05

106 5 5
                                    











: Ikaw ang bakit at ako ang siguro, Scene 3.










📃 REGINA'S POV


Tahimik kong pinagmamasdan ang alon, baka bigla akong maisip na isulat. Sa 'di kalayuan natatanaw ko si Lea, kumaway-kaway ako kaso ang labo ata ng mata nito hindi ako mapansin.



"LEA!" Kumaway-kaway ulit ako with matching talon pa para todo na 'to at doon pa lang niya ako napansin. Lumakad siya palapit sa kina-pwepwestuhan ko.

"Gabi na ah, why are you still here?" Tanong niya.

"Mas gumagana kasi utak ko kapag tahimik yung nakapaligid sa akin. Eh ikaw bakit nasa labas ka pa? 'Di ka pa natutulog gabing gabi na, kaya siguro hindi ka tumatangkad." Pagbibiro ko.

"Woah, you really like my height 'no? Tuwing nakikita mo ako iyon agad napapansin mo." Sabi niya.

"Papunta kasi ako don sa may tugtugan, mamaya pa naman ang start. I decided to take a walk muna." She added.



"Ahhh...." Tangi kong sagot.








Sandaling katahimikan ang bumalot kasabay ng paghampas ng mga alon.











"So...Bakit ka nandito sa Palawan?" tanong ko.

"Nag-iisip isip lang ng mga magiging desisyon sa buhay. Ikaw?" sagot niya.



"Same lang ng sa'yo, Chikka ko na sayo tutal friends na tayo. Naks. Ganito kasi yon, pinipilit kasi akong mag-abogado ng pamilya ko kaya ayon. Napadpad ako rito. Bukas na rin naman alis ko, pero hindi muna ko uuwi sa amin." Pagpapaliwanag ko.



"Handa kang talikuran yung pamilya mo para sa pangarap mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko naman sila totally na tatalikuran. Ang akin lang, ipaglalaban ko yung karapatan ko. Ipaglalaban ko yung pangarap ko kasi iyon yung gusto ko eh. Alam kong doon ako sasaya." Sambit ko.

"I hope I can do that also." Bakas sa mukha niya yung biglang lungkot habang pumulot ng pirasong bato at inihagis sa dagat.



"Malay mo balang araw, kayanin mo na ipaglaban kung ano man iyang pinaglalaban mo." Payo ko.

"Sana." Pagbubuntong hininga niya.

"Anyway, mag-ststart na yung sa banda. Gusto mo sumama?" Dagdag niya.


"Sige ikaw nalang, hindi ako mahilig sa ganon eh. Babalik na rin naman ako sa room." Maayos kong pagtanggi.

"Sige, see yah!" at nagpaalam na kami sa isa't isa.

























📃 LEA'S POV





"That was fun!" said to myself. Walking here in the hallway trying to locate my room, Room #669.



Bakit at SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon