Six

16 0 0
                                    

Tinawagan ko agad ang Zodiac a.k.a tropa ko para ipamahagi ang magandang balita. Hahahahaha! #sohappy

"Baka naman may gusto sya sayo?" -Khaye

"Sus Bei, paasa lang yan." -Sheena

"Agree ako kay Sheena!" -Maria

"Ako, agree ako kay Khaye kasi bes di naman manghihimasok yan sa buhay mo kapag walang gusto yan sayo eh." -Jade

"Naks Jade, namamana ang kahugutan ni Bea. Hahahahahaha!" -Jeydah

"Oo nga Bea, baka gusto ka rin nya." -Angely

"Kasi pag may pake sayo yung tao, ibig sabihin may chance na gusto ka din nya." -Jamie

"Malay mo concerned lang?" -Anna

Iilan lang yan sa mga kumento nila. Gulong gulo na ako. Eto naman kasing si Rosche, ang daming pasikot-sikot sa buhay. Hay nako. Minsan cocerned. Minsan, walang pake.  Ewan ko na kung saan ako lulugar.

"Ihja, may problema ba?"

"Nay fe, nako, wala ho."

"Asus ihja, wag mo na kaming lokohin. Kami ang nagpalaki sayo, alam namin kung kelan ka namomorblema, ano ba iyon, anak?" -Nay Adel

"Kasi po Nay Lorna, Nay Fe, may lalake ho akong nagugustuhan, at feeling ko ho, sobra na akong nahuhulog sa kanya. Ewan ko ba, basta gusto ko lagi syang nakikita, nakakausap.. dati naman, maayos ang pakikitungo nyan sa akin. Pero nung nalaman nyang may gusto ako sa kanya, lumayo sya. Halos ipagtabuyan nya ako nun. Aaminin ko ho, nadurog ang puso ko, pero pinagpatuloy ko pa din. Hanggang sa medyo napagod na ako. Itinigil ko. May nakilala akong lalake, at kaibigan ko na sya. Kikitain ko ho sana sya kanina kaso dinaan po sa dahas ni Rosche ang paghahatid sa akin dito. Para ho akong sako ng bigas na binuhat papunta sa kotse nya, maihatid lang ako. At yung mga kaibigan ko pa, nagtatalo na baka may gusto din si Rosche sa akin o wala. Hay."

"Anak, kung ano ang nararamdaman mo, yun ang tama. Alam mong tayong mga babae ay may tamang hinala." -Nay Lorna

"At anak, malimit lang tayong pumapalya sa tamang hinala natin." -Nay Fe

"Opo. Thank you po.."

"Ay naku, naalala ko tuloy kung paano kami nagkatuluyan ni Andres." -Nay Fe

"Kami din ni Baltazar. Ay naku, ang sarap balikan ng mga panahon ano, Fe?" -Nay Lorna

"Oo, Lorna. Hay."

Tamang hinala? Pero madami din ang nagkakamalisa tamang hinala, diba?

"Ah, Nanay Fe, Nay Lorna, wala po sanang makakarating kay kuya tungkol sa lovelife ko ha? Kung pwede po, alam nyo naman si Kuya.."

"Ay naku, anak. Ayos lang yun. Walang makakarating sa kuya mo."

"Salamat po ulit. Sa kwarto lang ho ako."

"Osige anak."

Iniwan ko sila ni Nanay Fe na naguusap tungkol sa buhay nila noon. Umakyat lang ako at nahiga sa kama ko.

Alam nyo ba yung feeling na gulong gulo ka na? Parang ayaw mo na pero gusto mo pa? Ganun ang nafifeel ko ngayon. Masakit sa bangs bh3.

*krrrrrring krrrrrrring*

InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon