Iniisip kong itanong kay Rosche kung bakit iwas sya nitong mga nakaraang araw, kaso pinangungunahan ako ng takot. Paano kung masnob ako? Kung ipagtabuyan nya ako ulit? Tsk!
"Rosche!" Tawag ko sa kanya ng makasalubong ko sya sa hallway.
"Oh?"
"Gusto ko lang itanong kung bakit iwas ka sakin nitong mga nakaraang araw. May nagawa ba ko?"
"Meron." Tipid nyang sagot.
"Ano ba yun? Sorry kung ganun.. ano ba kasi yug nagawa ko sayo?"
Hindi sya sumagot. Umalis lang sya ng walang imik.
Halos tatlong linggo akong nagisip kung ano ang nagawa ko sa kanya, wala naman akong maisip, maayos ang pakikitungo ko. Gahd, ano ba kasi yon?
Intrams na, ngayon pala kami magkikita ni Nigel."Uy Bei, diba ngayon kayo magkikita nung Nigel?"
"Oo, ah Sheen, pakitext ako pag nakita mo sya ha?"
"Okay, san ka ba?"
"Backstage.."
"Ahh, okay."
Asan na ba kasi yun si Jade!? Kanina pa hinahanap eh! Napadaan ako sa empty room kug san maliit na salamin lang ang way para makita kung sino ang tao sa loob. Nakita ko si Jade at Staniel na nagsasagutan. Nilabas ko ang cellphone ko at saka nagvideo.
"We're dating pero may nilalandi ka, punyeta! Bat ba ang clingy mo?!"
"Bat kasi di mo nalang aminin na selos ka?"
"Im not jealous, Stan! I just don't like sharing."
"Kung sagutin mo na kasi ako--"
"Edi punyemes, sinasagot na kita, wala ka ng karapatang magpaka clingy sa iba, naiintindhan mo ba, Staniel Guevarra!?"
"Sht, haha, sinasagot mo na ako? Sht, di nga?"
"Oo nga--"
Naputol ang video dahil may kumuha ng cellphone ko.
"Masamang makialam sa privacy ng iba, Bea."
"Rosche! Ahh, nakita ko lang, gusto ko langng remembrance para kay Jade.."
"Tss."
"Amin na nga yang cellphone ko."
"Here."
"Thanks." Triny ko talaga magsungit, umeffect ba? Hahaha tinalikuran ko sya at dumiretso sa stage.
"Solo flight po muna ako ngayon, may inaasikaso po kasi si Jade eh, hahaha."
I don't wanna go to school,
I just wanna break the rules,
Boys and girls across the world,
Putting on their dancing shoes,
Going to the discotheque,
Getting high and getting wrecked,
I don't wanna go to school,
I just wanna break the rules."Thanks guys! Have a nice day!"
Dumiretso ako sa waiting area kung san ko nakita si Nigel.
"I don't know you have a nice voice."
"Ahh, thanks haha."
"Boses anghel, hahaha!"
"Stop flattering me, Nigel. Haha!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Ang ganda talaga ng boses mo, kasing ganda mo."
"Eh? Bolero ka pala. Hahaha!"
"I told you, nagsasabi lang ako ng totoo."
"Edi wow. Hahahahaha!"
Usap usapan sa campus ang pagpunta ng isang taga Neptune University sa Jupiter Academy. Agad kumalat ang balita na we're dating, hay nako. Mga tao talaga. PEOPLE BELIEVE WHAT THEY WANT TO BELIEVE..
"Pag pumunta pala ako dito, nagkakajnstant girlfriend ako? Hahaha." Pagbibiro ni Nigel sa mga usap usapan.
"Sorry Nigel ha? Storyteller yung iba dito eh."
"Ayos lang, it's an honor na mapagkamalang boyfriend mo. Hahahahaha!"
"Baliw. Hahaha!"
"So, may boyfriend ka?"
"Wala. Haha!"
"Oh? Wala? Should I believe you?"
"Hindi ba kapani paniwala?"
Hindi, ang ganda ko eh. Tapos wala? Come on."
"Wala nga, hahaha! Ikaw ba?"
"Wala, pero may nililigawan ako. Kaso, basted."
"Oh? Gaano na katagal?"
"2 years na."
"Ang tagal ha! Tas binasted ka lang!?"
"Haha, wala eh. May nakita syang iba."
"Sus, neknek nya!"
"Hahahahaha! Bayaan mo na."
"Kaasar. Ang tagal mo nanligaw tapos babastedin ka? Edi wow"
"Hahaha! Uy mauna na ako, may klase ako eh."
"Ha, sige. Ingat ka. Thanks sa pagbisita.."
"Wala yun, enjoy naman ako eh. Haha, sige I'll see you soon?"
"Sure. Bye.."
Sino kaya yung niligawan nya? Ang shunga naman ng girl na yun! Nako, kung ako sya sinagot ko na si Nigel! Like duh?! Nigel's a very good catch!
"Sino yun?"
"Rosche!"
"Sino yun?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Just answer my damn question."
"Si Nigel."
"What is he doing here?"
"he's visiting me."
"And why?"
"Ano naman ba sayo?"
Matalim lang nya akong tinignan atsaka umalis. Napangiti ako, could it be na nagseselos sya? Eto na naman ako, asado na naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/31204800-288-k34668.jpg)