Anim

0 2 0
                                    

@crazylittleweirdy, Julie Ann Salcedo... Hi?



Chapter 6

Hindi mawari.

Hindi ko na ito makita pagkatapos nung usapan namin. Para hindi ko na lang isipin yun tumulong na lang ako sa paghahanda para daw sa meryenda namin.

Bat nung nasa loob ako, wala man lang pa meryenda pero nung nasa labas na ako andaming pa meryenda! Bibitayin ba ako pagkatapos nito?

Ang unfair. Kala ko pa naman magtatrabaho lang ako tas makakalabas na ako pero bat naman hahantong pa sa bitayan?

"Ahm Mr. James, bibitayin na po ba ako kaya andaming pagkain?" kuryong tanong ko.

Nagsalubong yung mga kilay nito at bigla na lang ito natawa.

Naku po! Baka tama ako. Jusko ko poww!

"Kung ganon bibitayin nga po ako?" halos mamutlang sabi ko.

Nagseryoso ito.

"Hindi naman ganon kasama yung amo ko kaya alam kong hindi nya magagawa yun. Di ka nya bibitayin, Miss." seryoso ito.

Napanguso ako.

"Kala ko pa naman po bibitayin na ako. Pero bat po kase andaming food Mr. Hong?" tanong ko habang may dinudukot na cookie.

"Pahinge po!" paalam ko.

Tumango ito, may kung ano ano syang nilalagay duon sa mga pagkain tulad na lang na nilalagyan nya ng sprinkles. Lumapit ako para tumulong.

Mukhang enjoy mag lagay nun.

"Mahilig kase si Seniorito Daniel sa mga ganitong matatamis." aniya.

Tumango tango ako habang pinupuno ng sprinkles yung chocolate na parang tinunaw lang.

"Nagtataka ako kung bakit pinayagan ka ni Seniorito na tawagin sya sa palayaw nya dahil ayaw nya sa palayaw na yun. Ayaw na ayaw nya na tinatawag sya nito sa palayaw nya sapagkat naalala nya lang yung nakaraan nya. Nagulat nga ako nung sabihin nya na tawagin mo na lang sya sa palayaw nya. "kwento nito sabay tingin sa akin.

"Bakit naman po? Ginto po ba yung palayaw nya." nguso kong tanong.

"Dahil yun yung tawag ng na mayapang nobya nya noon." aniya.

Nagulat ako sa sinabi nito. Naiwan sa ere yung kamay ko na dapat maglalagay pa.

Kung ganon, nagmahal na pala ito.

"Hindi ko alam kung bakit ka nya pinayagan na tawagin ka sa kanyang palayaw, bagkus yung dating nobya nya lang yung tanging gusto nyang tumawag sa kanya gamit ang palayaw na yun." Aniya.

"Bakit po?"

Umiling ito.

"Nakikita nya siguro sayo yung katangian ng namayapa nitong nobya. Halos magka edad at 'medyo' magkapereho kung paano mo kausapin si Seniorito Daniel kanina. Kaya siguro na sabi nya iyon." tumalikod ito at hindi na nag salita ulit.

Kung ganon yung mga pinakita nya kanina ay para bang ginagawa nya dati sa nobya nito?

Nakulitan ba sya sa akin kaya nasabi nya na lang yun? Nainis nga sya kanina diba?

Napakagat labi ako at hindi na lang nag isip ng kung ano ano. Pero hindi ko maiwasan na isipin na baka namimiss nya lang ito. Kaya ba sya wala dito at hindi ko makita kase anduon sya sa puntod ng mahal nito?

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko pero yung isip ko rin yung nag aasume ng mga sagot.

Tama siguro si JD na-wait dapat ba na JD pa rin yung tawag ko sa kanya?

Ano na lang itatawag ko? Seniorito? Yun dapat kase alalay nya ako ngayon, Isa akong alipin nya. Pero sya naman yung may gusto hindi ba?

