CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Pinag-antay nalang ako ni Ate Clarizze sa labas ng palengke. Bawal sa crowded place...

Habang naghihintay, nagchat ako sa GC namin...

"OK lang ba kayo Jan?"

Agad namang may nagreply.... "Oo pre!"

Siniguro ko lang Kung OK lang Sila...

***Thaddeus' POV***

Patapos na kami ni JC sa ginagawa namin...

Hinanap ko agad si Matthew. Parang wala eh...

"Nasaan si Matthew?"

Sumagot naman si Rylandrien. "Di mo ba narinig?"

"Ang Alin?"

"Tinawag siya ni Ate. May binili Sila sa palengke. Busy kayo kanina Kaya di niyo siguro narinig Yung boses niya..."

"Ahh, OK... Bumili ba Sila ng ulam?"

"Oo... Kasi tinanong niya kami kanina Kung anong gusto naming ulam..."

"Ahhh. OK"

Napaisip ako... Ako Pala ang magluluto ngayon... Jusko po! Baka pumalpak...

Makalipas ang ilang minuto...

Biglang bumalik si Matthew sa tabi namin... Hawak ko ang cutter.

"Ahh, Thaddeus. Ikaw daw magluluto."

"Ahh, oo. Ako nga..."

Duty ko na naman...

"Guys, magluluto lang ako ah... Tuloy niyo lang Yan."

"Sige... Kami nang bahala."

"Sige. JC! Huwag makulit ha?"

"Opo Kuya Tonyo..."

Shet.

Paglakad ko, agad bumuntot sakin si Matthew.

"HINDI KA ba tutulong dun?"

"Ahh, may kwinento kasi sakin si Ate Clarizze. Kailangan mo daw ng kasamang magluto..."

"Ay. Oo nga Pala."

"Bumili Pala kami ni Ate ng Manok."

"So, ano daw iluluto?"

"Ahh, pininyahang Manok daw. Sabi ni Ate."

"Ahh. OK. Sige."

Pag dating naming dalawa sa kusina, nakita ko naman si Ate Clarizze na medyo ngumingiti.

"Ate? Anong problema?"

"WALA! Sige. Magluto na kayo at ako'y may gagawin pa... Maglalaba pa ako."  sabay may pakindat ito...

"Sige Ate." nagpapa irap ako sa kaniya. Talagang sinisiksik niya tung si Matthew.

Naka handa na pala ang mga kawali at sandok. Nahati Hati na ang karne ng manok. Magluluto nalang talaga...

Paghawak ko sa sandok,

"Bat nanginginig ka?" tanong sakin ni Matthew...

"E-ewan ko..."

Jusko po. Kinakabahan ako...

"Ako nalang Kaya? Alam ko namang magluto eh."

"HINDI na... Iabot mo nalang sakin Yung mga kakailanganin..."

"OH sige."

Habang magluluto ako, may tinanong sakin si Matthew.

"Thaddeus, may kapatid ka?"

Heart InmateWhere stories live. Discover now