50

159 7 2
                                    

Destined To Love Her Times Three: MiChaeng part 50

Three days after that night, they are meeting up once a day. They have decided to cheat and to be with each other. Kakausapin na lamang daw ni Chae si Somi tungkol sa di matutuloy na kasal.

Nagpapalitan sila ng tingin kapag nasa opisina si Mina. Minsan lang ito nasa kumpanya kaya naman sinusulit ni Chae iyon para makasama ang dalaga.

Chae: I've never felt this feeling for the last 4 years. Ikaw lang pala ang makakapagparamdam sakin ng ganito.
Mina: Chae, I'm feeling guilty. Paano si Somi? Ayoko ng ganito.
Chae: Kakausapin ko nalang siya kapag nakahanap na ako ng tyempo.

Hinawakan ni Chae ang tensyonadong kamay ni Mina at niyakap. Nasa opisina sila at siniguradong nakalock ang blinds at pinto.

Mina: Hindi ko alam na papasok ako sa ganitong klase ng relasyon. Flirting isn't my style but here I am now.
Chae: Magiging okay din ang lahat.
Mina: Kailangan mong kausapin si Somi ng maayos..Chae aalis din ako. Kailangan mo si Somi. Hindi ako magtatagal dito at hindi kita pwedeng isama.
Chae: Hindi kita hahayaang iwan ako ulit.
Mina:Ayokong makasira ng relasyon.
Chae: Mina..

Umalis siya sa pagkakayakap at tiningnan si Chae.

Mina: Hindi ko kaya ito. Akala ko lang pala.
Chae: Ikaw pala itong nalilito e.
Mina: Oo, ako talaga.. akala ko kaya kong makipagbalikan sayo, pero hindi pala.
Chae: Okay okay...hindi ko hihiwalayan si Somi, basta...akin ka hangga't nandito ka sa Pilipinas.

Mixed emotions attacked Mina. Hanggang ngayon ay may limit pa rin ang kanilang relasyon. May pumipigil at hadlang pa rin, Somi and her company. Niloloko lang nila ang isa't isa. Hindi rin sila magtatagal at pure landian lang ito.

Mina: I'm going home.
Chae: Sige, pupunta nalang ako sa bahay niyo.
Mina: No, have a date with Somi. Baka magtaka yun dahil di ka na niya nakakasama.

Iniwan na ni Mina si Chae at saka umuwi na. Mag isa niya lang sa bahay dahil namasyal ang dalawa. Tinulog na lang niya ang pagod at sakit ng ulo.

~

Somi: Salamat dahil sabay tayong kumaian ngayon. Ang saya ko nang yayain mo ako.

Ngumiti lang si Chae at kumain. Nakaramdam siya ng guilt. Hindi niya alam na lolokohin niya lang pala ang pinangakuan niya ng kasal...

Alam niyang mahal niya pa si Mina...pero ano kay Somi? Apat na taon silang nasa relasyon, at naging masaya naman pero bakit biglang nagkaganito?

Siguro'y wala talaga sa tagal ng relasyon ang tibay ng pagsasama. Hindi sapat ang ibinuhos nilang pagmamahal sa isa't isa.

Chae: Somi...
Somi: Yes?

Kinakabahan siya. Gusto niyang maging tapat sa dalaga. Tiningnan niya ito.

Chae: Yung tanong mo sa akin noong isang araw...
Somi: Anong tanong?
Chae: K-kung mahal ko pa si Mina..

Napahinto si Somi sa paggalaw ng kubyertos. Binasa niya ang emosyong nasa mukha ni Chae at nakaramdam siya ng takot. Umiling siya at sinubukang ngumitim

Somi: Nah..w-wag mo ng sagutin. Alam ko naman na ako ang mahal mo.
Chae: Somi..
Somi: Sabing wag na e..
Chae: Gusto kong maging tapat sayo.
Somi: Chae, wag mo akong saktan dahil sa katapatan mo.
Chae: Pero mas masasaktan ka pag nagsinungaling ako.

Natahimik si Somi. Natatakot siya...

Chae: Mahal ko pa din si Mina...mahal na mahal ko siya..

Napaluha si Somi dahil sa sinabi nito. Hindi na siya kumain at pinunasan ang luha.

Somi: Are you breaking up with me because you still love her? Are you insane?! May asawa na siya! Pamilyado na siya, Chae...I'm unmarried but you still choosing her over me?
Chae: Hindi naman sa ganun..
Somi: I can't believe you, Chae. Panakip butas lang pala ako sayo...pagkatapos mo akong gamitin ng apat na taon, itatapon mo nalang ako?
Chae: Hindi namna kit--
Somi: Akala ko ba pananagutan mo ako?
Chae: Somi..
Somi: Sana pala nabuntis nalang ako nun, baka sakaling wala ka ng kawala. You know, I'm not that stupid to let you go. Hindi ako papayag na iwan mo ako dahil sa babaeng yun. If I have to kill her I will.

Mabilis na naglakad palayo si Somi. Napagsak naman ang balikat ni Chae at hinilot ang sintido. He needs to clean up his mess..

Chae: Kailan pa ako naging manloloko?

Akala niya hindi niya magagawang magloko dahil pinangako niya sa sarili niya na hindi niya gagayahin ang ama, pero dahil sa pagbabalik ng minahal niya, narito siya sa puntong nagloloko na siya.

To be continued....

Destined To Love Her Times Three (MiChaeng)Where stories live. Discover now