Chapter Eleven

35 4 0
                                    

Chapter Eleven

"Cup noodles na naman?"

Halos mapatalon ako nang marinig ko si Trisha mula sa likuran ko. Narinig kong tumawa siya.

Nilingon ko siya at nakitang papasok siya sa common kitchen at mukhang kakatapos pa lang maligo. Tinakpan ko ang lid ng cup noodles matapos lagyan ng mainit na tubig bago siya hinarap nang tuluyan.

"Kakatapos mo lang maligo, Trish?" Tanong ko sa kanya habang nilalapag ang cup noodles sa mesa.

"Oo." Sagot niya habang kumukuha ng mug sa cabinet.

Kumunot ang noo ko. "Ginabi ka ata?"

"Hmm?" Sinulyapan niya ako saglit. "Ah! Kakagising ko lang din kasi. Inumaga na kami kakatambay sa McDo para matapos yung taenang research teh!"

Saglit na sinulyapan ko ang wall clock na nasa kusina para tingnan kung tapos na ba ang dalawang minuto.

"Natapos niyo naman?" Usisa ko. Binuksan ko na ang takip ng cup noodles at kinuha ang tinidor para kumain.

"Recommendation na lang yung kulang." Aniya pagktapos ay umupo sa upuan na nasa tapat ko.

Tumango ako at inabala ang sarili sa paghihigop ng mainit na sabaw ng noodles.

"Buong araw kitang nakitang kumakain ng cup noodles ah?" Sita niya sa akin.

Pinunasan ko ang bibig ko muna bago magsalita.

"Sinusulit ko lang kasi bibisita sila Mama rito bukas baka makita nila yung stock ng cup noodles na meron ako," nguso ko.

Inirapan ako ni Trisha. "Ewan ko sa'yo, Brielle. Alam mo namang masama sa kalusugan yung cup noodles."

Mas lalo akong napalabi at tumango sa kanya.

"Malakas naman ako uminom ng tubig..." Mahina kong depensa.

Narinig ko ang iritang ungol niya. "Aantayin mo pa na magka-UTI ka pa bago ka tumigil ganon?"

"Hindi naman siguro."

"So aantayin mo nga? Alam mong masama ang sobra, Brielle Isabel Romero."

Ayan na. Binanggit na niya nang tuluyan yung buong pangalan ko.

"Last na talaga to, promise." Itinaas ko ang kanang kamay ko.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Hindi ako naniniwalang last mo na yan."

Sumimangot ako. "Last na nga to."

Ibinaba niya ang mug niyang may lamang kape at humalukipkip.

"Alam kong madami ka pang ganyan sa kwarto mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ah! Last na talaga to."

Pinilig ni Trisha ang ulo niya. Umirap ako at tumayo.

"Halika." Itinapon ko sa trash bin yung cup na wala nang laman at hinarap ulit si Trisha. "Kahit ikaw mismo mag check sa kwarto ko kung may tinatago pa akong cup noodles."

Bitbit ang mug niya, tumayo rin siya.

Padabog akong naglakad papunta sa kwarto ko. Kita mo to, di talaga naniniwala sa'kin.

***

Kinabukasan, maaga akong gumising para linisin ang kwarto at magtupi ng mga damit na nilabhan ko kahapon. Mamayang hapon pagkatapos kong mag simba, magkikita kami nila Mama sa mall para kumain sa labas.

Lagi nila akong binibisita isang beses sa isang buwan. Madalas weekends dahil yun lang yung araw na nakakaalis sila sa pwesto.

Inayos ko ang suot na dress pagkatapos kong isuot ang sling bag na dadalhin ko.

French KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon