngumiti ito.

"I know. I have to go now baby, baka magalit pag malate pa ako. Mag iingat ako. Goodnight, love you." sabay halik nito sa'kin at mabilis itong tumalikod sa akin.

Pumasok ako sa loob at napa upo sa bangko malapit sa counter ng kusina ko. May tiwala ako kay Matt dahil nakikita ko rito na pursigido sya sa trabaho nya at alam nyang may tiwala ako sa kanya. Kaya kung dadating man yung panahon na luluhod sya sa akin, baka himatayin na ako sa sobrang kilig.

Minsan lang naman ako mag selos sa trabaho nya kase mas napagtutuunan nya ito ng pansin pero hindi ko na lang sinasabi sa kanya yung mga saloobin ko, ayaw ko na mag away ulit kami dahil dito. May tiwala ako sa kanya, noon at hanggang ngayon. Ayokong mag isip ng kung ano ano para dahil alam kong gusto ko rin ito.

Nagsalin ako ng tubig saka ako nagtungo sa kwarto ko. Kahit pagod ako sa ginawa namin ngayong araw, hindi ko pa rin nakalimutan na tapusin yung isang work ko na pinagliban ko muna dahil nga sa date namin.

Kinuha ko yung bag at laptop ko saka ako umupo sa sahig ka harap ng isang maliit na ilaw ko. Maliit lang yung kwarto ko na kahit maliit may sarili pa rin itong banyo kaya hindi ako nahihirapan pag naliligo ako. Maliit lang yung study table ko.

Tinapos ko yung mga documents na kailangan ng ipasa bukas kaya kahit pagod ako tinapos ko pa rin. Kung ano anong kinakalikot ko para lang mas mapadali ako at mapadala ko ito agad sa head namin, para bukas panibagong trabaho na naman. Para di na ako tambakan #pa ng trabaho.

Ng matapos ako saka ko ito sinend through email sa head namin. Nakita ko pa nga na nag text sa akin yung kaibigan ko na ka trabaho ko rin na kung tapos na daw ako.

Nagreply ako habang nakahiga sa kama ko. Naka reading glasses pa ako.

Ako
Oo tapos na,bago lang.

Napabuntong hininga ako. Kahit pagod na nakuha ko pa rin na hintayin yung text nya.

Sabi nya itetext nya ako.

Ayokong mag text kase baka nasa meeting pa ito at baka makaistorbo ako. Yung itetext ko lang para tanungin kung tapos na ba yung meeting nila, Kung ano yung naging problema nila sa site, Kung nakauwi na ba sya. Yung mga ganun pero nahihiya ako dahil baka hindi pa sila tapos. Maistorbo ko pa.

Pumikit ako dahil gusto ko muna ng katahimikan. Nag vibrate naman yung phone ko kaya napadilat ako.

Alice
Buti ka pa gaga. Hindi pa kase ako tapos e huhuhu.

Nag type ako.

Ako
Yan kase puro jowa yung inaatupag kaya walang kang natatapos haha.

Alice
Kala mo naman sya wala. Huy! Di mo pa nakukwento sa akin kung kamusta date nyo. Ano? Masarap ba si papa Matt? Wasak ka na ba?

Natawa ako. Itong baklang to talaga. Bunganga talaga nito nakakainis.

Ako
Ewan ko sayo bakla! Chismoso ka talaga. Bukas na lang at diyos ko, tama na muna yang landi na yan tapusin mo muna yang trabaho mo. Sige na goodnight.

Napapikit ako. Kapagod ngayon. Nagreply ito.

Alice
Che! ewan ko sayo. Sige na goodnight.

Hindi na ako nagreply. Ipipikit ko na sana ulit yung mata ko ng nakita kong umilaw ulit yung phone ko. Tiningnan ko ito kung si bakla ba pero napakunot noo ako ng bagong numero yung naka flash sa screen.

Unknown number
Hey miss beautiful! Have a goodnight sleep.

Mga manloloko talaga ngayon, nagkalat na. Gusto ko sanang replayan kaso dahil sa pagod ko nakatulog na lang ako.

A meaningful silence is better than meaningless word.





A/N:hooray! Keep safe guys and pray too.
#walamemahastag.

I SEE YOUR PAIN Where stories live. Discover now