"Sorry po pero hindi po kami tumatanggap ngayon ng mga applicants. Wait na lang po kayo next month ma'am para sa job fest namin."
"Ma'am sige na po, ma'am.. Kahit ang pinakamababang sahod na lang po, kailngan po talaga kasi wala na po akong pera sa ngayon," pagmamakaawa ko ngunit may pasensyang tingin lang ang binigay sa akin ng employer.
"Sorry po talaga, Miss. Bawal po kasi kaming tumanggap ng kahit sino kasi iyan ang sabi ng CEO. Ayaw ko naman pong mawalan ng trabaho," pasensiya niyang sabi habang kita ko naman ang awa sa mukha niya.
Bagsak balikat na lang akong nagpasalamat at tumalikod na palabas sa building na aapplyan ko.
Hindi man ngayon. Bukas mag-aapply ulit ako dito. Hindi ako susuko
Palabas na sana ako nang may malakas na tunog ng kotse akong narinig. Dahil sa bigla ay muntik pa akong matapilok kung hindi lang ako napakapit sa kay Kuya Guard. Nagkalat naman ang mga documento kong dala sa sahig dahil nabitawan ko ito.
"Miss, okay ka lang?" Alalang tanong nito sa akin, tipid akong ngumit.
"Opo kuya hehe sorry po," tumango lamang ito at tinulungan akong kunin ang mga papel na nakakalat sa sahig. Nagpasalamt na ako nang may nagsalita mula sa likuran ko.
"What's happening, kuya?" Malamig na tanong nito sa guard.
Ang boses na iyon. Kilalang-kilala ko. Ramdam ko ang kabog ng puso ko dahil sa boses niya. Nanginig naman ang kamay ko dahil sa tanong at alam kong wala akong takas dahil nandito na siya.
"Sir, nadulas po kasi itong babae. Tinulongan ko lang po. Mukhang mag-aapply din sana," sagot ni Kuya guard habang ako ay nanigas na lamang sa kinatatayuan ko.
"Show me her face," nanlaki ang mga mata ko nang iutos niya sa guard. Hindi ako makagalaw dahil sa kanyang sinabi. Abo tang kaba ko hanggang langit at iniisip ko na rin kung paanong tumakbo sa eksena na ito.
"Ma'am, gusto po kayong makilala ni,sir. CEO po iyon, kung gusto niyong matanggap, sundin niyo na lang po," bulong ni Kuya sa akin.
"What are you murmurin, Kuya Carl?" striktong sagot nito at yumuko naman bahagya si Kuya Guard. Dahil na din sa eksena ay lakas loob akong lumingon sa kanya. Dahan-dahan lamang akong lumingon at hindi nakatakas sa akin ang gulat sa mga mata niya pero hindi man lang umbot ng tatlong Segundo ay naging malanig na ang tingin nito sa akin.
Sobrang lamig. Ang lamig na kasalanan ko
Umigting ang panga nito at tiningnan ko ang kabuoan ng mukha niya. Nagbago ang katawan niya, mas lalo itong tumikas at ang makapangyarihang aura nito ay nakapalibot pa rin sa kanya na kahit tingin lamang ay matutunaw ka na. Tiningnan niya ako ng mariin at hindi ko alam kung saan ako humugot ng malakas na pwersa para salubungin iyon.
"Charles... it's—it's been a long time."
His stare didn't change. Tumingin ulit ito at sumenyas sa guard.
"Get her out of my company, and don't let her get inside of my building ever again," with that he stormed out walked away as my heart burns into ashes.
YOU ARE READING
The Wife's Comeback
RomanceCharles hugged the cold phase of entity as his life nor wife threw their relationship and just got anonymous in a sudden. 5 years aged, Athena came back to win the her life's heart once again. As she tries to win the attention of her cold-faced boss...