Chapter 1

4 0 0
                                    

"Miss, saan po kayo?" Tanong sa akin ng driver nang maabt ko ang bayad ko.

"Sa pangatlong kanto lang po, doon po sa apartment na iyon." Tinuro ko ang building na nirerentahan ko ngayon. Hindi naman msyadong kalakihan dahil kailangan ko na ring mag-tipid para sa pang-araw araw ko at para na din sa trabaho ko. Nang makarating na kami sa apartment ay pumasok na lamang ako ng mabigat ang nararamdaman.

He changed. Ano pa ba ang aasahan ko? Bulong ko sa isip ko.

Nilagay ko muna ang mga papeles ko sa mesa at naghubad ng jacket tsaka ko pinaadar ang electric fan. Kumuha ako ng tubig mula sa lumang ref at uminom. Kailngan kong kumalma ng sobra. Kakikita ko lang sa kanya, normal lang na kabahan ako. Masanay ka na, Athena!

Pero iyon naman talaga ang purpose kung bakit ka pumunta doon diba? Kontra ko sa sarili ko at mababaliw na ata ako sa mga pinagsasabi ko sa sarili ko. Naputol ang pag-iisip ko nang may narinig akong katok mula sa pinto ko. Mukhang masisira na nga ang pinto ko talaga sa lakas ng katok nito.

"Sandali lang!"

Inis kong binuksan ang pintuan at mas lalong dumagdag ang inis ko sa katawan nang makita ko ang pagmumukha niya. Lukot ang mukha ko habang ngiting-ngiti naman sa kanya,

"Bakit ka nandito?!"

"Bakit ka din ba nandito?" Tanong pabalik niya na mas lalong dumagdag sa init ng ulo ko. Akmang sisiraduhan ko na siya nang pinto ng humarang ito.

"Hep, hep. Hindi mo man lang ako papasukin sa buhay mo?"

Sarkastiko akong umingin sa kanya.

"Joke lang sabi! Sige na, papasok na ako!" Hindi niya man lang hinintay ang sagot ko at tuloy-tuloy na itong pumasok. I closed the door at nakapameywang na tumingin sa kanya habang umiinom ng tubig mula sa basong inimnan ko rin.

"At bakit ka na naman nandito, Adiran? Ano na naman ba ang pumasok sa kukote mo na sundan ulit ako? Bakit kasi buntot ka ng buntot sa akin?!" Singhal ko sa kanya at tumaas lamang ang dalawang kilay nito at inubos muna ang tubig mula sa baso bago sagutin ako.

"Ayaw mo ba makita kagwapuhan ko? Ilang araw na rin tayo hindi nagkita noh? Na-miss lang kita, bawal ba?" ngising sabi niya, "Hindi porket pinayagan kita na makipagkita kay lover boy ay kakalimutan o na ako.. Ang sakit naman, Athena.." Kunwaring nasasaktan nitong arte at umikot laman ang mga mata ko at padabog na umalis papuntang kwarto ko.

"Wala ka pa palang pagakain dito? Bibili muna ako. Huwag kang umasa na si Charles ang bibilhin ko hah?" Malakas niyang sabi.

Rinig ko rin ang malaks nitong tawa kaya nagsaksak na lamang ako ng earphones at napagplanuhang matulog lamang dahil sa antok.

"Get her out of my company, and don't let her get inside of my building ever again,"

His words was engraved in my mind but no, I won't give up on you.

Not for the second time, Charles Jester Lacsamana.

The Wife's ComebackWhere stories live. Discover now