Three-
Princess POV
Kanina pa ako dito sa labas ng bahay nila king pero wala paring sumasagot. Wala atang tao? Eh hindi naman umaalis ng bahay yun nang hindi nagtetext. Gosh nakakapang-init ng Ulo! Mamaos-maos na ako dito oh? Pa'ano na ang pangarap kong maging singer? Chos.
"Tita Jane!"Sigaw ko ng may galang. Pero kahit anong tawag ko wala paring lumalabas ng bahay nila para pagbuksan ako ng gate.
"Umalis sila jane hija! Si king lang ata ang nanjan." Sigaw ng matandang kapit bahay nila.
Ay umalis pala sila tita jane? Hala. "Hala! Baka bangkay na si King sa loob ng bahay nila? Oh kaya tulog? Oh kaya-may BABAE."Ano ba yan princess? Kung ano ano na iniisip ko! Pag nahuli lang talaga kitang nang babae King puputulan kita-ng Buhok.
Hindi naman ako brutal e.
HINDI na ako nagdalawang isip pang Umakyat sa Bakod ng bahay nila. Sinaway ako ni tanda pero hindi ko siya pinansin. Paki niya ba? Girlfriend ako ni king eh. "Pag nahuli ko lang talaga kayo nang babae mo! Hindi na ako magdadalawang isip na pag-untugin at sapakin kayo."Ani ko habang umaakyat sa bakod. Habang yung Matanda pinapababa ako. Pakelam ko sa kanya? Amazona mode ang peg ko ngayon kaya No one can't stop me now.
SUCCESS, nakapasok na ako, kahit napunit ang Leggings ko-eh mahaba naman damit ko eh kaya hindi mapapansin yung punit sa pwetan. Syempre joke lang yon."Andito na ako King! Humanda kayo ng babae mo!"
"Aba,tahimik ang loob ng bahay nila? Pag-tahimik may ginagawa!"Arrgh. Agad akong dumiretso paakyat sa hagdan para kumpirmahin kung may babae siya. Sana wala, ayokong makapatay lord. Help me! Sana mali ako sa hinala ko.
Nagdahan-dahan ako sa paglalakad. Shit ano ba tong ginagawa ko? Ano batong iniisip ko? Na baka may babae siyang kasama? Hindi naman magagawa ni King yon eh. "Wow? Nakalimutan niyang isara pinto? di kaya na'Excite sila nung bab-" argh. Manahimik ka ngang utak ka! Kung ano ano pinag-iisip mong kalaswaan.
Unti-unti kong itinulak ang pinto ng kwarto niya, kasabay ng pag-silip ko sa loob. Medyo tahimik at-creepy mamaya may multo eh. Pusang gala tinatakot ko ang sarili ko. "King andito nako.."Bulong ko habang unti-unting sumisilip sa loob. Hindi ko matanaw yung kama niya. "King?"Tawag ko, Pero walang sumasagot. Hala baka bangkay na ang Gwapo kong boyfriend! Owemji! Sana hindi pa! May pangarap pa kaming dalawa-pangarap na magkaroon ng isang dosenang anak-sabi ni king para daw may basketball team kami sa pamilya. Astig no?
"Lord One year palang kami! At alam kong walang forever! Pero please wag niyo pang kunin sa akin ang Gwapong boyfriend ko!"Saad ko. Nababaliw nako-Tengene nemen kese ne keng eh hende negperemdem se school. Okay lex! Hingang malalim! Sabay buksan mo ang pinto ng malakas!
Dug. "KI-KING?!"Gulat kong saad. What the FUDGE! Hindi ko dapat tingnan iyon! Pikit mata princess! Malaking kasalanan ang makita iyon.
"Oww. tulog ka fala"I said in a childish tone. Bakit siya naka-Boxer lang at naka-topless?siguro may ginawa to, Tse. Ang hot! Ng boyfriend ko- Makalaglag panty ang-Abs at sa baba may hair line! Tengene! Nagiging dirty minded nako! Kakagatin kita King pag hindi ka gumising jan at magbihis! Keng ene! Napakagat-labi tuloy ako sa nakikita ko ngayon.
UMUPO AKO sa gilid ng kama niya at tinakpan ko nang kumot ang katawan niya. Baka ma'rape ko tong lalaking to e. "Ang cute mo palang asungot ka pag tulog?"Saad ko. Tinanggal ko ang cellphone niya sa kamay at tinignan ang Inbox.
Deleted lahat. Napaka-linis parang ulo ni Mr. Clean.
Napasimangot tuloy ako. Baka nag-sisikreto siya eh? Sunod kong tinignan ang gallery niya. Puro's muka ko at muka niya ang nandoon may mga music video din at walang PORNO. Haha! Mabait ang boypren ko noh! pero dati nanonood daw siya noon, Whew.