🕒
6:30AM, Hallway. [BERTA'S POV]Hindi naman siguro maaalala ni Carmen na kayakap niya akong natulog kagabi diba? Inagahan ko na rin gising para hindi niya makita. Lumabas ako ng kwarto para mag-almusal, 8AM pa naman ang call time namin para umpisahan yung shooting.
"Hi!" nagulat naman ako sa asungot na biglang sumulpot, si Direk Ogie, ngiti lang ang naging tugon ko. Eto pa isa eh, feeling close rin.
"Lalim ata ng iniisip mo?" Pagtatanong niya.
"Wala po. Iniisip ko lang kung saan magandang kumain ng agahan dito." Pagdadahilan ko.
"Tara sabay na tayo. Tamang tama kakatapos ko lang mag-jogging, gutom na rin ako." Sabay akbay sa akin. Teka sir, close ba tayo? Echosera rin 'to.
Nagtungo na kami sa bistro kung saan dito kami nag palitan ng luggage at pangalan. Tagal na rin, sobrang dami nang nagbago rito hindi na siya old fashioned yung deco may pagka touched na ng modern stuff. Hindi ko rin sure kung nandito pa si Mang Gerry.
"First time mo ba sa Palawan?" Tanong ni Direk O.
"Opo! First time. First time palang..." daglian kong sagot.
"Ako rin eh. Hindi ko alam kung anong pagkain ang masarap orderin di--"
"Sisig na bangus at yung biko nila! Sobrang sarap samahan mo pa Direk nung kapeng barako nila!" Hindi ko na pinatapos si Direk, biglang lumabas sa bibig ko e.
"Akala ko ba first time mo palang dito?" Tumingin siya sa akin ng kaduda-duda.
"Oo nga Direk... Nakita ko lang. Nabasa ko lang sa internet..." Pagbibigay ko ng dahilan. Nadulas dot com pa.
Masagana kaming kumakain tapos konting pachika-chika lang tungkol sa nakaraan ganon. Hanggang sa mapunta na sa usapan na ayoko naman pag-usapan...Pag-ibig. 'Teh nakakain ba yan? Lalago ba pera ko jan? Makakapagpatayo ba ako ng book store jan?
"So...Berta. Nagka-boyfriend ka na ba?" Gusto ko sanang ibuga sa kanya yung kape pero masarap yung kape sayang naman diba?
"Ay. Wala po sa isip ko yan." Hinaluan ko na rin ng konting tawa para kunyare mejo pabiro, kasi alam ko na saan papunta yung tanong na yan. Sunod niyan, pwede bang manligaw. Wala na bang bagong style ang mga lalaki? Hindi man sa pang-aano pero ew, nakakaumay.
"Can I ask you a question? Medyo seryoso 'to." Sambit niya. O diba, lumang style na naman. Ayokong sagutin kasi baka naman maapektuhan yung trabaho tas baka babaan pa sweldo ko. Nawa naman ay may dumating na makakapag-salba sa akin para hindi matuloy kung ano man ang itatanong niya.
At siya nga naman dininig ang dasal ko ng poong maykapal. Tumunog yung mini bell sa may entrance ng bistro, hudyat na mayroong pumasok na bagong customer.
"Huy! Andito lang pala kayo. Nalibot na namin ang buong hotel, hindi ka man lang nagsabi direk. Akala ko tuloy ngayong oras na yung shooting! Hindi ka manlang nag-text na nagbago yung oras." Pambungad ni Ms. Cuneta sa amin at umupo.