Someone's Irritating Me !
"HOY" nagulantang pa ako sa sobrang lakas ng sigaw hinanap ko yun at putchaa masasagasaan na ako bakit hindi ko pa alam, siguro sa sobrang lutang ko .
"MAGPAPAKAMATAY KA BA? TABI ! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA WAG MO KONG IDAMAY" ano bang problema neto ? sya na nga muntik makasagasa sya pa may ganang magalit .
Tumabi na lang ako at lumapit sa may bintana nya
"Hoy ! ikaw. bakit hindi ka nalang mag sorry tutal ikaw naman yong muntikan ng makasagasa" singhal ko sa kanya.
Nagsmirk sya at pasimpleng nilagay ang dila sa may pisngi para mapigilan nyang ngumiti .
"Anong nginingiti ngiti mo jan? Mag sorry ka tapos okay na ." tangina ako na nagpapakadesperada sa sorry nya .
Tinitigan nya lang ako .
" I don't . Because it your fault , hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" napaawang ang labi ko at...
"Ako pa talaga ? Hoy . Sino ka ba at ang kapal naman ng mukha mo ?" iritadong iritado na talaga ako sa kanya , sinisira nya araw ko .
"You better know me first Ms. Eymiel" ngumiti sya pagkatapos nyang sabihin yon at pinaharorot nya na ang sasakyan nya hindi ko na sya napigilan sapagkat nagulat ako sa huling sinabi nya at panong ?
Panong alam nya surname ko ? kilala ba ako non? Myghaad kinakabahan na akoo baka mamaya holdaper yon . Agad agad akong pumunta sa sasakyan ko.
Kung holdaper sya bakit hindi nya ako kinuha at Gwapong holdaper naman ata yon pano ba naman ang pefect ng mukha nakakaakit ang jawline nya tapos ang ganda ng mata, makapal kilay, kissable lips ang perfect nya talaga .
Ayy! bakit ko ba sya iniisip ? Masama sya delly, ang bastos nyang lalaki at nakakainis sya .
Pinaharurot ko na ang sasakyan ko at nang makauwi na dahil sobrang pagod ako ngayong araw , pagdating ko sa bahay nadatnan ko si ash sa sala na nanunuod ng netflix."Woii andito ka na pala" bigla syang tumayo at pinuntahan ako sa kusina
"Oumm. " tinitigan nya ako habang umiinom ako ng tubig , tinaasan ko lang sya ng kilay . Anong problema netong isang to?
" Bakit ganyan itsura mo?" ngumiti pa sya ng nakakaloko
"Bakit may mali ba sa itsura ko?" kinapa ko mukha ko na parang nagangapa na may mali ba talaga sa mukha ko . " okay naman ash, hindi naman nalipat yong ilong ko andito pa naman yung mata ko " tumawa sya ng malakas.
"Ang ibig kong sabihin, mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa" patuloy lang sya sa pag tawa .
"Pano ba naman, muntik na akong masagasaan nong walang hiyang lalaking yon, tapos hindi man lang nagsorry ang kapal pa ng mukhang isisi sa akin na kasalanan ko, like what the fck ? kasalanan ko pala yon?" halata na siguro yong inis sa mukha ko kasi yung ngiti kanina ni ash nawala
" Easy ka lang sis. namukhaan mo ba ? don din ba nag aaral sa school natin?" napaisip ako don.
"oo, namukhaan ko sya pero hindi ko sya nakikita sa school mukhang bagong salta lang don" kumuha ako ng tubig at nilagok ko yon sa sobrang inis ko talaga don sa lalaking yon.
"sinabi nya ba kung ano name nya?" Mukhang intiresado na naman si ash sa kanya .
"hindi, and i dont want to know, please ash i dont want to talk about him, nakakairita sya" halata sa ngiti ni ash na nang iinsulto sya .
Umalis na ako sa harapan nya at dumeretso na ako sa kwarto ko.
Naligo na ako at dumeretso sa kama , natulala muna ako sa kisame ng mga ilang minuto dahil hindi mawala sa isip ko yong lalaki kanina, ganito ba impact nya sa akin. Nacucurious ako sa pagkatao ng putanginang yon.Sa ilang oras kung nakatulala, tumunog yung phone ko na syang nakakuha ng atensiyon ko.
From: Unknown Number
sana makatulog ka ng maayos, wag mo na ako masyadong isipin Ms. Eymiel.
Goodnight Dream of me .
- Sairo .WHAAAAA ! sino na naman to ? malakas kutob ko na ito yung lalaking muntik nakabungo sa akin . Assumera na kung assumera, sana hindi sya to, kasi kung nagkataon hindi ko na alam gagawin ko haiiistt.... iniinis nya talaga akooo ng sobra .
At anong sinasabi nyang wag ko syang masyadong isipin? ang kapal talaga ng mukha, sabagay iniisip ko naman talaga sya pero naiirita ako pag sa kanya na mismo nang galing .
pamisteryoso pa kasi ampp..
Tinorn off ko na yung phone ko dahil naiirita lang ako sa kanya nagtalakbong ako ng kumot pinipilit kong matulog at walang hiya ayaw makisama ng tulog ko . Maaga pa naman pero nawawalan na ako ng gana, gusto ko ng matulog pero hindi mawala sa isip ko yung lalaki kanina .
WHAAAAAAAA ! NAKAKAINIS KA!
YOUR'E IRRITATING ME A LOT !
BULSHIT .

BINABASA MO ANG
We Still Forever ( ON GOING )
Teen FictionDelly Eymiel is a girl who hurt so much in the past when the accident happened all the memories of Sairo and Delly is gone. But one day Sairo wants Delly back in his arms again . Plagiarism is a Crime :>