Chapter Ten
Dalawang buwan na matapos kong payagan si Franco na ligawan ako. At pansin kong ginagawa n'ya talaga ang lahat ng makakaya n'ya sa panliligaw sa akin.
Pansin ko na sobrang attentive niya sa mga kinukwento ko kahit na hindi naman siya nakaka-relate o ano. Kasi kadalasan ng mga kwento ko, tungkol sa mga nangyayari sa office. At hindi rin siya pumapalya sa pag-antay sa akin after ng klase at paghatid sa akin pauwi.
"Ano to?" Kinapa ko ang nilagay niya sa buhok ko.
Ngumisi siya sa akin. "Clip."
Kinapa ko ulit ko ang hairclip na inipit niya habang nangingiti.
"I noticed that you always get annoyed with your hair whenever it falls down, especially when you're writing."
Binigyan ko siya ng ngiti. "Thanks. San mo nga pala to nabili?"
Kinunot ni Franco ang ilong n'ya. "Sa labas."
Saglit akong humalakhak at tumango. Inabot ko ang ilong n'ya at pinisil 'yon. Dumaing ng reklamo si Franco at sinamaan ako ng tingin. Tumawa lang ulit ako. Alam naman n'yang gigil na gigil ako sa ilong niya kasi ang tangos-tangos.
Yumuko ulit ako at ipinagpatuloy ang pagsusulat.
Nasa gazebo kami ngayon at gumagawa ng kanya-kanya naming assignments. Kanina pa siya tapos kasi nilipat niya lang sa mas malinis na papel yung solutions na ginawa niya kagabi. Habang ako naman, patapos na sa huli kong assignment.
Hindi ko alam na parehas pala kami ng vacant period ni Franco. Kaya pala madalas ko siyang makita noon na pagala-gala sa campus tuwing vacant period ko rin.
Ang saya niya lang nung nalaman niya yan.
Naiangat ko ang ulo ko nang makarinig ng pamliyar na tawanan sa kabilang kiosk. Pinaliit ko ang mga mata ko para makita nang maayos kung sino ang mga 'yon.
Tumigil ang tawanan ng grupo ng mga kalalakihan at napalingon sa gawi ko. Kinalabit ng isa yung nakatalikod sa akin sabay turo sa gawi ko. Lumingon ang pamilyar na bulto sa gawi ko at kumaway sa akin.
Yung classmate ko pala sa Philo. Pilit din akong napangiti at kumaway pabalik sa kanya.
Tinukso siya ng mga kaibigan n'ya. Namula siya at umiwas ng tingin. Pero bago pa siya tuluyang mapaiwas ng tingin ay napadako ang mga mata niya sa bandang likuran ko.
Kumurap ako. Nilingon ko si Franco na nasa tabi ko lang.
Kunot ang noo n'ya habang kuryusong minamata ang kaklase kong nasa kabilang kiosk.
Pumeke ako ng ubo.
Agad na lumipat sa akin ang mga mata ni Franco. Ngumiti siya sa akin na para bang guilty'ng puppy na gumawa ng kasalanan.
Itinagilid ko ang ulo ko at tinapunan siya ng nagtatanong na tingin. Umiling naman siya at ngumiti sa akin.
Bumuntong hininga ako.
"Classmate ko yon sa Philo," Panimula ko. "Ilang beses ko nang iniwasan yung mga alok niya pero lagi niya parin akong inaaya. I guess he just really need me to say directly to him that I don't like him o wala siyang pag-asa sa akin para tumigil na siya."
Sinulyapan ko siya at nakita ang matamang tingin n'ya sa akin, nakikinig nang mabuti sa sinasabi ko. Yumuko ulit ako at tinapos ang pagsusulat.
"And, what about me, Brielle? You gave me a chance because?" Nalasahan ko ang pang-aasar sa tono n'yang 'yon. Alam kong nakangisi siya nang pilyo ngayon.
Mahigpit kong hinawakan ang ballpen ko at nakagat ang pang-ibabang labi.
"Siguro kasi gusto kita?" Sinulyapan ko siya saglit at binalingan ulit ang assignment ko na malapit nang matapos.
BINABASA MO ANG
French Kisses
Romansa(From the Sides #1) Money. This is such an important issue for Brielle Isabel Romero. Kasi ang hirap gumalaw sa mundo kung wala ka nito. Bawat galaw ng tao, pera ang kailangan. Bawat pangangailangan, pera ang hinahanap. Bawat problema, pera ang sag...