Four-
Princess POV
Nagising akong naka-unan sa bisig ni king at siya naman ay nakatihaya at humihilik pa. Napagod kasi siya kakalaro ng basketball kanina, wala e? Ang tigas ng ulo niya. Hindi ko talaga makontrol tong lalaking to. Bwisit kasing chael yan niyaya pa ang boyfriend ko buti nalang hindi inatake ng asthma tong lalaking to.
Nakakabwisit yung mga babae kanina kung maka-sigaw akala mo inaano na. "Go King! Go king ikaw ang hari! i-shoot muna!" nye-nye! Hanggang ngayon ayon parin naririnig ko sa utak ko. Tapos itong si King naman nag bigay pa ng flying kiss. Tengene niya alam niyang andito ako eh, tapos gaganon siya? Sesermunan ko sana siya eh kaso pag-uwi namin bumawi siya at nilambing ako. Remind ko lang, Wala parin kaming ginagawang milagro. Hindi excited ang boyfriend ko sa ganon...Medyo.
"Uhm..."Ungol niya. Bakit kaya siya umungol? Nanaginip nanaman siya. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras Alas syete na pala ng gabi. Na'ko ginabi nanaman ako dito sa kanila. Bumangon ako para tapik-tapikin ko si King para Gisingin. Gusto ko ng umuwi e. Baka sermonan nanaman ako ni mama nito.
Paano nga ba kami nag kakilala nitong lalaking to?
Flashback ~
Bata palang kami ng una ko siyang makilala. Siguro grade four ko siya naging kaklase. Lagi niya akong inaasar, bully siya e. Pero nanjan naman si Skyler na lagi akong pinagtatanggol.
Tumagal ang pang bubully niya sa akin, hanggang grade 6. Ilang beses ko na siya sinumbong sa mama niya pero hindi parin siya nadadala. "Princess joy! Prinsesa ng sabon!" yan ang mga naalala kong pang-aasar niya sa akin. Syempre ako palaban ako kaya inaasar ko rin siya. "King rilley! Hari ng Riles! Belat!" Pag-naririnig niya yan mula sa bibig ko ay nagkukunot noo siya. Madali akong maasar pero mas madali siyang maasar.
"Atlis riles ako eh ikaw sabon pinang-huhugas sa maduduming plato! Ewww."
"Eh atlis malinis ako! Eh ikaw? Riles laging dinadaanan ng tren kaya ganyan yang mukha mo eh mukang dinurog!"
"Eh- atlis!-"
"Atlis ano? Walang ka ng maisagot noh?"
Sa pagkakataon iyon tumakbo siya palayo. Napasuntok ako sa hangin at sinabing.."Yes! I won! he lose! Yey ang galing ko!" may pagkakataon talagang nanalo ako. Pero inaamin ko mas marami na siyang panalo sa akin. Kaya nga inis na inis ako sa kanya dati eh. Ang yabang! mahilig makipagsapakan, lalo na yung nag-away sila ni skyler nung Grade 8 dahil sa akin. Well maganda kasi ako.
"Gago ka! Bakla kaba? Pati babae papatulan mo? Sobra kana pre! "Sigaw ni skyler. Itinulak ko kasi si King noon dahil sa pang-aasar niya sa akin eh napalakas ata yung tulak ko kaya natapon yung juice niya sa uniform niya, nag sorry ako pero itinulak niya ako ng malakas at bumagsak sa sahig pero tinulungan ako ni skyler tumayo at hinarap niya si King.
"Gago ka din!? Wag mo kong matawag-tawag na Pare!"sigaw ni King. magkasingtangkad lang sila noon.
"Hindi kaba marunong mag-sorry manlang?"Ani skyler at hinawakan niya si king sa balikat na ikinainis ni King kaya mabilis niyang sinapak si skyler.
"Tama na!"lumapit ako kay skyler para tulungan siyang tumayo pero hinablot ni King ang kamay ko at hinila papalayo. Napuruhan si skyler dahil sa mukha siya nasapak ni king.
Ilang beses ako nag-pumiglas pero hindi niya ako binitawan. Ang lakas niya. Dinala niya ako sa likod ng school sa garden. Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin.
Nang matapos ang pag-uusap namin ay kusa siyang pumunta sa Guidance office. Ako naman ay pinuntahan si skyler sa clinic.
