Thresia POV
"No/Hindi!" Sabay naming sabi ni grahd
Bakit nga ba kami magkaholding hands?
"Suuss okay lang magsinungaling, wag lang pasubrahan, nahahalata masyado eh" sabi ni herzel
"Kumain na nga lang tayo, oh thresia okay ka na?" Dagdag niya
"Ahh hindi muna ako kakain, masakit talaga kasi ngipin ko eh" sagot ko
"Ano ba kasing kinain mo kagabi?" Tanong ni macky
Ilang naman akong tumingin kay grahd na hindi rin makatingin sa akin
"A-ahh c-chocolate" utal na sagot ko
"Sinong nagbigay sayo?" Curious na tanong ni herzel
Nginuso ko naman si grahd na nagbabasa kunwari ng news paper pero baliktad naman
Halatang kinakabahan eh
"Ay? Meganon?" Herzel
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si kerengkeng girl
Naku, andyan na naman ang kontrabida sa tambalang Maczel
"Macky!! Bakit hindi mo ko pinuntahan sa room ko? I'm so tired of finding you!!" Inis niyang sabi kay macky
"Ahh sorry krenzy, dinala kasi namin si thresia dito kasi nahimatay siya kanina" pagpapaliwanag ni macky
Lumapit sa akin si herzel at tumabi kay grahd dala dala ang kanyang pagkain
"K-kumain na k-kayo grahd at t-thresia" utal utal na sabi niya, alam kong malungkot na naman yan
Tinignan ko naman si grahd na nakayuko ngayon
"I'm not hungry" sagot niya kay herzel
Malungkot din kaya siya?
"It's okay, oh by the way pagkain ko ba yan? Ang sweet mo naman macky kaya mahal na mahal kita eh" malanding sabi ni krenzy sabay yakap sa braso ni macky
Malandi talaga!!! Kung di lang masakit ngipin ko malamang na suntok ko na yan
"A-ahh krenzy, andito k-kasi girlfriend ko" utal na sabi ni macky
"And so?" Maarte nyang sabi
Biglang tumayo si herzel sabay sabing
"L-lalabas muna a-ako" at tsaka sya umalis kaya bumangon ako at nataranta naman si grahd
"Oh baka mabinat ka"
Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin siya dun
"Grahd, okay lang ako. Ang asikasuhin mo yung mahal mo, hindi ako" mahinahong sabi ko sa kanya sabay alis
Alam ko na kung saan pupunta si herzel kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa rooftop
Naabutan ko siya sa rooftop na nakadungaw kaya medyo nataranta ako
"F-friend! Wag mong g-gawin yang b-binabalak mo para s-sa isang lalaki l-lang. Friend andito pa a-ako, ang p-pamilya mo, na m-mahal na mahal k-ka, kaya f-friend please!! Please!! W-wag k-kang magpakamatay" taranta kong sabi
Bigla naman itong tumawa ng malakas kaya mas lalo akong nataranta
Bumukas ang pinto at pumasok si macky na halatang gulat na gulat din
"B-babi!! I'm s-sorry"
Tumawa na naman si herzel ng malakas
"Ano ba yang mga mukha niyo?? At anong sinasabi mo friend ha? Ako? Magpapakamatay? Dito? Over my hot, gorgeous and sexy body!! No way" sabi niya sabay lapit kay macky kaya nakahinga ako ng maluwag
"Babi, I'm--I'm sorry" macky
Iniwan ko na sila dahil duhh usapan ng magjowa na yun
Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si krenzy. Inirapan niya ako kaya hello inirapan ko din noh
Papatalo ba naman ako
Lalampasan na niya sana ako kaya hinawakan ko siya sa braso
"Wag ka na lang magtangkang pumunta sa rooftop, ikaw lang ang masasaktan" mautoridad na sabi ko sa kanya
"Hahaha thanks for your concern, I appreciate it" maarting sabi niya sabay taboy ng kamay ko
"Seryodso ako. Kung ako sayo, dun ka nalang kay grahd, mahal na mahal ka nun eh"
"I love macky! Ipipilit ko ba naman ang sarili ko sa taong hindi ko naman gusto?"
"Hindi mo nga pinipilit ang sarili mo sa taong hindi mo gusto, pero pinagtulakan mo naman ang sarili mo sa taong nasa iba ang puso" sabi ko na ikinasama ng mukha niya
"And why the hell you care huh?" Sabi niya na tinulak pa ng mahina ang balikat ko
"Kasi krenzy!! Ako lang ang naaawa sayo!! Andyan naman si grahd na handang mahalin ka sa lahat ng makakaya nya"
"Not anymore!" Sabi niya na ikinataka ko
"H-ha? A-anong no? Look krenzy, m-mahal ka niya---"
"I said not anymore! He's being in love with someone else" sabi niya sabay akyat patungong rooftop
"H-he's--- he's being in love with someone? Else?" Bulong ko
"Yes! I'm being in love with someone else" sabi ng isang familiar na boses sa likuran ko
YOU ARE READING
Kahit Ang Bitter Nagkakalovelife Din
DiversosSi thresia ay isang bitter. At sa kanyang pagiging bitter, makikilala niya si Grahd, pinsan ng jowa ni herzel na kaibigan niya