CHAPTER TWO; Driver
SYDNEY'S POV
"What did you say Khate?" pang-iinis ko pa.
"Hindi pa ako nakakakuha, okay? Pero nagpaalam na ako kay daddy. Sinabi ko nalang na kukuha ako sa mall namin kung malapit na. Hindi ko alam kung kelan pero baka sa first-day-of-the-month. Mamaya kana mag tanong kay Ma'am dahil maliligo na ako, magkita nalang tayo sa school ." dire-diretso na sabi niya sabay patay ng tawag.
Ganoon si Khate, tamad sumagot sa tanong, pero mas tamad siyang mag reply sa text. Mas gusto niya ang tawag pero kapag tatanungin mo sa tawag maiksi lang ang isasagot.
Hayyy nakoo!! Bakit ko ba naging bestfriend ito.
Pagkatapos ng tawagan namin ni Khate ay naligo narin ako dahil start na ng first class namin.
Oh diba?! First class palang pero may party na agad next-month.
Ganoon daw kasi talaga sabi ng mga teacher para magka kilala ang mga estudyante specially sa mga transfer na kagaya namin ni Khate.
"Ateee!! Bilisan mooo!!" sigaw ko Ate na hanggang ngayon ay nasa kwarto niya parin.
Antagal maligo, nakakainis! Male-late ako eh!
"Go upstairs, tell her to hur--" sabi ni daddy pero hindi na niya natapos dahil sumigaw na si Ate.
"I'm heeeereeeeee!!" sigaw ni Ate.
"Don't run..." sabi ni Mommy kay Ate pero nginitian lang siya ni Ate kasi hinigingal pa dahil sa pag sigaw niya.
"Lumabas na kayo, susunod kami ng Mommy nyo." sabi ni Daddy.
"Let's go, sister." maarteng sabi ni Ate na agad naming ikina-simangot dahil nag uumpisa na na naman yung kaartihan niya.
Nakasimangot ako habang tinitignan si Ate na ngayon sa kekembot-kembot palabas. Dahil sa inis ko inunahan ko na.
"My dear...sister! Bilisan mo! Napaka arte mo at higit sa lahat napaka bagal mong kumilos!" sabi ko kay Ate habang sumasakay sa kotse namin.
"What?! Nag make-up lang ako?!" sigaw niya habang pumapasok sa loob ng kotse.
Aba't nakaka sigaw na?!
"Talaga Ate? Patingin nga?!" sabi ko sabay lapit sa mukha ni Ate.
"A-ano baa?!" sabi niya sabay tulak sa mukha ko palayo. "Are you crazy?! Pede mo naman tignan kahit malayo!" sigaw niya pa.
"Gusto ko malapit eh!" sigaw ko. "Nag make-up pa wala naman nag bago sa mukha." bulong ko habang inaayos ang seatbelt ko.
"I can hear you, my ugly sister." maarteng sabi niya.
"I can hear you, my ugly sister." panggagaya ko sa boses niya. "Sister my ass!" sigaw ko mismo sa mukha niya.
"E-eww!! Mommy, Daddy?!!" tawag niya kay Daddy at Mommy na bago palang papasok sa sasakyan sa harap.
"What?! Shut up you two! Ang ingay nyo! Naririnig ko kayo sa labas ng sasakyan kahit naka sarado." sabi ni daddy habang nag-aayos ng seatbelt sabay tulong kay Mommy sa pag-aayos ng seatbelt.
"Siya kasi eh!" sabay na sabi namin ni Ate.
"Anong Ako?!" sabay na sabi parin namin.
"Eh ikaw naman tala---" sabay uli pero naputol dahil sa pag busina ni daddy.
"Tumigil na kayong dalawa diyan." mariing sabi ni mommy sabay tingin samin ni Ate ng masama dito sa likod.
"Opo..." sabay na sabi namin Ate dahil galit na si Daddy at Mommy.
Kapag nagalit si Mommy at Daddy pagsisisihan mo talaga dahil maga-grounded ka. As in bawal lumabas ng bahay at higit sa lahat bawal karin mag cellphone.
Habang nagbibyahe kami papasok, nakatingin lang kami ni Ate sa bintana, sa parehong unahan namin si Mommy at Daddy nag-uusap. Una nila akong ihahatid dahil mas unang madadaanan yung school ko bago yung School ni Ate.
*At School*
Pag dating namin sa School ko ay bumaba na agad ako sa sasakyan namin. Bumaba din sila Mommy para siguro tignan ang School ko.
"This is a School, right?" maarteng tanong ni Ate pagkalabasa niya.
"Malamang!" maarteng sagot ko din kay Ate habang ginagaya yung boses niya.
"It's pretty..." bulong niya habang tinitignan ang paligid. "Look! Is that your friend?!" sigaw niya sabay turo sa kung saan naka park ang kotse nila Khate.
"Bestfriend, Ate." pagtatama ko sa kanya.
"Whatev--" sabi ni Ate na agad naputol dahil nakita niya yung kapatid ni Khate na lalaki na papalabas ng sasakyan nila.
"Oh, ano?" natatawang sabi ko kay Ate. Hindi niya ako pinansin. "Ang pogi...diba?!" sabay sarado sa bibig niyang naka half-open.
"What the?!" sigaw ni Ate sa akin.
"Let's go." sabi ni Daddy kay Ate pero dahil natulala si Ate hindi siya kumilos.
Poor Ate, HAHAHAHAHA Hoy?! Hindi maarte type niyan HAHAHAHAHAHAHA
"Bye Mommy." natatawa akong humalik sa pisngi. "Bye Daddy." sabay halik din kay Daddy. Humarap ako kay Ate. "Bye...my ugly sister." sabi ko kay Ate sabay ngiti sa kanya pero dahil hindi siya nakatingin sa akin ay parang hindi niya ako pinansin.
"I..is...that her...brother?" tanong ni Ate ng mabagal sabay tingin sa akin.
"Driver nila yon." seryosong sagot ko.
"W-wh-what?!" gulat at utal na sagot niya na agad naming pinagtawanan nina Mommy at Daddy.
"W-wh-what?!" gaya ko sa kanya na lalong nag patawa kay Mommy at Daddy.
"Your so annoying!" galit na sabi niya habang pumapadyak na agad kong ginaya.
"Hindi ka type niyan kasi maarte ka!" pang aasar ko na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Khate.
"Hindi nga?" nanlalaking matang sabi pa niya.
"Oo nga!" naka ngiti kong sabi na lalong nagpalaki ng mata niya.
"I hate you!" sigaw niya sabay padabog na pumasok sa kotse.
Natatawa kong tinignan si Ate na ngayon ay naka simangot sa loob. Dahil malakas ang pakiramdam ko kay Ate ngayon, may gusto ito sa Kuya ni Khate.
Ngayon lang ito nangyari kay Ate HAHAHAHAHA
"Tss...tss..." natatawang sabi ni Daddy habang naka tingin kay Ate.
"Hmmm..." makahulugang tumingin si Mommy kay Daddy bago sa akin. Sabay-sabay kaming tumawa nila Mommy pero agad naming naisuko ang kamay namin dahil tinignan kami ni Ate ng masama galing sa loob.
"Let's go, Mommy and Daddy!" sigaw niya sa loob.
Nginitiaan ko nalang si Mommy at Daddy bago sila umalis. Pagka-alis nila ay nilapitan kona si Khate.
~Continued...
BINABASA MO ANG
FriendShip [On-Going]
Teen FictionKhatelyn Gonzales is a silent girl. Her father is Mr. Jan Khairus Gonzales, her mother is Kathlien Chilou - Gonzales and her brother is Jem Jhercy Gonzales. Si Khatelyn ay isang tahimik na babae. Mas gusto niya ang tahimik kasi iyon ang sa tingin ni...