"Good evening Wife ko."Bumalik ang pag-iisip ko sa kasalukuyan ng marinig ko ang boses niya. Tinignan ko lang siya at binigyan ng malaking ngiti. "Good evening husband ko."Saad ko. Hinila niya ako at Iniharap sa muka niya, nasa ibabaw ako. Shit.
"I love you."Sabi niya ng nakangiti. "I love you too."Sagot ko sa kanya. Unti-unti niyang ipinikit ang mata niya at inilapit sa Akin ang mukha niya, pero iniwas ko ang mukha ko para hindi niya maabot ang labi ko.
His forehead creased. Inismiran ko lang siya. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ako sa likod ng ulo at isinubsob sa mukha niya. "ARAY puta!"Halos sabay naming daing. Siguro expect niya mahahalikan niya ako, ayan tuloy nauntog ako sa mukha niya. Pointed pa naman yung ilong namin kaya lalong sumakit.
"Ang pilyo mo kasi eh!"Ani ko. Hindi parin siya nakontento at sinubukan muli ang paghalik sa akin. Baka makasanayan niya na ito. Hindi na ako nagmatigas at hinayaan ko nalang na lumapat ang labi niya sa labi ko.
He's kissing me Passionately. Maya-maya siya na ang umibabaw sa akin at hinahalikan parin ako. "Wife...I love you."He ended the kiss. Tumayo siya at inayos ang sarili, ganun din ako.
"I love you too husband ."Sabi ko ng may lambing. He gave me a Meaningful smile.
Kahit papaano bilib ako sa lalaking ito, kasi kaya niyang kontrolin ang sarili niya. Hindi siya yung tipong magpapadala sa emosyon at temptasyon. Kaya mahal na mahal ko siya eh.
"Uwi na ako king. Gabi na e. Mamaya pagalitan ako ni mama."
"Hatid na kita sa bahay niyo."He said, seriously. Weh? Anong nakain niya? Ay oo nga pala yung cornbeef na ginisa ko kanina. Nasarapan siguro siya. "Okay- Gusto mo eh?"Ani ko. I shrugged.
-
Pagka'uwi ko sa bahay sinalubong ako ni mama,pero hindi niya ako pinagalitan. Anong nakain ni mama? Parehas sila ni King ah? Matanong nga. "ma anong nakain mo?" tanong ko.
"Tinola."Kaswal na sagot ni mama.
"Ma? Bakit hindi mo ako pinagalitan?"Sarcastic kong tanong. Baliw din ako eh no'?
"Tyaka na anak. May good news kasi kami para sa'yo."Aniya na may malaking ngiti sa mukha. So? Anong goodnews? "Ano yun ma?" tanong ko.
"Sasabihin ko na ba?"
"Oo nga ma sabihin mona!"Ani ko.
"tyaka nalang pala. Pumasok ka sa kwarto mo, at ihanda mo yang tainga mo sa bunganga ko." I'm dead.
I AM DEAD.
-
King's POV
Nasa labas lang ako ng bahay ngayon at nagpapahangin lang muna dahil nabadtrip ako nung makasalubong ko yung malanding ungas nayo kanina sa palengke. Sayang yung kwek-kwek itinapo ko dahil sa kumulo yung dugo ko sa kanya. Tangina niya subukan niya pang lapitan ang girlfriend ko, makakatikim ulit siya ng super punch. At dadagdagan ko narin ng flying kick.
One message recieve from Princess.
"I'm home na. Eto nakikinig sa sermon ni mama. Last song syndrome ako dito husband, para si gloc9 si mama. Astig niya no? :) By th way goodnight. I love yah!"
Ang sweet naman ng girlfriend ko. Ha-ha.
"Good night din i love you too."reply ko.
-
Pumasok na ako sa kwarto ko para simulan ang paggawa ng kanta. Mas gusto ko kasing kinakanta ang sarili kong gawa. "Antagal nila mama."Bulong ko. Kanina pa sila umalis ah?
Aish. Tinatamad na akong gumawa nang kanta. Makatulog na nga lang may pasok pa ako bukas. Ayokong ma'late baka maunahan nanaman ako ng ungas na skyler nayon. Puta siya.
Kinuha ko yung cellphone at tint'ext si chael, i'seset kasi namin yung Jam namin bukas.
To be continue..
*
Hi? XD. Good evening sarrey late update ginawa ko pa yung unang story ko eh. Thanks sa mga nag babasa na still Silent parin. :/ leave vote please? :) thanks.