KABANATA 3

1 0 0
                                    

Acceptance

Pinilit ko talagang matulog kagabi kahit sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip sa kanya puteek kasing lalaking yan .

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at dumeretso na ako sa school hindi na ako kumain, hindi ko naman naabutan si ash sa baba kaya feeling ko tulog pa yon kaya iniwan ko na sya .

Pagpasok ko ng gate halos ganon parin yong set up may kanya kanya silang mundo dumeretso na ako sa room dahil wala naman akong gagawin sa labas .

ilang minuto muna yong lumipas bago dumating yong terror teacher namin sa accounting .

"Good morning class, for today i will disscuss about the princi......"

"Good morning maam" lahat ng attention namin napunta sa may pintuan .

WTF! bakit nandito sya ? dont tell me kaklase namin sya ? pero malapit na mag end yong year graduated na kami, buti tinanggap sya ng school. Sabagay money makes you free at all.

"Oww Mr. Trever your'e late, proceed in front and introduce your self" inayos nya yung bag nya at sinuklay nya yung buhok nya gamit ang kamay nya bago sya pumunta sa harapan at nakakaatract sya sa ganoong part, bakit ang gwapo nya.

"Sairo Trever" ngumiti sya at tumingin sya sa akin na parang hindi nagulat kung bakit ako nandito samantalang ako halos lumuwa na mata ko dahil im not expecting na makakasama ko yang lalaking yan sa iisang room

" Take your seat Mr. Trevor you can occupied the table in the back of Ms. Eymiel" ngumiti ulit sya , ano bang problema ng lalaking to.

pagkaupo nya sa likuran ko naamoy ko agad yong pabango nya pota . nakakaakit naman yon . narinig ko pang nagbubulungan yung katabi ko at halatang kilig na kilig . Kung malaman nyo lang kung gano nakakairita yang lalaki na yan kahit na gwapo yan iiwanan nyo hayssstt..

nakinig nalang ako sa guro at hinayaan ko nalang ang presensya nya sa likuran ko

Nag vibrate yong phone ko, sino naman kaya tong nagtext humanap pa ako ng tyempo, ng hindi na nakatingin si ma'am dahil busy sya sa binabasa nya board nilabas ko phone ko at pasimple kong tiningnan kong sino.

From: Baby ko
    Del kamusta ka na ? Pwede ba tayong mag usap mamaya ? Sa may gym hintayin kita. Ingatsss.

ay nakalimutan ko palang alisin yung contact name nya, kasi dati ang rupok rupok ko sa kanya kaya hindi ko inalis kasi nag babakasakali akong babalik sya sa akin, ano na naman kayang pag uusapan namin ni kiro?

nitong mga nakaraang araw hindi nya na ako ginugulo at hindi ko na sya iniisip, nakakalimutan ko na syang tuluyan.

"You better listen,Missinooff ko yung phone ko at tiningnan sya hindi naman na ako magtataka kasi alam ko boses nya.

"Ano bang pakee mo kung hindi ako nakikinig?" inirapan ko lang sya at binalik ko na yong pansin ko kay ma'am .

We Still Forever ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon