FLAMES and CANDLES

1 0 0
                                    

"Flames and candles" Part 2

Nagulat ako nang makita kung sino ang Doctor na pumasok dito sa ward kung nasaan ang aking nanay.

"L-loushia?" gulat kong pagkabigkas sa kanyang pangalan. At agad syang nagulat na tinignan ako at agad na napabaling ang tingin sa aking nanay.

"O-oh t-tita! I didn't expect that you'll be my patient, I thought you've recovered na from your illness years ago? Hindi ba diabetic ka po non?" Wika nya.

Loushia became more gorgeous than I thought she'd be. Mukha siyang professional. I didn't expect na ganito ang pagbabago niya. Does she still think of me? May boyfriend na kaya ulit siya? Andaming pagbabago sa kanya. Her aura, the ways she talks, the way she walks, the way she treated her patients, even her face.

"Anak, I'm so proud of you. Sayang at nagbreak kayo nitong si Matthew. Hay nako"
Sambit ng aking nanay na ipinagsawalang bahala ko nalang at hindi din naman umimik si loushia.

"Dra! Yung patient sa room 325 need po kayo" sambit ng nurse na biglaan na lang pumasok dito sa ward

" okay just give me about 20 minutes, I have a patient here. Try to ask other available doctors" wika niya at itinaas ng kaunti ang sleeves ng kanyang gown.
Nakita ko roon ang kanyang digital watch.

" tita I need to ask you some questions po. This are all regarding sa illness niyo. We'll let you know what medicines you need to drink"

—————————

" Anlaking pagbabago ng ex mo ah" wika ng aking nanay.

" Oo nga ma, natutuwa ako para sa kanya" sambit ko naman.

"Bakit kaba kasi nakipaghiwalay? Jusko naman Ang swerte mo na sa babaeng yan" sabi nito at hindi nalang ako umimik.

Alalang alala ko lahat ng nangyari noon.

—flashbacks—-

" b-baby I'll try to ch-change just please comeback" mahinang sambit niya habang siya'y humahagulgol.

" I-I will, I want you to love yourself first, okay?" Wika ko at humarap sa kanya upang mahalikan ang kanyang noo.

That was my last kiss to her.

Ilang araw na ang nakalipas simula ang nangyari sa amin.

"Bro, ano ba nangyari sa inyo  ni isha? You two look like a perfect couple ah" sabi ng tropa ko habang nilalagyan ng wine ang aking baso.

" bro naman, sobrang hirap niya kasing intindihin" wika ko at kinuha ang baso upang uminom.

" so babalikan mo ba? " tanong nito.

" sa tingin mo? " tanong ko naman pabalik.

"Bro choice mo yan. Kung mahal mo talaga si isha hindi mo yan iiwan " wika nito.

Napatango nalang ako at uminom ng uminom. Umorder ulit yung tropa ko ng cuervas at black label.
Ramdam ko ang init na gumuguhit sa aking lalamunan. Nagulat na lamang ako nang maramdamang may tumabi sa aking babae.

"Hey" wika nito ngunit hindi ako umimik dahil alam kong lasing na ako baka kung ano pa ang magawa ko dito.

"Bro, alis nako" sambit ko habang papikit pikit ang aking mga mata.

"Kaya mo ba? Book muna kita ng grab. Hintayin mo nalang" sabi naman nito.
Tumango nalang ako at sumandal sa upuan at ipinikit ang aking mata pero nabuhayan muli ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking mga binti.Idinilat ko ang mga mata ko at laking gulat sa babaeng tumabi sa akin kanina ay narito pa rin.

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?!" sigaw ko dito at tumayo na.

"Bro tara na, yung grab andito na. Sorry miss" wika ng aking tropa.

" Ang landi naman ng babaeng yon, Buti nalang at hindi ganon si loushia" wika ko na nabubulol pa.

" lasing kana tol, Sige na mag ingat ka "

May hawak akong rosas at balak ko sanang humingi ng tawad kay loushia at iniisip na subukan kaya namin ulit.

Ngunit nang kumatok ako sa kanyang apartment bumungad sa akin ang isang matipunong lalaki.

wtf? Did she cheat on me? May nahanap na agad siyang bago?

Wala akong kibo at inabot nalang sa lalaki ang rosas at lumakad na palayo.
—————————————————
⚠️Sorry for the errors
🌻helianthus

short stories // random Where stories live. Discover now