Two-
Princess POV
Grabe ang lamig ng tubig-akala ko kaya ko. Nanginig tuloy ako ngayon. Makapal pa naman ang hamog. Ito ang poblema sa pang umaga. Mag-papainit ba ng tubig o hindi? Kung oo Edi hindi ka masyadong nilamig. Kung hindi Tamad ka. Kagaya ko ngayon nilalamig ako.
Nagmamala' Elsa.
Pumunta ako sa kusina para mag-almusal. Mahirap na baka magutom ako mamaya sa klase. Baka mawalan ako ng ganang makinig sa teacher's eh. Ano kayang ginagawa ni King? Tanong na nang-galing sa Utak ko-Astig di'ba? Nagsasalita yung utak ko.
"Cess anjan yung baon mo sa ibabaw ng ref. Kunin mo nalang, inaantok pa ako. Ingat ka anak."Sabi ni mama habang nag-paplantsa ng uniform niya. Hindi naman kasi kami mayaman. Sakto lang ang pamumuhay namin. "Sige ma' Ingat nalang kayo."nakangiti kong saad.
"Unahin ang pag-aaral. Wag puro King-king!"Ani mama. Buti nalang pinayagan nila akong magboyfriend. Magkaibigan kasi ang mga magulang ko at magulang niya. may tiwala naman sila kay king at sa akin na wala kaming gagawin ikasasama ng loob nila. Ganyan naman talaga ang ibang magulang eh. Akala nila,pag-iniwan nila ang babaeng anak nila sa lalaki, at pagbalik nila ay buntis na ang anak nila. Oo minsan OA sila pero kapakanan naman natin ang nakasasalalay don. Bumalik ako sa realidad ng nag-ring ang cellphone ko.
From Skyler
"Hey nasa labas ako ng bahay niyo sabay ka na."
What the f. Bakit siya nandito? Agad akong sumilip sa bintana na katabi ng pinto. Totoo ng! Andito nga siya. Gulat na gulat ako bakit nandito yun? na'ko gusto kong tanggihan kaso Malilibre ako ng pamasahe e,Sige na nga. Kinuha ko agad ang bag ko sa sofa at lumabas na ng bahay.
Sinalubong ako ni Skyler ng galak na ngiti at kumaway. nginitian ko rin siya at kinawayan. "Good morning Cess."Pagbati niya sa akin. Anong hangin ang nagdala sa kanya dito? "Good morning din."Ani ko at ngumiti ng tipid.
NANG matanaw ko na ang school namin na-excite na ako. Syempre makikita ko na Ang boyfriend kong Hari. Pusuan ko nga ♥isang araw nanaman to ng puro's asaran, Excited na ako. Hindi ako magpapatalo no.
"Andito na tayo."Ani Skyler.
-
Ang boring ng teacher nang math teacher na'to. Buti pa yung teacher ko last year, Hyper. Eh dito? Nga nga ako. Lahat kami nga nga at inaantok na. "Cess, dala ko yung hiniram kong damit sayo. Mamaya ko ibabalik ha?"Ani faye. Antagal na non ah? Pero okay lang basahan lang naman yon eh, Joke. "Okay sige salamat."Ani ko.
Para sa iba, pahirap ang K-12 pero para sa akin ay hindi. Kasi advance ang lahat para narin kaming college sa subject. Konting panahon nalang gagraduate na kami, mararanasan ko narin ang college life Hmpf. "Nasaan ba si King?"Bulong ko sa hangin.
Cutting ba siya?
"Miss Roque? Nakikinig kaba sa itinuturo ko?"Agad akong nagising sa kasalukuyan ng mabanggit ang apelyido ko. "Ma-Ma'am? O-po naakikinig po ako?!"Saad kong may malaking kaba sa dibdib. Antalas ng tingin ng teacher na'to kulang nalang masugat ako.
Patay. As in patay.
"Okay, class dissmiss. Ms. Roque sumunod ka sa akin may ipapagawa ako sayo."Nanlaki ang mga mata ko sa sabi ni Ms. Quino. Agad ako napatayo at kinakabahan na baka magka-record ako sa Guidance. "Ma'am? An-ano po?"Marahan kong tanong dahil sa kaba. What the fudge is this?
Binigyan lang ako ni ms. Quino ng ngiti. "Wag kang kabahan miss roque, sumunod kalang sa akin."Saad niya. Okay sabi niya eh? Edi susunod! "Sige po ma'am."I faked a smile.
Gaya ng sabi ni ma'am sumunod ako sa kanya sa math center, ano kayang ipapagawa niya sa akin? Damn! "Bat hindi nag-papakita si king?"Bulong ko habang naka-yuko.
"May sinasabi ka ms. Roque?"tanong ni ma'am. Tsismosa naman nitong teacher na'to. "Wala po mam."Kaswal kong sagot.
HAY NAKO NAGPATULONG LANG PALA si ma'am mag check ng Quizzes ng iba't ibang section na pinapasukan niya. Nasaan naba talaga yung King nayon nabibwisit na ako. Kanina pa siya tumatakbo sa isip ko. Hind ba siya napapagod?
-Corridor-
"Bakla!"
Sigaw ng pamilyar na boses mula sa likod ko habang naglalakad. O-m-g! Ang kaibigan kong Bading! Humarap agad ako at binigyan siya ng isang ngiti. "I miss you! Musta kana?"tanong ko.
"Eto okay narin-Ma'beauty parin!"Kwela niyang pahayag.
"Tse. O' musta na yang ulo mo? Buti hindi ka nagroon ng amnesia."I gave him a playfull smile. Naaksidente kasi sila last month, kaya ilang weeks siya hindi nakapasok. "Ako? Magkakaroon ng amnesia? Tsupi. Ako pa!"Sabi sabay umirap sa hangin.
"Kung nagka-amnesia ka? Lalaki na ulit. Promise!"Sabi ko at itinaas ang kanang kamay para sa 'promise'.I grinned.
"nga pala musta na kayo ng Jowa mo?"tanong niya. Yun nga e. Musta naba kami? Wala siya ngayon dito eh.
"Okay naman. Hindi ko nga siya mahanap eh."Kaswal kong sagot. Kinakabahan ako, baka mamaya inaatake nanaman siya ng asthma niya. Eh-kung puntahan mo kaya sa bahay nila after class? Sabi ng munting boses sa utak ko. Pwe!
"Virgin kapa teh?"Nakangiti niyang tanong, na ikinamula ko sa inis sa tanong niya. Ikaw ba naman tanungin non ng Hindi bulong di ka mahihiya? Kinurot ko siya sa waist niya na ikina-iwas niya sa sakit.
"Aray! Diputa ka-Joke lang eh!"Daing niya. Bading talaga to! Argh.
"Tigilan mo nga ako gino! Baka hampasin kita sa ulo ng matauhan ka sa mga pinag-sasabi mo! Andaming tao oh!?"Kunot noong saad ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.
Napansin kong tumigil si Gino sa paglalakad kaya tinitigan ko lang siya. Hala mukang nagtampo? "Teh? Wala kang balak pumasok? Lagpas kana sa room natin oh?"Aniya at pinandilatan ako. Langya! Lumagpas tuloy ako kakaisip kay King nasaan naba talaga siya? Kainis much. "Bwisit ka eh!"Sigaw ko habang papalapit sa pinto ng klase namin.
"Wow ah? Ako pa talaga?"Sabi ni bakla.
After ng isang buong umagang puro "King at king" ang nasa utak ko kulang nalang sumabog na utak ko dahil sa kakaisip ko sa kanya. Nagmadali pa naman akong pumasok para sa kanya-at para...
Asarin siya. At lambingin, Ang landi ko.
-
King's POV
Nakakapang-hinayang ang buong araw dahil hindi ako pumasok. Nag cutting lang ako at tumambay lang sa bahay ni chael. What's the reason? Si Princess. Si princess na nakita kong nagpahatid sa ungas na'yon. Nang-iinit ang ulo ko sa lalaking yon, alam niya na ngang may boyfriend na yung tao-eh lalandiin niya pa. Pwe! Kilabutan siya pag-binangasan ko siya.
"Mamaya na yang kaka'LOL mo King! Kumain ka muna!"Sigaw ni mama. Ibinubuhos ko lang naman ang galit ko sa larong ito e. Para mawala. "Opo! Wait lang isang game nalang!"I yelled back.
"Hay nako kang bata ka! Kararating mo lang ayan agad inuna mo? Ni'hindi mo manlang pinansin ang pagkain! Pag ako-"
"Ma? Hindi na ako bata! Binata na ako!"Sabat ko ng may galang. Lagi nalang sinasabi ni mama na hindi porket may girlfriend na'ko eh malaki na ako.
"Tse! Ewan ko sayong bata ka! Kumain ka nalang dito pag-katapos mo! Aalis kami ng papa mo!"Mama shouted. Sila lang aalis? Ako hindi nila isasama? Magaling to. Promise!
"At saan kayo pupunta? Hindi niyo ako isasama?"Tanong ko. Edi pag iniwan nila ako dito ako nanaman mag-isa? Well. Masaya naman pag ako lang-HAHA.
"May date kami! Bawal chaperon!"Sigaw ni mama ng may panunuya. Ang lalandi naman-Date daw eh. Whew!
NANG umalis sila mama nanood ako ng-Balita sa TV. Puro good news ang balita e. Kaya mas lalong boring! Tumayo nalang ako at in-off yung TV at umakyat sa kwarto ko.
Para itulog ang kabadtripan ko.
-
AuthorVMJ: Hi Every one :) welcome to the world of annoying love story.