Wakas

17K 338 71
                                    

"Daddy paano niyo po nakilala si Mommy? Is it like the stories I've read? " my 6 yrs old daughter, Julien asked me as I maneuver the steering wheel of the car.


I gaze at her on the side mirror, I can see that she will look so much like her mother. She's really bubbly and wonderful on her own. I will have a lot of headaches when she gets older.


"Stop asking, Dad. Can't you see na he's driving?" her twin, Vincent told him, annoyed is written on his face.

I can see that he will be a walking heartbreak but I will teach him not to hurt women.


"It's okay, Vincent. Julien isn't bothering me." I said and stop the car because it's traffic. Tumingin ako sa meter stick at nakita na 45 na segundo pa ang pagtigil namin.


"Where are we going ba daddy? can i sleep for a bit? Masyado akong napuyat sa libro kong binasa." ani ng anak kong lalaki at humikab.


"Ang sabihan mo kasi puro ka basa ng mga hindi naman appropriate sa age mo! a 6 years old who's reading geometry, huh?!" my daughter mocking her twin brother. 


"Kaysa naman puro ka basa ng fantasy, tignan mo puro magic na yang utak mo." balik na pang-aasar ni Vincent kay Jullianna. Ngumisi pa ito at patuyang nginitian ang kapatid, animo inaasar ito. Agad naman na nagalit si Julien sa sinabi ng kapatid.


"Daddy oh!" tawag sakin ni Jullianna.


Ngumiti ako ng pagmasdan sila. I'm blessed to have them, really blessed.


"We are going to the cemetery. Take a nap muna, you two." ani ko at sumunod rin naman sila.


Habang nagbabyahe ay narinig ko ang isang pamilyar na kanta sa isteryo ng aking sasakyan. It's the song I heard when I first met Celestine.


It's the late morning of August 19, she's walking gracefully outside her school, smiling at every person she passed by. Little did I know those smiles captivated me.


I'm helping my father to post our campaign poster around her school because it's public and besides, there are many people in here so it's good to introduce our party list to the people.


I saw her walking on the sidewalk laughing with Antoinette, pinagmamasdan ko lang siya, partikular ang kanyang bibig habang bumubuka ito at nagsasalita, pinipilit ko intindihin ang sinasabi niya kay Antoinette.


Parehas naman silang tumawid at pumunta sa karendirya upang pumili ng ulam, napatigil naman ako sa pagtulong at pinanood siya, kung paano niya hawiin ang mahabang itim niyang buhok dahil hinahangin habang nakatingin siya sa mga ulam sa harap niya.


She's a simple girl, wearing a white V-neck shirt paired with denim jeans and white sneakers, a typical college girl but what makes her unique is her smile and how she's good with people.


Pero pagdating sakin ay parang iritado siya, kahit wala pa akong ginagawa, kadalasan niyang nabibigyan ng masamang intensyon ang ginagawa ko. Dahil ang huling kita ko sa kanya ay nung highschool palang siya dahil nasa maynila ako nag-aral at ngayon na tapos na ay naisipan na tumulong sa aking ama para sa negosyo at dahil gusto ko ang pagtulong sa tao.


"Hindi padin nagbago masungit padin," bulong ko sa sarili dahil nakita ko siya napatingin sakin at biglang nag-iba ang itsura, halatang nagulat siya at biglang napawi ang pagkagulat at sumimangot.


Buti nalang ay tinawag ako ni Dad dahil may pupuntahan pa kami, nakita din ni Dad na nakatingin ako sa kanya at tinapik ang balikat ko.


"Bukas pupunta tayo sa barangay nila, mabuting magpakilala kana," biro sakin.


Napailing naman ako sa sinabi niya.



After I got a chance to get her number from Antoinette that night, I texted her.

 

But she didn't text me back, it's kinda annoying. Kaya naman ng pumunta kami kinabukasan sa kanila ay agad ko siyang inasar na magkikita kami para sa school works niya kahit hindi totoo.



Lalo pa siyang nagalit sa akin nang isipin niya na binobosohan ko siya sa may falls sa likod ng Mansiyon. Kaya noong nakita ko siya sa may kusina ay halata ang pagkagulat niya.

 
"It's been a year, my Leslie," I whispered, I felt she froze for a second and turned around...


Pero luminga linga siya at kumuha ng pagkain sa lamesa. Medyo hilo na ako dahil ako nalang ang natira sa table namin dahil ang mga pinsan ko ay nagswimming na.

The Lust Of The Governor's Night (Marchero Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon