01

170 8 0
                                    




BOSS DIREK:

We will be having a meeting today, around 3PM. Make sure to be here, Berta.

Berta:

Noted, Sir Alcasid








⏩🕒

4:45PM, Meeting Room. [BERTA's POV]




"So as you can see po sa script, same gender po yung bida. Siguro sa iba hindi common na relationship 'yon, pero kasi I want to give tribute sa mga kababayan natin na parte ng LGBTQ." I explained as I ended my powerpoint presentation.


"We liked the plot, ano siya... unique. Tapos yung kabuuan niya kumbaga sa manok, fresh. Ang concern ko lang, hindi ba tayo mahihirapan ng bibida jan?" (Art Director) Ms. Cuneta asked.


"I agree with Ms. Cuneta. Hindi siya typical love story if i-ooffer natin siya sa mga sikat na artista, malaki ang posibilidad na tanggihan nila kung hindi sila comfortable sa senaryo." (Producer) Mr. Quizon said.


"Gusto ko po sanang magpa-auditon, para makahanap po talaga ng swak dun sa personality ng bawat characters." I requested and luckily they all agreed.


"Tanong ko lang, how about sa mga make out scenes. Mejo marami-rami din yon diba?" asked Direk Alcasid.


"I'll cut some part of it nalang po, Direk." I answered.


"Okay. Anyone na may concern pa about the script?" Direk Alcasid asked as he looked to everyone, they all shook their head.


"Good. We will start the audition tomorrow na agad, 8AM sharp!" They all stood up and left the room, while me-- fixing all my stuffs before heading to my favorite coffee shop.







🕒

7:39PM, Kape ala Blanca. [BERTA's POV]




"Magandang Gabi, Ms. Chona kahit na mas maganda ka pa sa gabi  Ano pong atin?" pambobola ni Empoy, isa sa regular na barista.


"Asus, nambola pa! The usual parin naman." Sabi ko.


"Isang Irish coffee, konting asukal at umaapaw na whipped cream. Coming right up!" Magalawgaw na saad ni Empoy.


"Thanks." at humanap na ako ng bakanteng mapwepwestuhan.


Inilapag ko sa lamesa ang laptop at binuksan ang document ng script.


"Ikaw ang bakit at ako ang siguro..." sambit ko at nagbuntong hininga. Pag-iibigan na nabuo mapagbirong tadhana, normal na pagmamahalan ng dalawang tao... na sa hindi maipaliwanag na salita bigla na lang nagwakas.














Ikaw ang bakit at ako ang siguro, Scene 1.


They accidentally met in a flight. Same seats, same direction and same reason. They are going on a vacation.

For Lea, she needs to think about what will be her decision in her life. Gusto ng Papa niya na pakasalan ang taong hindi naman niya mahal, pakakasalan niya lamang dahil pinagkasundo siya sa mga magulang ng lalaki. Typical na problema ng mayayaman na pamilya.

Bakit at SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon