"Uhmm.. bata?" ano ba dapat ang itawag ko dito?
Napakamot ako sa batok ko nang hindi niya ako pinansin. Umiwas na din ng tingin sa akin si Charles at sinaway ang kapatid niya ata.
Nakakatanga lang isipin na pumunta nga ako dito sa building niya, nagpakatanga sa harap ng ibang tao, nagutom, at nabasa pa ng ulan para makausap lang ulit siya. Pero eto ngayon, tila butiki na lamang sa harap niya na parang gusto pa nitong apakan.
Ikaw may kasalanan. Tiisin mo. Bulong ko sa sarili ko. Pilit akong ngumiti dahil nag-aaway sila ng kapatid niya sa harap ko at pinipigilan ko naman ang sarili ko na huwag kalabanin ang sarili ko na din. Mukha na nga akong tanga, huwag ko nang mas lalong dagdagan pa. Baka hindi na niya ako ipapaban sa building niya, kundi sa buhay na niya.
"Chelsea, get inside."
"I won't until you say sorry to her!" Sigaw naman ng batang babae na nangangalang Chelsea kay Charles na hindi naatinag sa boses ng lalaki at sinabayan din ng masamang tingin.
"It wasn't my fault so I won't say a word to her," he glanced at me "It wasn't my fault if she was standing near the vehicles' drive way and I'm not the one who's responsible if she is stupid, Chelsea Lacsamana." Giit niyang sabi sa kapatid niya at napayuko ako dahil sa kahihiyan.
Madami na ding tao ang nanonood. Sa lakas ba naman na sigaw ni Chelsea habang kalmado naman na sinasagot ni Charles ang mga hinaing niya. I can't help seeing him fighting with a kid just because of me. Babalik na lang ako bukas, baka mas lalong gugulo pa kung nandito lang ako na parang tanga na nakatayo sa harapan nila.
I stepped back and slowly walked away while my head is still down. Avoiding the people's judging stares. Rinig ko ang mga bulongan ng ibang employee para sakin at mga panghuhusga saad pa nila.
"Huy! Diba siya yung babae mula kahapon? Yung timang na naghihintay sa gate na pinapaalis ng guard?"
"Siya nga! Sinabihan na iyan ni Trishia na hindi tumatanggap ng kahit sino ang company ngayon pero pinilit niya pa rin. Worst? nakita pa ni Sir Charles!"
"Aba buti hindi siya nasinghalan ni Sir Charles. Kawawa naman, mukhang gipit na gipit."
Hindi ako gipit.
May pera ako, para sa pangkain ko. At pangsampal ko sa inyo.
"You're so mean! If you won't say sorry, ako na lang ang aalaga kay, Ate!"
Nagulat ako ng hablutin ako ng bata sa braso at padabog na lumakad papunta sa entrance. Nanlalaki naman ang mga mata ni Kuya Guard na nakatingin sa akin at akmang pipigilan kami ng saglit ding tumigil ang bata at pinaningkitan ng mata si Kuya Guard.
"Ma'am Chelsea, bawal po---"
"Ako kuya bawal pumasok?" Mataray na tanong niya.
"Hindi----Hindi po, ma'am. Yung kasama niyo po---"
"At bakit naman?" Ngayon ay nakataas na ang kilay niya.
"Inutosan lang po ako---"
"Don't worry, Kuya. I'll take care of this. And as the heiress of this company, I order you not let the man named Charles Jester Lacsamana to come inside in my building, understood?"
Napayuko at napakamot na lang sa batok si Kuya at hindi na malaman ang gagawin. Kahit ako nagulat sa pagtataray ng batang kasama ko.
"Chelsea, that's rude!" Charles growled.
"Just showing what you're doing to other people, Kuya. You're such a nice example," umirap ito at pumasok sa hotel kasama ako na hindi makapagsalita.
Ang talas ng bibig ng batang ito.
Nilingon ko si Charles at nakita ko tong nakaharap kay Manong guard habang nakaface palm dahil sa pinagsasabi ng kapatid niya. Habang ang ibang employees naman ay umalis na lamang na parang bula nang sawayin sila ng boss nila.
YOU ARE READING
The Wife's Comeback
RomanceCharles hugged the cold phase of entity as his life nor wife threw their relationship and just got anonymous in a sudden. 5 years aged, Athena came back to win the her life's heart once again. As she tries to win the attention of her cold-faced boss...