Chapter Fourteen
Kinuha ko mula sa maliit na palanggana na may lamang malamig na tubig ang bimpo at piniga ito nang maayos. Pagkatapos ay maingat kong pinunasan ang mga hita ko, braso, leeg, at batok ko. Isang beses ko pang ibinabad ang bimpo bago ito tiklupin at ilagay sa noo ko.
Nahiga ako at agad na hinila hanggang sa leeg ang kumot. Bumuntong hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kwartong inuupahan ko.
Tama nga si Joanna na pinag-absent niya ako ngayon. Kagabi kasi tumaas ulit ang lagnat ko. Ngayon naman, nabawasan nang kaunti yung init dahil nagsisimula na akong pagpawisan pero andon parin yung bigat ng katawan ko.
Hindi naman na bago sa'kin yung magkasakit at alagaan ang sarili. Sanay na ako na walang gigising sa akin para kumain at uminom ng gamot hindi gaya sa ginagawa ng mga magulang ko noong sa bahay ako sa probinsya nakatira.
Natutunan kong hindi magpabaya at alagaan ang sarili lalo na kapag nagkakasakit dahil ayaw ko rin naman mag-alala pa ang mga magulang ko lalo pa't malayo ako sa kanila. Isa pa, kung magpapabaya ako, baka lumala pa at ma-ospital ako. Dagdag gastos 'yon.
Minsan sa kagustuhan kong ayaw ko silang mag-alala sa akin, hindi ko sinasabi na nagkakasakit ako.
Kasinungalingan, alam ko. Pero ayaw ko lang talaga silang mag-alala sa akin. Kasi kaya ko naman. Kakayanin ko.
Tumunog ang alarm ko sa phone ko. Dinampot ko 'yon para tingnan. Alas dose na pala.
Nang bumangon ako ay napansin kong basa ang likod ko ng pawis kaya kumuha ako ng bagong shirt sa loob ng cabinet at nagbihis.
Nakabili na ako ng pagkain kaninang umaga nang bumaba ako. Sabay kong binili ang agahan at pananghalian ko para hindi na ako bumaba pa.
Agad akong kumain nang matapos akong makapagpalit ng damit.
Adobo at isang cup ng kanin lang 'yon. Gusto ko sana yung may sabaw kaya lang hindi pa naka display 'yon kanina nang bumili ako. Siguro mamaya na lang hapunan ako bibili.
Binilisan ko ang pagkain para makainom na rin ako ng gamot at makapag pahinga ulit. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko, wala akong ibang gustong gawin kundi ang humiga at matulog.
Dinampot ko ang maliit na lagayan ng mga gamot at nakitang isang capsule na lang ang naroon. Mariin akong napapikit nang maalalang ngayon nga pala mauubos yung gamot na pinabili ko kay Joanna noong isang araw.
Sinapo ko ang noo ko sabay buntong hininga.
Kailangan ko talagang bumaba at maglakad nang malayo para bumili ng gamot. Hindi naman din kasi pwedeng hindi ako uminom mamaya.
Ininom ko na ang huling capsule bago mag-ayos ng sarili. Kinuha ko ang payong at pouch ko na may lamang pera.
Kahit mainit, nagsuot parin ako ng jacket habang pababa.
Pwede naman akong makiusap kay Trisha at magpabili pero wala siya ngayon sa kwarto niya dahil nagpaalam siya sa akin kanina na may lalakarin siya para sa trabaho niya.
Huminga ako nang malalim at pinaypayan ang sarili nang makalabas.
Sobrang taas ng sikat ng araw at mainit din ang hangin. Nagsisimula ko nang maramdamang tumutulo yung pawis sa likod ko. Buti na lang ipinusod ko ang mahaba kong buhok, kasi kung hindi, doble ang init na mararamdaman ko ngayon.
Saglit akong napahinto nang pakiramdam ko umikot bigla yung paligid ko. Sinapo ko ang noo ko at huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili.
Nang maging okay ay tinuloy ko ang paglalakad pero hindi pa ako nakakalayo sa kung saan ako huminto kanina ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo.
BINABASA MO ANG
French Kisses
Romance(From the Sides #1) Money. This is such an important issue for Brielle Isabel Romero. Kasi ang hirap gumalaw sa mundo kung wala ka nito. Bawat galaw ng tao, pera ang kailangan. Bawat pangangailangan, pera ang hinahanap. Bawat problema, pera ang sag...