A/N: HAPPY BIRTHDAY LIYAH!
🕒
8:00AM, Workshop. [BERTA's POV]
"Wala pa ba si Carmen? 7:30 na nga call time para before 8:00 nandito na kayo." Nagbubuga na naman ng apoy yung ilong ni Direk. Asan na ba kasi yung babaeng yon?
"Berta, itext mo nga." Iritableng utos ni Direk.
"Huh? Bakit ako direk!? Wala kong number non." Pero sa totoo lang may number niya ko, pero hindi ko sure kung iyon pa rin. Tsaka bakit ako? Di kami close 'no.
"Oh ayan na hinihintay nyo Direk." sabi ni Mr. Quizon.
"I'm sorry everyone. I got lost." sabi nito.
"Liit mo kasi..." bulong ko.
"What?" Maganda ka nga kaso bingi ka naman
"Wala, eto kako ang script basahin mo na." inabot ko sa kanya yung naka staple na mga papel.
"Okay, bibigyan ko kayo ng 10 minutes para isaulo yung part na magkakapalit kayo ng bagahe. Isipan nyo ng kanya-kanya nyong atake." and we both nodded.
: Ikaw ang bakit at ako ang siguro, Scene 2.
📃 REGINA'S POV
Eto ang nais ko. Tahimik na lugar, mukhang makakapagrelax ako dito. Dumeretso na agad ako sa room number ko, room 666. Kahit na sobrang ganda nung resort, hindi siya ganon ka-puno. Siguro dahil hindi pa naman summer, pero grabe kahit ang layo ng kwarto ko sa dagat. Dinig ko pa rin yung agos ng alon, sabayan mo pa ng simoy ng hangin na niyuyugyog ang mga puno.
Kinuha ko yung bagahe ko't nilagay sa kama, para maayos yung mga damit ko sa cabinet. Pero teka lang, bakit iba laman ng bagahe ko? Puro dress lang dinala ko bakit puro long sleeve at polo 'to!?
"Shemay, nagkapalit ata kami ng bagahe." I mumbled.
Lumabas ako ng kwarto, balak ko sana siyang hanapin. Ang tanong, papano? Ni hindi ko nga alam pangalan niya or kung saan siya tumuloy ngayon, ang alam ko lang itsura niya. Lintik yan, paano ko makakapagpalit ng damit mukha pa namang maliit yung size niya. Ilang araw rin ang stay ko rito, nakakahiya naman kung hindi ako maliligo.
📃 LEA'S POV
There's a place where the world is still, it is so calm and sincere. People come here at the shore to watch the day to end, where they can see the sunset setting fire on the ever changing and constant rhythmic of the sea. Feeling ko na-rerefresh ako when I'm looking at the ocean, so peaceful. The sea is good at expressing it feelings, sana ganon din ako. I hope I can express my feelings to my Papa but I know he will not listen rin naman.
It's getting dark, bitbit ko pa rin yung luggage ko and sa pagkaka-alala ko magaan lang yung luggage ko pero it's kinda heavy right now. I decided to go to my room na. While walking on the shore a woman bumped into me.
"YOU AGAIN?" Everytime na magkikita kami, lagi akong nasasaktan-- Una sa eroplano tas ngayon nagkabungguan naman.
📃 REGINA's POV
"Ay sa wakas! Dito lang pala kita mahahanap." I said with an exaggeration.