ITMP : C.5

4 2 0
                                    

Astraea

The first step of moving forward is acceptance. Yet, it is never easy. However, if you want to face a new beginning you have no choice but to deal with the pain.

Sa bawat paghakbang nya papunta sa harap, tila'y kumukuha sya ng lakas para maisaboses ang nais nyang iparating. Mula sa kinakaupuan ko, tila'y umabot pa rin sa akin ang lungkot at kanyang pighati . Nang nasa harap na sya, saglit nyang inilibot ang paningin at ilang segundo ring tinitigan ang kabaong ng nobya. Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. Kung hindi lang dahil sa dark shades na suot, paniguradong bakas sa mga mata nya ang sakit. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam ngunit naiiyak ako habang nakatingin sa kanya. Siguro dahil alam ko na mahal na mahal nya ang kapatid ko at mahirap sa kanya na tanggapin ang katotohanang patay na ito.

"Up until now, I can't still believe that she's dead." Malamig ang boses nya na tila'y ikinubli ang kalungkutan. "It seems like it was yesterday that she said 'yes' when I asked her to be my girl," tumigil sya. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa paligid lalo na at nagsimulang umitim ang kalangitan. "Areia, the campus sweetheart who would make heads turn as she passed by. She made me as the happiest man alive when she became mine." He paused. "For a year of being into a relationship, I am used of living a life with her presence. Her sweet voice saying 'I love you' , her warm hugs and sweet kisses that never fail to make me happy. I missed her. I miss her so much." His voice broke.

"If only I didn't went to the U.S on that day, I could've prevented her death. It was my fault why she died. I should've brought her home. I should've ensured her safety first before my obligations. It was my fault." I don't know what's the real story behind pero sa tingin ko, hindi nya kasalanan ang nangyari.

"Don't blame yourself," Dad calmly said. Alam ko na narinig iyon ni Cedric.

"Areia, my baby. Wherever you are now, always remember that I love you so much. No woman can ever replace you in my life."

Ilang saglit lang at nagsimula nang maglagay ng bulaklak ang mga tao sa kabaong bago ilibing. Nakakabingi ang iyakan dahil na rin sa tugtug na tila'y inilabas ang mga luha ng nakarinig.

Cedric and I remained seating. Hawak ko ang dalawang tangkay ng puting rosas. Tumayo ako nang magsilapitan sina Eleazar kay Cedric.

"Bro, let's look at her for the last time." aya ni Eleazar ngunit hindi sya umimik.

"Greyson please?" naiiyak na pagpilit ni Miggy.

"Greyson naman eh!" ani Tina at umiyak.

Umiling lang si Raf at nagtungo sa kabaong.

Sinulyapan ko si Cedric. "It's hard for you to see her getting buried but you can't do anything to revive her life. Look at her body for the last time for her sake." Inabot ko sa kanya ang isang tangkay ng rosas. "For my twin," Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi nya ito tinanggap kaya sapilitan ko itong inilagay sa kamay nya.

Lumapit ako sa kabaong pagkatapos at inilagay doon ang bulaklak. I tried not to cry pero mahirap. Lalo na't nagsimula nang ibaon sa lupa ang kabaong. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at itinapon ang rosas sa kabaong. It was Cedric.

"N-No! D-don't burry my daughter!" Dad cried at pilit na inalis ang hawak ng asawa nya. Napayuko ako. Ang sakit mawalan ng kapatid.

"Hey sis! Sinong mas maganda, ako o ikaw?" Tanong ni Areia at talagang inilapit pa ang mukha sa camera.

"People said na mas maganda ang ate," nakangisi kong sagot.

"Aba't! Mas matanda ka lang sa akin ng ilang minuto ah!" Ngumuso sya kaya tumawa ako.

"Still, I'm older."

"Baka nakalimutan mo na identical twins tayo kaya -"

"Mas maganda naman eye color ko," putol ko sa sasabihin nya kaya mas lalong humaba ang nguso nya habang ako ay halos mamatay na sa pagtawa. Hahahaha!

"Fine! Mas maganda ka nga pero wala ka namang boyfriend." She teased. It was my turn to pout.

"Pihikan ako, dear sister. I won't settle for less." Maarteng wika ko at sinabayan ko pa ng pagpitik sa buhok. "Kung makapagsalita ka, para ka namang may boyfriend na. Bakit, may jowa ka na ba?" Tanong ko nang may napagtanto.

"Malapit na, kapatid." Aniya at kinindatan ako.

"Greyson, stop!" Natigil ang pagbalik tanaw ko nang marinig iyon. Kaya pala, hinawakan ni Cedric ang kabaong at halos yakapin ito.

"N-No! D-Don't take her away from me!" Sigaw nya habang umiiyak. Hinawakan naman nina Raf si Cedric pero nagpumiglas sya. Nakakaawa syang tingnan dahil para syang bata kung makaiyak.

"N-No p-please. D-Don't t-take m-my b-baby a-away." Aniya at humagulgul. Fuck! Nakakahawa ang iyak nya. Mas lalong nagsipatakan ang mga luha ko.

"No! Don't burry my best friend!" sigaw ni Tina habang umiiyak na inawat ni Raf. Damn. Damn it! Areia naman eh! Bakit maaga mong nilisan ang mundo? Hindi mo man lang ba inisip ang mga taong iniwan mo? Tingnan mo! Tingnan mo ang mga taong nandito! Hindi mo man lang ba naisip kung gaano kahirap sa amin ito?

Bago pa akong makapaglumpasay sa bermuda grass, iniwas ko na ang paningin and then I saw Dad crying. Ang asawa naman nya ay umiyak na yumakap sa anak nito.

I walked towards dad. He hugged me when I was near. I can't help but to cry as well. Hindi biro ang makita't marinig ang ama mo na umiiyak, sa totoo lang. Lalo na't ang rason ay ang pagkamatay ng kapatid mo. Sumikip na ang dibdib ko dahil sa kalungkutan.

Gusto kong sumigaw ng napakalakas ngunit hindi ko magagawa dahil nanatiling tikom ang aking bibig. Gusto kong maglumpasay at magwala ngunit hindi ako dapat umakto ng ganun dahil alam ko naman na kailangan may mangunang magpakatatag dahil kung hindi, malaki ang posibilidad na habang  buhay magdurusa sina dad sa biglaang pagkamatay ng kakambal ko at hindi tama yun.

"Nicolet anak," Napatingin ako kay daddy pagkatapos bumitaw sa yakap.

"Yes dad?"

"Can you please calm Cedric down?" Napataas ang kilay ko sa narinig kahit hindi naman makikita ni daddy 'yon dahil sa lace na harang. Bakit ko naman gagawin 'yan?

"Please?" Dad pleaded kaya tumango ako't nagtungo sa kinaroroonan ni Greyson. Bakit sa akin na naman? Nakita ko na nagpumiglas si Greyson mula sa pagkahawak nina Raf at Eleazar. Mapakalma ko kaya sya? Paano kung mas lalo lang syang magwala?

































•Black_Aphrodeath

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In The Midst of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon