"Tagu-taguan"
'Tagu taguan maliwanag ang buwan!'
' Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo!'
' isa'
Naririnig ko ang aking pamankin na si estrie na naglalaro magisa. Habang ako'y nasa sala at ginagawa ang aking project naririnig ko syang naglalaro ng tagu-taguan.
'Dalawa'
'Tatlo!'
Napatigil ako sa aking ginagawa nang may maramdaman akong malamig na hangin na bilang dumaan sa tabi ko
'Apat!'
'Lima!'
'Magtago na kayooo'
Sigaw ni estrie habang nakaharap sa pader at tinatakpan nia ang kanyang mga mata gamit ang kamay nia.'Anim!'
' pito!'
nagulat ako nang biglang may kumalampag sa kabilang kwarto
'Walo!'
Biglang bumukas ang pintuan sa kwarto kung saan ko narinig ang pagkakalampag
'Siyam!'
Nagsara muli ang pintuan at tinitigan ko lamang iyon
'Sampu!!! Hahanapin ko na kayo!!'
Tinanggal na ni estrie ang pagkakatakip nia sa kanyang mga mata at naglakad sa buong bahay, kanyang unang sinilip ay ang kwarto kung nasaan sya, ang playroom
Pangalawa ay yung kwarto ko na nakabukas
Pangatlo, pumunta sya doon sa kwarto kung saan may kumalampag kanina
Tinignan ko lang syang pumasok roon habang nakangiti
"BOOMTAYA! ALAM KONG ANDYAN KA" Pasigaw na sabi ni estrie habang nakaturo sa gilid ng loob ng kwartong iyon
Tinuloy ko nalang ang paggawa ko sa aking project
"Isang piece nalang" ididikit ko na ang isa pang planeta nang bigla kong narinig ang pagsigaw ni estrie
" TITAAAAA ARIIAA!!! "
Malakas na pagsigaw nito at unti unti ding nawala mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto kung nasaan syaNakita ko syang nakaupo sa loob ng cabinet. Ang cabinet nina mamita.
Ngunit napahinto ako sa aking kinagagalawan at tumaas lahat ng aking balahibo sa aking nakita.Si estrie ay nakaupo sa loob ng cabinet habang ang kanyang mga bibig ay tinatakpan ng maitim na kamay na nanggagaling sa kanyang likod.
"AHHHH?!!! MA-ma- MAMITA?!" Sigaw ko at mabilis na hinatak si estrie ngunit mas malakas si mamita.
Nakakatakot ang kanyang mukhaa...
Matagal nang patay si mamita..... At Walang nakakaalam kung bakit ngunit bakit ngayon? Bakit sya nagpakita? Bakit ang kanyang kaluluwa ay narito? At bakit niya kalaro si estrie? Maraming tanong ngunit mas pinangunahan ako ng takot.
Hinahatak ko pa rin si estrie at bigla nalang kaming natumba, tinignan ko muli ang cabinet at wala na si mamita doon.
Ngunit ... nang binuksan ko ng maigi ang cabinet nakita ko... nakita ko ang kanyang mga sulat...
"Bigyan mo ng hustisya ang aking pagkamatay ariah"
"Tulungan mo ako"
" Kilala mo ang pumatay sa akin ariah, tulungan mo ako"
Ayan ang nabasa ko sa loob ng cabinet...
Bumaling ang aking tingin kay estrie at binuhat sya bumalik kami sa sala at tinawagan ko ang kanyang tatay
"Tito?"
"O-oh? Kamusta si estrie?" Nagiging chappy ang linya kaya't medyo d ko maintindihan ang tatay ni estrie
"Tito? Pakisundo si estrie"
"Ha-ha? " bigla nalang nawala ang koneksyon at iba na ang naririnig ko sa telepono
"t-tulong!" Pamilyar na boses ang aking naririnig
" Hahanapin kita kung asan ka mann~" boses ng isang lalaki ang naririnig ko sa telepono habang nay kumakalaskas na metal.
"Tulong!" Umiiyak na sabi ng isang dalaga
" Pagbilang ko ng sampu dapat d kita mahahanap, okay?" ani ng lalaki at tumawa pa ito.
Binitawan ko na kaagad ang telopono at buhat buhat ko si estrie habang agad kaming pumasok sa cabinet.
Nabalot ng katahimikan at kadiliman ang loob ng cabinet ngunit ilang sandali ay parang may naririnig kaming nagbubuntong hininga sa tabi namin.
____________________________
⚠️sorry for the errors
🌻helianthus
YOU ARE READING
short stories // random
RandomThese are all stories I've written before, this were all in my RPA(roleplay account). I just transferred my stories here. Pictures/Photos you'll see Are not mine ( CTTO of the pictures) - pinterest/google *all of this is a work of fiction*