🕒
10:54AM, Sa Labas ng Building. [BERTA's POV]
"Hey Berta, Sama ka sa'min mag-lunch?" tanong ni Direk Alcasid.
"Sinu-sino po ba kayo Direk? Baka maka-istorbo po ako." Sagot ko. Kung libre naman, edi go agad ako. Sa panahon ngayon kailangan ng mag tipid, chos.
"Sila Epy and Sharon. Plus, Carmen pala para na rin magkakilala pa kayo tutal kayo ang main characters sa pelikula. At pwede ba wag mo na akong tawaging direk pag hindi oras ng trabaho, Ogie nalang." Ogie said.
"Ay sorry naman Dir--Ogie. Pero kayo nalang siguro, next time nalang ako sasama." Sagot ko. Yuck, kasama pala si Carmen.
"Sumama ka na, libre ko naman. Malabo na yang next time na yan kapag ikaw nag-sabi." Tiningnan ko naman si Carmen na nasa likuran niya, kumakaway pa ang bruha.
At wala na rin akong nagawa, lakas mang-pilit ni Direk eh tsaka tutal gutom na din ako at gipit na sa pangbayad ng renta, patusin na yan!
🕒
11:58 AM, Resto. [CARMEN's POV]
Lunch time. It's been a while since I am able to closely look to Berta. She's still the berta I know, quick to make friends, talkative and most of all very beautiful. Only one thing has changed, 'yun ang wala ng kami.
"Alam mo Berta, masarap yung bangus nila dito." Said Ms. Cuneta
"Ogie give her some bangus!" Said Mr. Quizon. Are they shipping the two of them?
"Here." Then Direk handed her the plate of bangus. Have they known each other for a long time?
"She does not eat bangus, she would rather have tilapia. Here, try this sweet and sour tilapia." I handed her the plate, but she only answered with a deadly glare. Okay, keep calm.
"Hindi okay lang ako sa bangus, thanks Direk." She rejected me. So you mean, na mas piiliin mong kumain ng pagkaing ayaw mo para lang maka-ayon ka sa kanila?
"Masarap yan kapag may sawsawan kang toyo." Pag-aalok ni Direk. My God, simpleng mga ayaw lang ni Berta hindi mo pa alam? Nanliligaw ba siya or ano?
"Mas prefer niya yung calamansi lang kesa sa toyo..." I said.
"Aw!" I exclaimed.
"What's wrong Carmen?" Asked Ms. Cuneta.
"No-nothing. Nakagat lang ng langgam." I uttered as my reasoning, but the truth is sinipa ako sa ilalim ni Berta. Sadista pa rin!
"Why?" I whispered to her.
"Ano bang ginagawa mo?" She whispered back habang pinag tataasan ako ng kilay.
"I'm just stating the fact na you don't like bangus and toyo." I said as my defense. Masama na bang magsabi ng totoo sa panahon ngayon?
"Epal ka, alam mo 'yon? Tsk." She hissed and gave a sullen glance.
"Excuse me for a second, comfort room lang..." Then Berta excused herself.