Nilapitan ko na ngayon si Ate Clarizze. "Ate? Ano pong sasabihin niyo?"
"Uuwi ang Ate mo raw Sabi ng mommy mo."
"Kailan?"
"Sa sabado."
"Eh diba pagdumating ang passenger galing sa ibang bansa is mag-quarantine pa ng one week?"
"HINDI na. Home quarantine na raw siya. Dito na. Ngayon, kailangan natin siyang salubungin at paghandaan daw natin siya ng mga pagkain Sabi ng Mommy mo."
"Ay. Oo nga no. Mukhang pagkain Yun. Di naman tumataba."
"Yun lang ba Ate?"
"Oo meron pa. Narinig ko Yun kanina."
Nako, nabuko na!!!😱😱😱
"Huh? Anong narinig?"
"Magtapat ka sakin."
"Ano nga?"
"Kayo na ba ni Matthew?"
"Ahh..."
"HINDI KA pwedeng magsinungaling! Narinig kong sa sabihan kayo ng I love you!!"
"Opo. Ate? Pwedeng private muna?"
"Ay nako talagang private lang at baka pagalitan ka ni Daddy mo! Patay ka dun!"
"Alam naman niya Ate na bading ako. Siguro wala na siyang problema dun."
"O sige. May mga gagawin pa ba kayo Doon?"
"May mga activities pa po kaming dapat gawin."
"Huwag naman Sana Yung iniisip ko!"
"Gusto mo hampas Ate?"
"Pumanhik ka na dun at baka hinihintay ka na ng babe mo!"
Pati ba naman callsign?
"O sige."
Umalis na ako sa harapan niya at dali dealing pumunta sa lamesa pero wala na ang dadatnan ko.
Naglakad na ako papunta sa kwarto. Pagpasok ko, tinanong ko kaagad si Matt.
"Matt, kaylan Yung sinasabi mong occasion sa inyo?"
"HINDI ko pa ba naSabi sayo?"
"HINDI PA eh."
"Sa sabado."
Sabado? Eh sabado Yung uwi ni Ate... Pano na yan?
"Matt, darating kasi Yung Ate ko sa sabado... Anong oras ba Yung occasion niyo?"
"6 onwards."
"Pwedeng humabol?"
"Bakit?
" Sasalubgungin kasi namin no Ate Clarizze si Ate Erithrea. Maghahanda pa kami ng pagkain... "
"O-o sige. Naiintindihan ko." Yumuko siya at parang nadismaya sa narinig niya.
Lumapit ako sa tabi ni Matt habang siya'y nagsusulat saka ko siya tinabihan. "Babe, sorry ah... Oo promise. Hahabol ako."
"Huwag nalang. Mas mabuti ng samahan mo muna ang Ate mo."
"Nagtatampo ka babe?"
"Hindi."
Ramdam ko! Nagtatampo ang boyfriend ko...
"Alam ko, Nagtatampo ka. Sorry talaga pero promise, tatawagan kita pag Hahabol na ako sa inyo. And first time ko rin Yun na mag Punta sa bahay niyo."