Thresia POV
"Oh kumain ka muna nang lugaw upang mainitan yang tyan mo" sabi ko sabay subo ng lugaw sa kanya
"Ayoko, wala akong gana" tanggi nya
"Kumain kana, pano ka gagaling nyan kung di ka kakain? Alam mo? Mas lalo ka lang magkakasakit nyan" sinubo ko ulit ang kutsara ng lugaw sa kanya at sa pagkakataong ito tinanggap na nya
"Kumain ka pa oh" sinubuan ko ulit siya
Bumukas ang pinto at pumasok si macky
"Pre, bibili muna kami ng gamot, babantayan ka muna ni thresia ha? Mabilis lang kami"
WHAT? KAMING DALAWA LANG ANG MAIIWAN??
"Sege pre, ingat" grahd
Umalis na si macky at tinapos ko naman ang pagpapakain kay grahd.
Grabe ang hirap pala mag-alaga ng may sakit, Hindi ako sanay. Sa bahay kasi, ako ang inaalagaan
•••••
"Ahh grahd, magh-hubad ka m-muna, pupunasan l-lang kita" ilang na sabi ko sa kanyaNakita ko naman itong nagsmirk
"Oi! Wala tong halong malisya ahh, alaga lang walang personalan" pangangatwiran ko sa kanya
"Tss I know"
Tignan mo tong taong toh, di ko talaga maintindihan minsan.
Tumalikod ako para makapaghubad siya ng maayos
"Psh, anong silbi ng patalikod talikod mo kung makikita mo rin naman tong hot body ko" mayabang na sabi niya kaya niinis ako
Lumingon ako
"Excuse me----"
Wala na, tulo na laway ko
"Hey!" Pagbabalik niya sa katinuan ko kaya nataranta ako at naipunas ko sa mukha niya yung pampunas
"Ano ba?" Galit na sabi niya
Lagot
"A-ahh hehehe s-sorry" sabi ko sabay peace sign ^_^v
Nag-irap lang ito kaya pinunasan ko na siya
Awkward beeesshh
Imagine, hindi ka makapagpunas ng maayos dahil sa 'hot body' kuno niya
•••••
Macky POV
Natagalan kami sa pagbili ng gamot ni grahd dahil.......
....... Naflatan kami
Pero naayos din naman kaagad kaya pagkatapos naming bumili ng dapat bilhin ay bumalik kami agad sa bahay nina grahd
"Pre" tawag ko sa kanya
Nandito na kami ngayon ni herzel sa kwarto ni grahd
"Hala! Babi nakikita mo ba ang nakikita ko?" Shock na tanong ni herzel sakin
Hindi ako makasagot dahil pati ako shock
"Babi dali picturan mo sila" excited na sabi ni herzel kaya dali dali kong kinuha ang Cellphone ko at kinuhanan sila ng picture
Guess what? Naabutan naming magkatabing natutulog si grahd at thresia. At! Hindi lang basta magkatabi ha, magkayakap pa sila. Ganito yung position nila, si thresia ay nakaunan sa braso ni grahd at nakayakap ang kanyang kaliwang kamay kay grahd, tapos si grahd nakayakap naman ang kanyang kanang braso kay thresia
Oh diba sweet
"Babi, ganun ba tayo katagal bumalik?" Tanong ni herzel sakin
"Ewan ko, tara matulog din tayo dun tayo sa guess room"
"Ooooppsss pero hindi dapat tayo magkatabi hmm" sabi habang nakaekis ang dalawang daliri
"Hindi talaga, dahil dun ako sa kabilang guess room, to talagang babi ko ang advance mag-isip"
"Heh"
•••••
Grahd's POV
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng tawag kalikasan
Alam niyo na
T-teka!!
Tumingin ako sa katabi ko at...at...
"What the heck" naisambit ko nalang eh sino ba kasing hindi magugulat na katabi mo ang isang babaeng matulog
Wait lang!!
Tinignan ko ang sarili ko dahil sa iniisip.
"Wews" naibulong ko dahil nakadamit pa pala ako
Tinitigan ko si thresia habang natutulog
"Maamo yang mukha pag tulog, pero pag gising...tss sobrang pait, hahahaha dahil sa kabitteran mo tss" sabay hawi ng buhok na nakatakip sa kanyang mukha
*LUB*DUB*LUB*DUB*
W-what the heck is happening to me???
Am I-- am I--- NO NO NO!!
Bumalik nalang ako sa paghiga dahil parang umatras yata yung tawag ng kalikasan ko
"Mahal kita" bumaling ako kay thresia dahil sa sinabi niya
Hindi ko alam na nagsesleep talk pala toh
Bakit ganito ang pakiramdam ko??
"Mahal kita" bulong niya ulit sabay tulo ng luha sa kanang mata niya kaya pinunasan ko ito
"Papa" dagdag niya
YOU ARE READING
Kahit Ang Bitter Nagkakalovelife Din
DiversosSi thresia ay isang bitter. At sa kanyang pagiging bitter, makikilala niya si Grahd, pinsan ng jowa ni herzel na kaibigan niya