Thresia POV
"Sino nga?" Mama
"Si herzel, wait sasagutin ko muna" lumayo ako ng kaunti sa kanila para sa tinatawag na PRIVACY
"Hello gaga!" Bungad ko sa kanya
"Grabe naman makagaga to" sagot naman niya sa kabilang linya
"Alam kong may kailangan ka. Gusto mong komopya sa math noh?" Diritsahan ko sa kanya
"Hala friend!! Pano mo nalaman?"
"Ay alam na kita, pag may assignment tayo sa math, lagi kang komokopya sakin" pang-aasar ko sa kanya
"Minsan lang ahh" sagot naman niya
"Minsan lang daw. Ayan mas inuuna kasi ang kerengkengan"
"Ito naman!! Dinadalaw na naman ng kabitteran"
Oo na bitter na ako alam ko yun
"Che!" Tanging sagot ko
"Sege na pakopya ako ha! Pupunta na ako dyan...at teka alam kong hindi ikaw ang sumasagot sa math mo hahaha"
Magsasalita pa sana ako kaso binabaan na ako ng loka
Bumalik nalang ulit ako sa kusina at kumain
"Oh! Anong pinag-uusapan niyo?" Tong si kuya, echosero din pala
"Echosero" sabay irap sa kanya
"Aba! Papa oh inirapan ako" parang batang nagsusumbong si kuya kay papa
"Hay naku magsikain na lang kayo! Masarap yung ulam oh"
••••
KINABUKASAN
"Friend! Sumakay nalang kaya tayo ng taxi papuntang school" reklamo ng kaibigan ko na ubod sa katamaran
"Gusto mo lang ata mapabilis ang pagdating mo sa school para makasama mo yung macky na yun" inis na sabi ko sa kanya
"Hehehe, miss ko na kasi babi ko" sabi niya sabay pout
Duh di bagay
Well walking distance lang naman tong school namin eh, sadyang atat na atat lang talaga tong kasama ko na makasama ang jowa niya
Walang poreber woi
Ay oo nga pala, magschool mates lang kami nong ni macky tsaka ni grahd na pipi
"Walang sasakay, maglalakad tayo" maawtoridad na sabi ko
"Huhuhu friiiendd!!"
•••••
"BABIIIII!!" sigaw nitong kasama ko na ubod sa kalandian
Oo dumating na kami sa school gate namin, at arrghhh ito talaga ang bubungad sa akin???
The sweetness of this two people...ARRGHHH I REALLY HATE IT
Nilagpasan ko naman silang dalawa... Naglalandian kasi eh. Hmmm napansin ko lang, hindi kasama nong macky nayun yung pipi nyang pinsan.... Ew!! Bat ko ba iniisip yung taong yun?? Makapunta na nga lang sa classroom
"Good morning thresia" masayang bati nitong bonjie nato sa akin
"There's nothing good in the morning" pangsusuplada ko sa kanya
"Meron kaya" hasyyst mangungulit na naman to, kita na ngang bad mood ako nangungulit pa
Hindi ko nalang sya sinagot at umupo nalang ako sa assigned seat ko
"Hindi mo ba tatanungin kung ano?" Sabay upo sa kaharap kong upuan
Ngumiti ako sa kanya ng hilaw tsaka inirapan siya
Umalis naman ito sa harap ko ng mapagtanto nitong wala ako sa mood ngayong umaga
Maya maya lang ay dumating na si herzel at kasunod naman niya si Ma'am
Teacher namin sa history
"Good morning students blah blah blah"
Hindi ako nakinig buong discussion. Duh pake ko sa history subject na to
"Okay, as your assignment. Draw a hero like Dr. Jose Rizal, Juan Luna and etc. Get it? Okay dismiss"
Pagkaalis na pagkaalis ni ma'am ay syang pag-ingay ng classroom
'Gosh! I don't know how to draw"
'Sinong Hero ang edodraw mo?'
'My god si ma'am talaga'
Iilan lang yan sa mga ingay na narinig ko
I feel them, hindi kasi ako marunong magdrawing eh. Hmmmm si kuya kaya? Aiiishh baka bibigyan na naman ako ng kondesyon non.
"Friend, sinong hero ang edodrawing mo?" Tanong ni herzel sakin
Ngumiti ako sa kanya ng peke sabay sabing
"Sarili ko"
Ngumiwi naman sya sa naging sagot ko
"Babi" sabi ng kung sinong boses na nagmula sa katabi kong bintana
YOU ARE READING
Kahit Ang Bitter Nagkakalovelife Din
RandomSi thresia ay isang bitter. At sa kanyang pagiging bitter, makikilala niya si Grahd, pinsan ng jowa ni herzel na kaibigan niya