Kabanata 3

23.4K 389 12
                                    

"STAY"

After a lifetime of being silent, I still remember everything, the way I can't hear anything at all, screams and whimpers flew to someone's mouth and they ran, ran until they are no longer in my sight. 

The excruciating pain still stings whenever I remember the past.

Several things happened at once and I can't move forward, I still don't know what's the first step.

Akala ko ay hindi na matutuloy ang check-up sakin ng doctor na pinatawag niya, pero pagkagising ko ay nandon silang pareho sa gilid ko.


Nag uusap sila na tila ba'y seryoso ang pinag uusapan, tinanggal ko ang kumot sa katawan ko, lumingon sila sakin pareho at tumigil sa pag uusap, bumangon ako upang makaupo sa kama, lumapit agad sa akin si Zaugustus at tinulungan ako.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Maayos naba?" nag-aalala niyang tanong sa akin, Nag-aalala? guni-guni ko lang siguro iyon.

Tumango ako at inalis ang pagkahawak niya sa braso ko. Bumaling ako sa matandang babae na nasa gilid ko.

Nakangiti ito sa akin, pormal ang pagkakaayos ng buhok at pati ang pananamit nito, nakaputi itong coat at may dalang isang itim na case, bagaman may mga guhit ito sa gilid ng mata sa pagngiti ay hindi maikakaila na maganda ito.

Napansin niya siguro ang pananahimik ko kaya lumapit siya at hinawakan ang noo ko.


"You should rest hija, baka sumakit ang ulo mo ulit." sabi niya sa akin kaya umiling ako.

"Kaya ko naman na po, hindi ko na po kailangan magpahinga." pagpupumilit ko at tinanggal ang kumot sa katawan ko. 


"Can you just listen to her please?" mariin na sabi ni Agosto sakin habang ang mata niya ay nagpipigil ng galit. Ikaw kaya kailan ka makikinig sakin?

Napalunok at napatingin sa ibang direksyon.

Hinayaan ko siyang icheck ako, tinignan niya ang temperatura ko, ang blood pressure ko at kung ano ano pa. pinainom niya rin ako ng gamot sa pananakit ng ulo.


Nagpaalam na ang doktor at lumabas sa kwarto at sinarado iyon.


"Is there something about you that I don't know?" he asked.


Napatingin ako sa kanya agad at umiling.


"N-nothing," I uttered.

He nodded and hold my hand.


"Please just listen to me because I don't want to see you faint again Celestine." maamo ninyang bilin at dinala ang kamay ko sa kanyang labi para halikan.


"Can you promise?" mukhang siyang bata na nagsusumamo sa akin


Halos ilang segundo ay hindi ako nakapagsalita parang may nakabara sa lalamunan ko.

"I-i promise Zaugutus." pagpapakalma ko sa kanya dahil tumaas ang isa niyang kilay tila naiinip sa isasagot ko.


Tumango siya sakin at nagpaalam na may gagawin muna at magpahinga muna ako, babalikan niya daw ako lapag natapos na ang ginagawa niya.


Iniwanan niya ako ng cellphone para tawagan ang katrabaho ko na aabsent ako at sabihin okay lang ako dahil sa nangyare kagabi.


Nagkaroon din ako ng pagkakataon para tawagan ang kapatid kong nasa probinsya dahil alam kong nag aalala yon dahil sweldo ko ngayon araw kaya, maghihintay iyon ng padala.


Una ko munang tinawagan ang kasama ko sa trabaho na si Oliver, siya ang kaibigan ko na matalik dito sa Maynila dahil tinulungan niya ako noong ninakaw ang bag ko, hinabol niya ang magnanakaw at mabuting nabawi namin pinapulis namin iyon, tinulungan niya din akong maghanap ng murang dorm dahil kulang ang pera ko.

The Lust Of The Governor's Night (Marchero Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon