🕒
8:34AM, Bahay. [BERTA's POV]
*Bzzzzzzzt Bzzzzzzt*
(phone vibration)"Ang aga-aga pa..." kinapa-kapa ko sa higaan kung asan yung phone ko.
"8:34, palang naman...." at pinikit muli ang aking mga mata.
"Gagstug!? 8:34 NA!?" naghahadali akong tumayo.
Pagkatingin ko sa messages hinahanap na ako ni Direk, pati sa chat minemention na nila ko. Lintek yan, bakit ngayon pa napa-sarap ang tulog ko. At sinimulan ko ng hadalian ang nakasanayang mabagal na morning routine.
Wala ng patumpik-tumpik pa pinaharurot ko na ang kotse papunta sa location ng audition, sa may Alabang daw ang uunahin sabi ni Direk. Nag-drive thru muna ko, pambawi sa sakanila dahil sa paghihintay sa akin.
🕒
8:57AM, Alabang Town Center. [CARMEN's POV]
My sweat is already dripping. They said 8AM ang start ng audition, but it is almost 9AM wala parin silang pinapapasok sa audition room. I don't know why I even came here, I'm pretty sure hindi rin naman ako matatanggap because this is noy my forte. Out of curiosity lang, tutal wala pa namang tumatawag sa'kin na kumpanya. What a satisfying life.
"Okay! Pila po tayo ng ayos, magststart na po ang audition. Make sure na handa ang mga kailangan at dapat handa rin kayo." Sabi nung nag-aayos ng pila.
"Start na tayo... Number 001 to 010, pwede ng pumasok sa loob." and the holders of that numbers entered the room. But my number is 057, uugatin pala muna ako sa paa dahil sa tagal.
🕒
1
0:14AM, Audition Room. [BERTA's POV]
"Number 011-020, pwede na kayong pumasok sa loob."
Nakakailan palang kami pero anong petsa na, nagugutom nako dahil sa pagmamadali. Akala ko mabilis lang kami makakahanap, mahirap pala itong magpa-audition. Nadagdagan lang ang stress ko sa buhay.
"Hi guys!" I greeted them and they smiled.
"Sino Hannah Pamintuan???" Direk asked.
"Ako po sir." Said the girl who's wearing a brightful yellow crop top.
"Ikot ka nga." Utos ni direk.
"Sa tingin mo, yan na kaya?" pabulong na tanong sa akin ni Ms. Cuneta.
"Masyado pa po atang maaga para magdecide." sagot ko.
"Sige. Ipapakita namin sa monitor yung linya mo, bale i-aacting mo siya sa harapan namin. Nakuha mo ba?" pagsisiguro ni Direk.
"Opo sir." at naghanda na ang lahat kung anong acting ang ipapakita niya.
"Linya galing sa pelikula nila Popoy and Basha, kailangan kong makita yung emosyon hano? Okay be ready, and Action!" Direk's cue.
![](https://img.wattpad.com/cover/248839397-288-k421103.jpg)