Chapter Two

51 5 1
                                    

Chapter Two

Pakiramdam ko bigla akong tinapunan ng swerte kahapon. Pagka-uwi ko kasi sa boarding house ay nakatanggap ako ng text mula kay Mama na makakapagpadala siya sa susunod na araw ng pera.

Kaya noong nakaramdam ako ng gutom ay hindi ako nag-atubiling bumili ng pagkain sa baba ng inuupahan ko.

Yung gutom na naramdaman ko kasi kagabi yung tipong hindi ko madadala sa tulog lang kaya kumain na lang ako kaysa ma-bangag sa puyat dahil sa gutom.

"Wala ka pa bang libro sa ObliCon, Brielle?" Tanong sa akin ni Andrea.

Income and Taxation ang subject namin ngayon, pagkatapos nito ay ObliCon na. Wala namang sinabi si Atty na mag-ki-quiz kami ngayon, hindi pa nga sigurado kung papasok siya kasi balita ko hindi raw siya pumasok kaninang hapon. Pero gayunpaman, kinakabahan pa rin ako.

Nilingon ko si Andrea 'tsaka inilingan.

"Wala pa, ikaw ba?"

"Meron na." Tuluyan na siyang humarap sa akin. "Bakit wala pa? Wala ka bang mahanap na nagbebenta? Meron akong kilala!"

Yun din. Mahirap makahanap ng nagbebenta ng second hand na libro ng ObliCon.

Nagtanong ako sa mga seniors namin pero may nakauna na raw pati si Joanna ay nabenta na rin sa iba. Buti na lang mayroong nagbebenta sa Facebook group ng second hand books kaya yun na lang yung sinunggaban ko. At bukas ko kikitain yung seller sa mall.

"Meron naman na akong nahanap, Andrea."

"Magkano naman?"

Ngumiwi ako bago sumagot. "Five hundred."

Napanganga siya at bahagya pa akong hinampas sa braso.

"Ang mahal! Cancel mo 'yan, Brielle. Yung sa kilala ko, three hundred fifty lang, dun ka na lang!"

Napasimangot ako. Mahal nga siya kumpara sa mga naririnig ko kung magkano yung libro nung nabili nila. Pero mas mahal naman yung brand new. Iisipin ko na lang na nakatulong ako doon sa nagbebenta. Mukha pa namang kailangan niya talaga yung pera kasi panay niya inu-up yung post niya sa group.

"Wag na, sa iba mo na lang i-alok 'yan, Andrea. Salamat." Ngiti ko.

"Siya sige bahala ka," Ismid niya 'tsaka nilingunan yung iba pa naming kaklase para siguro bentahan ng libro.

Duda ako rito e. May porsyento siguro tong makukuha kapag nakahanap siya ng buyer ng libro. Ipinilig ko ang ulo ko nang matawa ako sa naisip ko.

Nanigas ang ngiti ko nang may mahagip na pigura sa labas ng classroom. Bahagya pa itong sumilip sa glass part ng pintuan. Wala sa sarili akong tumayo at nagpasiyang puntahan ang taong sumisilip. Minsan kasi may mga students na may hinahanap sa loob ng klase pero nahihiya lang mag-excuse.

Binuksan ko ang pintuan at halos mapa-atras sa nadatnan.

Yung lalaki kahapon!

Matangkad siya at naamoy ko ang agad ang pabango niyang panlalaki. Sobrang lapit niya kasi sa pintuan kaya nang buksan ko sobrang lapit ko na rin.

Nagtataka ko siyang tiningnan nang hindi siya umimik. Nakatayo lang siya sa harapan ko at mukhang hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat mula nang buksan ko ang pinto.

"Yes?" Tanong ko.

Ilang beses siyang napakurap at halatang-halata ang panic sa mukha n'ya.

"U-Uhm..."

Inantay ko siyang magsalita. Kaya ang ending, para kaming tangang dalawa na nagtititigan sa isa't isa. Hindi ko pinahalata pero hindi ko maiwasan na mamangha sa kanya.

French KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon