CHAPTER 14; Love-life
SYDNEY'S POV
"Oh my god, Ate! Nakakahiya ka kanina?!" sabi ko kay Ate habang nakasunod ako sa kanya papuntang kusina.
Nakauwi na sila Khate kanina pa. Kung hindi sila tinawag ng Daddy nila, sigurado akong marami pang pwedeng sabihin si Ate.
Uminom si Ate ng tubig at naupo sa upuan ng lamesa sa kusina. "Why do he need to be a driver..." narinig kong bulong niya. "He's so gwapo and...he's studying. Don't he have money? Don't he have a paren---Oh my god! Why am I thinking of that guy?! I don't even know him!" nanggigil na bulong niya pero rinig ko parin.
Naupo ako sa harap niya, natatawa sa sinasabi niya. "Do you like hi---" hindi ako tapos magtanong ngunit pinigilan niya agad ako.
"Of course not!"
"Anong 'of course not'? Eh, hindi pa naman ako tapos mag tanong!"
"I don't like him! And I don't ever like him!" sigaw niya sa akin. Napatunganga nalang ako sa sinasabi niya. Ano bang sinasabi nito? "I'm not going to like a...driver, like him" dagdag niya pa.
"Sino ba kasi yang sinasabi mo, huh? At staka bakit ka nandito? Akala ko ba mamaya pa kayo uuwi?" dire-diretsong tanong ko sa kanya.
Ngumuso siya. "I told Mom that I want to go home first..."
Tumaas ang kilang ko dahil sa sinabi niya. "At sinong nag hatid sayo dito?!" maarteng tanong ko.
"Duh, don't you know na may taxi sa labas ng bawat school?!"
"Ikaw?! Magta-taxi?!" hindi ako makapaniwalang naka tingin sa kanya. "Weh, sus, sabihin mo may naghatid sayo." bulong ko.
"What? I don't hear what your saying!"
Lumapit ako sa kanya para bumulong. "Are you stupid?" taas kilay na tanong ko. "Kaya ko binubulong para hindi mo MARINIG!" isinigaw ko ang huling salita na sinabi ko sabay takbo papataas sa hagdan.
BINABASA MO ANG
FriendShip [On-Going]
Teen FictionKhatelyn Gonzales is a silent girl. Her father is Mr. Jan Khairus Gonzales, her mother is Kathlien Chilou - Gonzales and her brother is Jem Jhercy Gonzales. Si Khatelyn ay isang tahimik na babae. Mas gusto niya ang tahimik kasi iyon ang sa tingin ni...