Pero paano kung napilitan lang diba? O nasabi nya lang yun dahil sa kakulitan ko. Tama, hindi ko na dapat itawag yun baka may mangyari pang hindi maganda sa puso ko lalo na yung puso nya.

Halos mag alas sais na ng gabi pero wala pa ito. Nakaupo lang ako sa sofa habang, Ewan ko kung nasaan na si Mr. Hong, pero sabi nya dyan lang daw sya sa tabi tabi baka nandyan lang yun.

Napabuntong hininga ako. Bat ko ba kase yun hinihintay, saka malaki na yun kaya na nya yung sarili nya.

Halos manginig yung tuhod ko nung may biglang pumasok pero gumuho rin ito nung makita ko kung sino ito. Sumunod ako para mag tanong kung asan si Seniorito Daniel.

"Mr. Hong, kayo lang po ba mag isa? Asan po si JD-i mean si Seniorito?" tanong ko.

Kumunot yung noo nya sa sinabi ko pero bigla na lang ito nagseryoso.

"Hindi na yun uuwi, kumain ka na para makatulog ka dahil bukas dapat maaga ka para mas maaga kang matapos sa mga gagawin mo, baka kase umalis ako ng mas maaga kesa sayo." aniya sabay lagpas sa akin, sumunod ako.

"Bakit po, di na ba sya uuwi? Paano po yung mga pagkain na ginawa natin? Sinong kakain nyan? Asan po ba sya? Tawagan kaya natin baka kung ano-"

"Nasa mansion lang iyon at meron lang inasikaso. Ilalagay ko na lang sa refrigerator lahat ng pagkain, Kung gusto mong kumain kumuha ka na lang." aniya sabay lakad nito papuntang kwarto ata nito. "... At wag kang mag alala sa kanya nasa tamang lugar yon pero sa tingin ko yang puso mo hindi. Remember, maaga tayo bukas, Miss Ferry. "aniya sabay sarado ng pinto.

Ano bang sinasabi nun?

Wala sa tamang lugar yung puso ko? Bakit dapat ba nasa paanan ko ito? Haysss.

Ewan ko sayo Mr. Hong. Binuksan ko na lang yung ref at naglabas ng konting pagkain dahil medyo na busog ako sa kinain kong mga sweet kanina. Kanin naman yung kailangan ko ngayon.

Kahit kase kung anong kakainin ko, basta walang kanin hindi ako nabubusog kaya dapat laging may kanin yung pagkain ko para isahan na. Pero kung meryenda meryenda lang naman, ayos lang pero sulit pa rin pag may kanin.

Naglagay ako ng isang paa ng manok na adobo. Oo, adobo ulam namin, dapat nga si Mr. Hong pa yung magluluto pero nag volunteer ako na ako na lang yung magluluto ng ulam kaya ayun adobo na lang.

Masaya sana kung natikman lang ni Seniorito ito kaso wala eh.

Inalis ko na lang kung ano man yung naramdaman kong lungkot dahil sa isipan yun.

Inubos ko na lang yung pagkain ko saka ko ito hinugasan, nakakahiya rin kase kung yung pinagkain ko lang ay hindi ko mahugasan tas aasa pa ako sa iba kung kaya ko naman, diba?

Tinapos ko ito saka ako na patingin sa orasan. Mag-aalas-otso na pero wala pa rin sya. Tumambay muna ako sa sala, pampaantok lang. Nanood ng kung ano ano pero nung nakaramdam na ako ng antok saka ako tumayo. Pinatay ko muna yung tv saka ako nagtungo sa kwarto.

Ginawa ko muna yung ritwal ko saka ako nahiga sa kama.

Ewan ko kung bakit ganito ako kawalang gana eh kanina naman sobrang saya ko pero nung nalaman ko na wala sya dito, nalungkot ako.

Di ko na lang namalayan sa sobrang pag iisip ko nakatulog ako.



A/N:hope you like it kahit maikli lang.

I SEE YOUR PAIN Where stories live. Discover now