Chapter Eight
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako bumuntong hininga habang inaantay na bumukas yung gate ng bahay ng mga dela Vega.
Nagbilang ako hanggang tatlumpu bago pinduting muli ang doorbell.
"Wait!" Sigaw mula sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko. Ang boses na yun. Boses yun ni Franco.
Wala akong balak na paglaruan ang doobell nila pero bigla akong nademonyo nang marinig ko ang boses ni Franco. Nakaismid ko itong pinindot ulit.
"Teka, saglit sabi!"
Muntik ko nang makagat ang dila ko sa pagpipigil ng tawa. Mukhang pagalit na siya. Ha. Gulatan na lang tayo Francisco kung sino ang mas pikon sa'tin.
Narinig ko ang pagkalas ng locks mula sa loob at ang dahan-dahang pagbukas nito.
Natigil ako sa paghinga nang sa wakas ay nakita ko na si Franco.
Wala siyang suot na pang-itaas. Nakasuot lang siya ng black sweatpants at may nakasampay na puting tuwalya sa batok niya. Hindi ko napigilang paglandasin ang mga mata ko sa kabuuan n'ya. Bumalandra ang kaliwang braso n'ya sa harapan ko nang ilagay n'ya ang kaliwang kamay n'ya sa konkreto na nasa ibabaw ng gate.
Hinahalikan ng kahel na ilaw mula sa posteng malapit sa bahay nila ang tila nakaukit n'yang katawan. Sinundan ko ng tingin ang butil ng tubig na tumutulo mula sa basa niya pang buhok.
Hindi talaga ako palamura pero pucha.
Pucha!
PUCHA!!!
"B-Brielle!"
Pakiramdam ko namanhid ang buong mukha ko matapos kong mabilis na iniangat ang tingin sa kanya. Kahit nanginginig ang mga labi ay binigyan ko siya ng ngiti.
Buti na lang gabi na at di naman niya siguro makikita na namumula yung mukha ko?
"Hi..." Nahihiyang bati ko sa kanya.
May bahid ng pagkataranta ang mga mata n'ya. Kahit hindi ko gaanong kita, alam kong namumula rin ang mga pisngi at tenga niya.
"Kukunin ko sana yung book ko." Diretsahang sabi ko matapos ang ilang sandaling (awkward na) katahimikan.
Tumuwid siya ng tayo at napahawak sa batok.
"Pasok ka muna," anyaya ni Franco.
Agad akong umiling. "Hindi na, salamat."
"Please? Nasa loob din naman yung mga maids at yung kapatid ko na si Fern."
Lumunok ako at umiwas ng tingin pagkatapos ay tumango.
"O-Okay..."
Halata ang pagkalma ng tensyonado n'yang katawan nang marinig ang sagot ko. Bumuntong hininga siya.
Nilakihan niya ang pagbukas ng gate para papasukin ako. Nang makapasok ako ay agad kong napansin ang may katam-tamang laki na pool sa left side ng malaking bahay nila. May wooden benches at tables din doon at may fairy lights na nakalagay sa orchids na nakasabit sa dingding ng mini garden.
"I'm sorry hindi ko kaagad nabalik yung book, Brielle." Biglaan niyang sabi habang nasa harapan ko siya.
Hindi ko namalayan na tumigil pala siya sa paglalakad. Kaya ang ending nabangga ako dibdib niya.
"Aww..." Hinawakan ko ang ilong ko.
Naramdaman ko ang malalaki at maiinit n'yang kamay sa balikat ko, banayad na inaalalayan ako. Tumawa siya.
BINABASA MO ANG
French Kisses
Romance(From the Sides #1) Money. This is such an important issue for Brielle Isabel Romero. Kasi ang hirap gumalaw sa mundo kung wala ka nito. Bawat galaw ng tao, pera ang kailangan. Bawat pangangailangan, pera ang hinahanap. Bawat problema, pera ang sag...