Thresia POV
Ngerrk si macky lang pala
"Kala ko kung sino" bulong ko sabay tingin sa kabilang side ko para hindi ako mandiri sa kasweetan nilang dalawa
"Pasok kayo dito! Wala pa naman ang next teacher namin eh" sabi ni herzel na parang nagpapatuloy sa kanyang sariling bahay
Wow diba?
Pumasok naman silang--- owss dalawa sila, kasi kasama ni macky yung pipi nyang pinsan. Sa unahan ng aking upuan umupo sina macky at herzel.
Well actually, pandalawahan kasi ang mga upuan sa room namin, at dahil ako lang ang walang katabi.... Sa katabi kong upuan umupo tong pipi na to
Bakit ba kasi nauso ang assign seat assign seat na yan?
"Tss" naisambit ko nalang
Wala na talagang maisasama ng araw na to!!! Imagine sa harap mo, may naglalandian at MY GOSH!! Ang sakit sa mata promise!
Respeto naman sa mga single dyan
Tapos tong katabi mo naman, nakakabingi...hindi dahil madaldal kundi!! NAKAKABINGI SA SOBRANG TAHIMIK!!
Mabuti nalang at maiingay tong mga kaklase ko"Hoy! Kayong dalawa, mag-usap din kayo paminsan minsan woi" biglang sabi ni herzel
Napatingin naman ako sa kanyan at tsaka inirapan siya
"MGA SCHOOLMATES, WALA DAW KAYONG KLASE NGAYON SA SUBJECT NIYONG PHYSICS KASI MAY LAKAD DAW SI SIR" sigaw ng kung sino
At nagdiriwang ang mga dakila kong kaklase dahil sa balita
"Babi!! Punta tayo rooftop" masiglang sabi ni herzel kay macky
"Oh pinsan, thresia? Sama kayo?" Tanong ni macky samin
"Hindi/Nope" sabay naming sabi ni---pipi, first time kong narinig yung boses niya
"Sana all magkasabay, oh sege kung ayaw niyong sumama, iiwan na namin kayo" herzel
At umalis na nga ang dalawa papuntanng rooftop. Kung sasama ako, baka langgamin lang ako sa kasweetan nong dalawang yun.
Bigla namang tumayo tong pipi nato at lumabas ng room kaya lumabas narin ako ng room...opps di ko sya susundan ha! Pupunta ako sa likod nitong campus na to, may tambayan kasi ako sa likod ng campus na to eh...pero before that! Magccr muna ako. I need to jingle na•••••
"Haayy sarap talaga tumambay dito" nandito na ako ngayon sa tambayan ko. Maganda dito kasi maaliwalas ng simoy ng hangin, tahimik at tsaka WALANG MGA LOVERS
Tumingin ako sa langit. Ang ganda ng mga clouds
Parang ako hihihi
May biglang namuong tanong saking isipan
"Sa loob ng 17 years, bakit kaya hindi ako nagkakajowa?" Tanong ko habang nakatingin paring sa langit
"Bakit nga ba Papa Lord? Maganda naman ako, mabait minsan, sexy--- ay hindi pala masyado. Pero bakit wala akong jowa Papa Lord?" Dagdag ko pa
"I thought you hate lovers?"
Biglang sabi ni---- OH MY GOD!!"Papa Lord!! Ikaw ba yan?" Sabi ko na may halong kaba
"No, it's me" sabi ni---
"Grahd?" Gulat na sabi ko
Eh kasi ba naman, bigla bigla nalang magsasalita tapos bigla biglang susulpot sa tabi ko
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya
"......." Ayan umaral na naman ang pagiging pipi
"Ayy naku ewan ko sayo" inis na sabi ko
"Wala lang" biglang sabi naman niya
"Ikaw ha! Namimistiryosohan ako sayo. May pasilent mode silent mode ka pa talaga" ako
"I don't wanna talk nonsense topic" siya
"So? Porker nonsense hindi ka na magsasalita? Sege ka, nakakabad breath pa naman ang pagiging tahimik all the time" pagbibiro ko habang nakasmirk
Bigla namanitong lumingon sa kabilang side niya at sabay amoy sa hininga niya. Kaya natawa ako ng palihim
"Alam mo? Uto uto ka rin eh noh?"
"......" Wala silent lang talaga siya
"Ano ba yan!! Para lang nakikipag-usap sa sarili ko, bahala ka na nga!" Sabay saksak ng headset sa tenga
Mas mabuting makinig na lang ako ng music!!
•••••
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pakikinig ng music--- teka bakit parang isang headset nalang yata ang nasa tenga ko?
Naptingin naman ako sa katabi ko
O_O!
OH MY GOSH!!!
YOU ARE READING
Kahit Ang Bitter Nagkakalovelife Din
RandomSi thresia ay isang bitter. At sa kanyang pagiging bitter, makikilala niya si Grahd, pinsan ng jowa ni herzel na kaibigan niya