Herzel POV
"Herzel and thresia, this is Krenzy my childhood friend, krenzy this is thresia my friend and herzel my girlfriend" pagpapakilala ni macky sa aming tatlo
"Oh hi, herzel. Ikaw pala ang girlfriend ni macky, nice to meet you at sayo din thresia" sabi niya habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa at ganun din kay Thresia
"Tara punta na tayo sa mga room natin" sabi ni macky at sumang-ayon naman kami
"Macky, samahan mo naman ako hanapin ang room ko, please" sabi nitong malanding kaibigan ng jowa ko habang nakayakap sa braso ng macky ko
Tumingin naman muna sa akin si macky kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanila
"A-ahh s-sorr--"
"Sege na macky please, ikaw kasi ang gusto kong makasama eh"
Malande talaga!! Kung di lang to kaibigan ng jowa ko, malamang sinuntok ko na to
Bigla namang uminit ang mata ko, at sign na yun na iiyak na ako
"A-ahh s-sege na macky, s-samahan mo na s-siya" utal utal na sabi ko sabay talikod sa kanila pero before ako tumalikod, nahagip ng mata ko si grahd na sobrang lungkot ng mga mata habang nakatingin kina macky at sa malandeng bruha
"Friend okay ka lang?" Tanong ni Thresia habang nakaalalay sa akin
Bigla nalang nagsiunahan ang mga luha ko sa pagtulo, kaya nataranta si thresia
"Woi friend! Wala akong panyo pampunas sa sipon mo" alam kong pinapatawa niya lang ako
"Friend naman eh, wala ako sa mood tumawa ngayon"
"Sorry friend, pinapatawa lang kita. Haay naku friend ang mas mabuti pa, wag muna tayong pumasok sa first subject natin. Nakakahiya masyado ang mukha mo oh, mag-ayos ka nga. Ang mga lalaki dapat hindi iniiyakan, masyado ka naman kasing iyakin eh tara na nga sa cr" sabi ni Thresia habang pinupunasan ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko gamit ang mga hinlalaki niya
•••••
"Salamat friend ha?" Pagpapasalamat ko dito sa bitter kong kaibigan pero mabait
Nandito nga pala kami sa roof top, dito kasi namin naisipang magtambay eh kasi kung sa garden baka makita pa kami ng SSG president dito sa school.... Bigyan pa kami ng punishment
"Ay naku! You're welcome bruha Hahahahaha"
At nagtawanan kami pero tumahimik din kaagad pero sa pagtahimik namin ay kasabay ng pagbukas ng rooftop at iniluwa nito si Grahd at Krenzy
Bakit sila ang magkasama? Asan si macky?
•••••Thresia POV
"Magtago tayo friend" sabi ni herzel habang pilit akong hinihila patayo
"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya
Nandito kasi kami sa isang sulok na hindi masyadong kita nina Grahd at Krenzy
"Basta! Sumunod ka nalang dali!!"
Dali dali naman kaming nagtago, kahit hindi kami masyadong kita dito sa pwesto namin. Ewan ko dito kay herzel
"Krenzy----"
"Hay naku grahd! Diba I told you naman already, hindi ikaw ang gusto ko"
Ouch ang sakit non
Hindi naman kami chismosa noh, sadyang may tenga lang talaga kami
"Pero krenzy, may girlfriend na si macky and they love each other, ano? Gugulohin mo pa ang buhay nila?" Sabi ni macky sabay hawak sa magkabilang balikat ni kerengkeng girl
Second time ko na siyang naririnig magsalita ng mahaba
"Please Grahd can you please stop? I don't like you okay 'coz i love macky. Wag mo nang ipagtulakan ang sarili mo sakin" sabay taboy sa mga kamay ni grahd na nakahawak sa mga balikat niya
"How about you? Dapat hindi mo na rin dapat ipagtulakan ang sarili mo sa pinsan ko because he doesn't like you and he loves herzel"
Third time
"Well I don't care!! Ipaglalaban ko ang feelings ko sa kanya" sabay talikod niya kay grahd pero bago pa ito makaalis ay may sinabi si grahd sa kanya
"Ipaglalaban ko din ang feelings ko sayo krenzy, kahit ilang beses mo pa akong saktan......dahil mahal kita"
Ano tong nakikita ko? Si grahd? Umiiyak?
Bumaling naman ako sa kaibigan ko na ngayon ay umiiyak
"Friend, dapat na ba akong magpaubaya?" Tanong niya habang umiiyak kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mukha niya
"Shhh wag mong gawin yun, ipaglalaban mo yang nararamdaman mo. Diba dyan ka masaya? So bakit ka magpapaubaya?"
"Oo masaya nga ako sa nararamdaman ko, pero sobra naman akong nasasaktan sa nakikita at naririnig ko kanina"
Lumingon ako kay grahd na ngayon ay nakaupo sa isang gilid habang nakayuko
"Narinig mo naman ang sinabi ni grahd at ni Krenzy diba? Ipaglalaban nila ang nararamdaman nila sa mga taong m-mahal nila, kaya sana ganun ka din"
Ngumiti naman ito sa akin, kaya nagtaka ako
"Alam mo friend, kahit bitter ka, may awa ka rin pala sa mga magjowa eh haha"
Binatukan ko naman ito ng mahina
Mahina lang, galing lang kasi sa pag-iyak eh
"Hay naku herzel kung alam mo lang kung anong ipinagdasal ko kagabi"
Na sana maghiwalay lahat ng magjowa
"Ay naku tara puntahan natin si grahd, kawawa oh" sabi ni herzel sabay turo kay grahd na umiiyak
"Okay" sagot ko at nagsimula ng maglakad papalapit kay grahd
Bakit ganun?
Bakit sa bawat paghakbang ko papalapit sa kanya ay ang syang pagbigat ng dibdib ko?
Bakit ganito?
Bakit.......
....ako nasasaktan??
YOU ARE READING
Kahit Ang Bitter Nagkakalovelife Din
RandomSi thresia ay isang bitter. At sa kanyang pagiging bitter, makikilala niya si Grahd, pinsan ng jowa ni herzel na kaibigan niya