Chapter Five
"May card ka ba?" Tanong ko kay Franco nang makapasok na kami sa loob.
Umiling siya. "Wala."
"Hindi kayo naglalaro ng friends mo rito pag gumagala kayo?" Usisa ko sa kanya.
"When we were still in first year, we frequently go here after class." Kibit balikat n'ya. "Ngayon, hindi na."
"Does that mean na nag-mature kayo kaya hindi na kayo naglalaro rito?" Usisa ko ulit habang nakangisi.
Natatawa n'yang iniling ang ulo n'ya. "I don't think so. It's just that we're done in this phase."
Tumango ako, naiintindihan ang punto niya.
"Bibili na ako ng card," sabi niya bago humarap sa cashier pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan. Binigyan n'ya ako ng nagtatanong na mga mata.
Ngumiti ako. "Hati na tayo."
"Bakit? Sagot ko na'to."
Agad akong umiling. Nakakahiya kaya. Mas gusto niyang manood ng movie pero andito siya tapos siya pa gagastos? 'Tsaka isa pa, may extra'ng pera naman akong dala rito.
"Hati na lang tayo, please."
Kinunot n'ya ang ilong n'ya. "Okay sige, kapag nanalo ka sa jack en poy. Papayag ako na hati tayo."
Na naman? Jack en poy ulit?
Sa pagbuga ko ng hangin ay nilipad din ang bangs ko."Okay."
Sinundan muna ni Franco ng tingin ang bumababa kong bangs bago ako ningitian.
"Nice." Aniya bago iniunat ang braso.
Nakasimangot ako habang nakatingin sa nakatalikod na si Franco.
Paano ba naman kasi nanalo ulit siya sa jack en poy kaya wala akong choice kundi pagbigyan siya na siya yung gumastos para bumili ng reloadable card. Humingi pa ako ng isa pero nanalo ulit siya. Isang laro pa namin na manalo siya, iisipin ko talaga na may gold medal to sa larong 'yon.
"Stop pouting," Naaaliw'ng saway sa akin ni Franco.
Mas lalo lang akong napasimangot sa sinabi niya. Nakakahiya kasi talaga. Narinig ko siyang tumawa.
"Okay, ganito na lang." Panimula n'ya. "Hindi naman malaki yung free load nito'ng card, ikaw na magbayad ng next load nito kapag naubusan tayo. Deal?"
Agad akong pumayag. "Deal."
"Saan ka?" Aniya nang makitang naglakad ako pabalik ng prizes counter.
Sinulyapan ko siya. "Maghahanap ng prospect prize para ma motivate ako galingan yung paglalaro."
Narinig kong tumawa siya. "You're taking this seriously."
"I am." Sagot ko. Natigil ang mga mata ko sa isang set ng Faber Castell highlighters.
Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Franco na prize kung sakaling makarami kami ng makuhang tickets. Pero ako, ito yung gusto ko. Bibigyan ko na lang siya ng highlighters. Teka, gumagamit ba siya ng ganon?
Nilingon ko si Franco na naka-awang ang mga labing nakatingin sa akin. Ningitian ko siya, namula naman ang mga tenga at pisngi n'ya.
"Tara na?" Aya ko na tinanguan niya.
Nasa likurang banda kami ng naglalaro ng Deal or No Deal, inaantay sila matapos.
Tinititigan kong mabuti ang mga numerong pinipili nila. Naabutan ko ang paghahalo ng cases kanina at mabilis nahagilap ng mata ko kung saang case yung jackpot prize. Actually, dalawang number yung hula ko kung saan.
BINABASA MO ANG
French Kisses
Roman d'amour(From the Sides #1) Money. This is such an important issue for Brielle Isabel Romero. Kasi ang hirap gumalaw sa mundo kung wala ka nito. Bawat galaw ng tao, pera ang kailangan. Bawat pangangailangan, pera ang hinahanap. Bawat problema, pera ang sag...