Makalipas ang ilang oras ng pagta-trabaho...
"Uy? Parang may klase tayo ngayon..." Sabi ni Rylandrien.
"Wala... Vacant natin ngayon." sagot ni Matthew.
"Ahh, updated ba kayo sa schedules natin?" tanong ko.
"Oo. May sinend kasi sakin Yung Ate ko na schedule natin." Sagot naman ni Matthew.
"Ate? So may kapatid ka sa school?"
"Ate, instructor din natin siya."
"Ahh... OK. Maganda na yung Alam natin Kung ano Yung mga scheds natin."
"Siya nga Pala, may mga e-modules na kayo?" tanong ni Yuri.
"Ahh, wala pa naman." Sagot ko.
Antahimik no Rutherford. Nakikinig lang talaga siya...
"Nakay Rutherford lahat."
"Ay, oo nga Pala. Send ko nalang lahat sa GC natin Para madownload natin."
"Ahh, kailan?" tanong ni Yuri.
"Baka mamayang pag-uwi natin. Nasa laptop lahat eh."
"OK..."
"Alas kwatro na. Baka pwedeng umuwi na?" Sabi ni Mike.
"Ayy! Nandito ka Pala! Di ka nagsasalita ah?" tumawa naman ang lahat.
"Kanina pa! Siguro damit ko lang nakita niyo!" sagot ng mahiyain.
"Sa payat mong Yan?"
"Kasalanan ko pa ba Kung payat ako?"
"Magpataba ka rin kaya?"
"Alam mo, kahit anong gawin ko, wala ng pag-asa... Imbes na lumapad, tumaas naman ako..."
"Sanay ka na..." Sabi ni Rylandrien.
"Sanay sa ano?"
"Nevermind..."
Napatawa nalang ang lahat. Mukhang uuwi na Sila.
"Ahh Thaddeus, mauna na kami. Pwede na bang umuwi?"
"Bakit niyo sakin tataanungin? Ako ba ang leader dito?"
"Ay, oo nga Pala no... Ahh, Matt! Pwede na ba?"
"Oh sige. Basta pag nag tawag ako ng another day Para Ituloy ito, pumunta tayong lahat ha?"
"Oo naman! Ayaw naming mabagsak. Sayang grades..."
"OH sige..."
Tumayo na silang lahat at inaayos ang mga gamit nila. "Ay, sino palang maglilinis nito?" tanong ni Yuri.
"Ako nalang..." Sabi ko...
"Tulungan na kita." Sabi naman ni Matthew.
"Ay hindi na. Mauna na kayo. Kaya ko na to."
"HINDI. Maraming kalat.kailangan mo ng tulong. Tsaka, leader ako remember? So, tutulong na ako... Malapit lang naman ang bahay namin dito Kaya ok lang..."
"OH sige Kung Yun ang gusto mo. Di kita mapipilit."
"Sige..."
"Guys, ingat sa pagmamaneho ha?!" pagpapa-alala ko.
"Oo sige! Ingat din kayo..."
"Sige salamat sa pagpunta.....!"
"Sige! Sa susunod ulit."
"Bye. Ingat kayo!"
Kuma way nalang Sila at bumaba na. Naiwan kaming dalawa ni Matthew. Mag-wawalis na Sana ako ng,