A/N: Sheena and Ynigo on the side panel. :'3
---
Chapter 18
---
Sabado nang magpunta si Quinn sa mansion ng kanyang abuelo sa Cavite. Noong una ay ayaw pa niyang pumunta pero dahil mukhang may importante itong sasabihin, he decided to visit his old man. Agad siyang pumasok sa kabahayan pagkababang-pagkababa niya ng kotse. Ni hindi na niya inayos ang pagpa-park ng kotse niya, not caring if nakahara ba ito sa malawak na daan sa labas ng bahay.
"Good morning po, sir." bati sa kanya ng mga katulong na nadatnan niya sa entrada. Nginitian niya ang mga ito bago sila lampasan.
"Quinn, hijo!" salubong sa kanya ng matandang babae na mayordoma ng mansyon. Halata sa mukha ng matanda ang kagalakan na makita ulit siya. Niyakap siya agad nito na siya namang ginantihan niya.
"Nag-almusal ka na ba? Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka pala?" aligagang tanong nito. Napangiti siya sa ginawi ng matanda. Ito kasi ang nag-alaga sa kanya magmula noong bata pa siya. Ito na rin halos ang nagpalaki sa kanya. It was nice seeing the old woman again. Noong huling dalaw niya sa abuelo niya ay wala ang matandang mayordoma dahil nagpunta ito sa probinsya nito.
"Hindi ho ba nasabi sa inyo ni lolo na darating ako?" balik niyang tanong sa matanda.
"Aba'y walang nabanggit ang Don Bien. Baka nawaglit sa isipan 'non. Pero 'di bale. Ipagluluto na lamang kita ng paborito mong ulam. Dito ka ba manananghalian?" tanong muli ng matanda at tinanguan na lamang niya ito. "Mabuti kung ganon. Dito ka na rin ba magpapa-gabi? Ipapa-ayos ko na 'yung kwarto mo."
"Hindi ho, Manang Rosing. Marami pa po akong aasikasuhin na trabaho sa kompanya. Sa susunod na lang ho siguro." magalang na pagtanggi niya rito. It was true though. May mga reports pa siyang dapat ayusin due next week.
"Ganon ba? 'O siya sige. Dumiretso ka na sa lolo mo at baka hinahanap ka na 'non. Nasa patio ata si Don Bien." at sinunod naman niya ang utos sa kanya ng matandang mayordoma.
---
Keziah had enough of Kelzi's crying. Wednesday nang umuwi siya galing sa date nila ni Quinn ay natagpuan niya ang ate niya na umiiyak. Concerned, tinanong niya agad rito kung anong nangyari rito. Ganon na lamang ang pagka-asar niya nang malaman ang dahilan kung bakit umiiyak ang kakambal. As Kelzi had told her, she saw Enzo with a woman. And ever since then, hindi nito pinapansin ang mga tawag at texts ng nobyo nito. Hanggang ngayon na Sabado, wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. She looked at her twin's ridiculous puffy red eyes and cringed.
"Ate, you're ruining my appetite." asar na sabi niya sa kakambal. Nasa hapag sila, having their breakfast. Maluha-luhang tumingin si Kelzi sa kanya at ibinalik muli nito ang atensyon sa pagkain nito.
"I'm sorry." mangiyak-ngiyak na sabi ni Kelzi. She even sniffed before munching on a toast. Keziah rolled her eyes and begrudgingly sliced the egg on her plate with fork and knife.
"Why don't you just break up with him? Like, you know, permanently? Kaysa naman sa ganyan na on and off kayo." she suggested bago sinubo ang itlog.
Kelzi shook her head. "I...I can't. Mahal ko si Enzo eh."
"But isn't there a saying that when you love someone, you should set him free?"
"That's only applicable if he loves someone else!"
"Which is not impossible. You did see him with a girl. And according to you, you said that they were enjoying each other's company." nanahimik si Kelzi sa sinabi niya. Alam niyang wala na itong maipanlalaban sa kanya. However, she suddenly felt guilty when she saw Kelzi's tears running down her face.
BINABASA MO ANG
The Love Club [R-18]
ChickLitIt all started with tequila shots, dry-humping and continuous nights of passion. Who would have thought that it will end up with broken condoms and pregnancy tests? Keziah Torres surely didn't see that coming. Warning: This is an R-18 story. Don't s...