Breathe // Prologue

52 6 0
                                    


"The universe is indeed unfair. May mga bagay na gugustuhin nating makuha, pero hanggang doon nalang yon. But is that an enough reason for you not to keep going? Pwedeng ang sagot ng iba,hindi, maaari din na oo ang sagot ng nakararami.Magkakaiba tayo, that also means magkakaiba din ang perspective natin pagdating sa buhay. Magkakaiba rin ang level ng sensitivity." 





"We are all different in our own,mapa ugali man yan o kung ano. So why blame those na nag su suicide because of tiny struggles? When you also, can't even handle small difficulties. Why am I saying these? for all of you to realize na hindi patas ang mundo, pwedeng may madali sayo pero mahirap sa iba. Pwede rin na may hindi ka kaya, na kaya nila. Pero choice ng bawat isa sa atin if we're going to complain about the things we can't have, or to be thankful for what we already have." Those are the exact words na sinabi samin ng teacher ko nung sophomore palang ako way back high school. 






I've realized that now. 






 I'm Gab, 20, an engineering student sa isa sa mga kilalang university dito sa Manila. Wala namang espesyal sa personality ko bukod sa may talent ako when it comes to singing. Is that enough to introduce myself? hindi kase ako magaling sa ganyan e. 






So anyway, lahat pala ng tao kapag tumatanda, madaming realizations sa buhay. Parang ako lang, the Gab now, sobrang layo sa Gab dati. I can say na mas mature ako ngayon, at mas responsible. All thanks to you,Gwen.






I am now sitting beside you. At ang dami kong i kwe kwento sayo. Oo nga pala, may dala din akong flowers, white roses to be exact, paborito mo to diba? pati na rin tinola na luto ni mommy, alam kase niyang favorite mo to kaya nung nabanggit ko sa kanya na pupuntahan kita pinadala niya saken. 






 "Alam mo ba si love, si Ali nag mature na. Nakahanap na siya ng katapat niya ngayon. Seryoso na siya kay Sam" I said.






Totoo nga yung sinabi mo sakin before, nagbabago nga talaga lahat. You may not see it, but people change, kasama na tayo don. Ngayon ko lang na realize. Ganito ba pag tumatanda? just kidding, alam ko namang corny ako pag bumanat ng jokes. 

BreatheWhere stories live. Discover now