Naghahanda na ako Para sa online class ko ngayon. First class ever. Sana magagaling Yung mga kaklase ko Para thrilling ang dating diba? I want to challenge myself to took up accountancy kahit may pagkabobo ako...
"OK class! Open your e-module now!" Sabi nung prof... May laptop naman ako so, Doon ko nalang io-open Para Maka sabay sa iba...
"Class, please open your cameras... I want to see your handsome faces!"
Ows? Handsome faces? Kung sabagay, Kaya ko namang makipagsabayan so, io-open ko nalang."So now, please introduce yourself!" nasanay na ako sa ganito. Ako lang naman ang mauuna palagi eh. Letter A! "Who is Mr. Allanon? Open your mic thank you."
Here we go... "Good Morning Sir and to my fellow classmates. I am Thaddeus Mark Allanon. 16 years old." Alam Kong may itatanong sakin... Gets ko na Yan.
"Wait?! May I just hear it again. Are you still 16 years old? Eh Yung mga kaklase mo, they are 18 and above. I think you're the youngest here!" Sabi na nga eh... "Yes Sir. Hindi po ako nag kinder so, deretso grade 1..." Yan ang palagi Kong sinasabi because that is the fact.
"OH! I guess, you're intelligent."
"HINDI naman po Sir!"
"OK... Next......"
So ayun na nga, nakaraos ulit sa pagpapakilala. Hanggang sa natapos na kaming lahat magsalita. We are around 50 students in one section.
1 hour later, natapos na kaming magpakilala...
"Class, for your first requirement, I want you to create a group project. Make a simple diorama composing of accounting building companies 9 to 12 buildings. That will be your project for the first semester. Pinadali ko nalang Yan. First project for 100 points! 10 members per group. OK po ba yon? "
Hayss, agad agad ah? Di ko naman mapipilit si sir so yon. Tinanggap nalang namin...
"You may end the online meet proceed to your group chats and make a conversation who will take you into your groups... Thanks for all?"
Di na ako magsalita sa GC. Nakakahiya pa... Nagbasa-BASA nalang ako sa mga china-chat nila. Yung iba, may mga kasama na kasi magkakakilala na sila. Until may nagpop-up sa message request ko. Tiningnan ko Kung ano yon, so ang pangalan ng GC is "GROUP PROJECT"
At may nagchat... Guyz I am Luke Matthew Celeste. I want you to become my group mates. Gusto niyo ba? "
Nagreply na ako." Oo naman! Ako nga Pala ulit si Thaddeus Mark Allanon."
Ayun, nagseen na silang lahat... Nagreply na Sila... Ang GA-Ganda ng mga pangalan nila. Pwera sa Isa Ernesto...
"So guys, ahhm sino Pala ang group leader natin? Kailangan kasi Yung mga pangalan natin at is-send natin Kay sir."
MAY nagreply naman... "Ikaw nalang since you're the one who created this group."
Ayy, automatic?
"ay ganon? Sige..."
At Yun pumayag naman. At may nagchat ulit sa GC namin Sabi ni sir, "Pwede kayong magkita-kita but observe distancing, wear your face mask kahit na may vaccine na tayo... Take care..."
Agad ko namang finorward iyon sa sarili naming GC. At nagreact naman sila.
"So saan tayo makikita-kita? Yung wala sanang umiistorbo..."
Mag-isa lang ako dito sa bahay at malapit lang naman ako sa National Book Store Para bumili ng mga kagamitan... Nag response naman ako... "Guyz, sa amin nalang!"
"OH that's good! OK ba tayong lahat?"
At nagreply silang lahat ng "Oo!"
"So, kailan tayo magkikita-kita?" tanong ko.
"Maybe for tomorrow kasi wala tayong klase bukas..." Sabi ni Mr. Leader...
"So, makakapunta ba lahat Kung Ganon?" tanong ko ulit...
"OK. We're going."
Nagresponse silang lahat na pupunta Sila... Maghahanda ako dito sa bahay. Maglilinis baka husgahan nila tung bahay. Nakakahiya naman sa kanila. Mukhang mga Galante silang lahat. Go lang ng go...
"Guys, may malapit na store dito samin. Dito nalang ako bibili ng gamit natin. Ako nang bahala sa gagamitin basta tumulong tayong lahat... OK ba Yun?" Sabi ni leader.
Huh? Malapit sya dito?
"Mr. Leader, anong store? Baka makapunta ako..."
"Ahh, itong National Book Store! Malapit ka lang ba dito?"
"Unfortunately, isang Kanto lang mula dito sa bahay namin..."
"OH... OK. Magkalapit lang naman Pala tayo... Pupunta ako mamayang hapon mga 1 pm. Pupunta ka?"
"Kung OK lang sayo..."
"No problem. Saan tayo magkikita?"
"Ahhmn, sa harap nalang."
"Ok. I'll be there at 1 PM. Para mapagkasunduan Yung mga gagamitin for our project."
"OK. Sige. Pupunta ako..." oh my God. Makikita kami ni Mr. Leader. Gwapo siya. Nakita ko siya kanina dun sa online meeting eh...
Habang naglilinis ako, nagpapa-isip lang ako Kung ano Yung concept na gagawin. Hanggang sa may kumatok sa pintuan ko.
Pag bukas ko," anak, kakain na. " Sabi ng Yaya naming si ate Clarizze. Siya lang Yung kasama ko dito sa bahay. Siya Yung Yaya na nagpalaki sakin kasama ni mama at papa. Kung wala si mama, siya ang humehele sakin... Si mama ay care giver slash accountant siya sa Qatar and my Father is a seaman. So minsan lang siyang Maka-uwi dito sa bahay. At may Ate ako si Ate Erithrea Marie... Nag-aaral siya ng pagka-dentist sa Japan. Di pa Yun umu-uwi Last last year pa.
"Sige po."
"ano bang ginagawa mo Jan?"
"Naglilinis po... Ay siya nga Pala ate. May bisita tayo bukas. Pupunta Yung mga kaklase ko. May project po kaming gagawin."
"Ahh, oo sige. Mga pogi ba Yan?"
"Halluh si Ate, may anak na kayo ha? Hahaha!"
"Pero walang asawa... Hahaha!"
"Hay nako, mga Bata pa Yun. Mas Mata da lang kesa sakin. Mga 18 years old Sila eh... Ikaw 31! A layo nun ah! Hahaha!"
"Age doesn't matter!"
"Anlandi mo ah?!" napahagikgik nalang kaming dalawa saka na kami bumaba...
"JC! Kain na anak!" Sa bahay, open si Ate Clarizze so nandito rin Yung anak niyang si JC. 10 years old. Ngayon kasi, module module lang siya so Kung may free time ako, pinapapunta ko siya dito sa kwarto ko at tinuturuan ko siya.... May ibubuga naman tung batang to kasi matalino.