CHAPTER 13

15 8 1
                                    

CHAPTER 13; Crush

KHATELYN'S POV

"Okay nga lang ako Daddy. At uuwi na si Sydney!" baling ko sa kaibigan kong nakatabi sa akin. Pagkadating ni Daddy ay dali-dali niyang pinalabas si Kuya at pinaalalayan akong sumakay kaya naman tawa ng tawa si Sydney dahil sa reaction ni Kuya at ni Daddy.

"Anong 'okay'? Baka niloloko mo na naman ako KHATELYN, huh?" singhal ni Daddy sa akin habang nakatingin sa kalsada, pinagdiinan pa ang pangalan ko. Nagmamaneho kasi siya. "Last time, niloko mo kami ng Kuya mo! Masakit din ang ulo mo, that time! Pero ang sabi mo 'okay ka lang' pero yun pala may sakit ka na! Hindi lang sakit, inaapoy ka pa ng lagnat!" tuloy-tuloy ang pagtalak niya habang nagmamaneho pero ako naman itong naka nguso lang sa likod niya.

Masakit naman talaga ang ulo ko noon pero ayokong mag-absent sa school kaya sinabi ko sa kanilang 'okay lang ako'. Ang totoo, nilalagnat na talaga ako, that time. Naniwala naman sila pero pagdating ko sa school ay bigla na lang daw ako nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa ingay ni Daddy at Kuya, nagtatalo sila non. Hindi na daw nila papalampasin ang nangyari sa akin noon.

Lalo akong napanguso nang naalala ang nangyari noon. "I'm not really sick, right now." bulong ko habang naka tingin kay Kuya na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin sa rear mirror.

"What do you mean 'you're not really sick, right now'!" singhal ni Kuya. Humarap siya kay Daddy at sinabing. "Daddy, let's go to the hospital!" pagkasabi niya naman non ay humarap siya kay Sydney. "You want to come with us, hmm?" tanong niya dito, napatingin ako kay Sydney at naabutan ko itong parang natatawa.

Nanlaki ang mata ko. "Kuya! Daddy, okay nga lang po ako! Uuwi na si Sydney, hindi pa siya kumakain! At staka 7:00 PM na! Antagal niyo kasing dumating kaya lalo lang sumakit yung ulo ko, tapos kung ano-ano pa yung sinasabi niyo ni Kuya!" ngumuso ako matapos sabihin ang lahat ng iyon.

Nanlaki ang mata ni Kuya at Daddy dahil sa sinabi ko. "Antagal kasing lumabas ng Kuya mo sa school!" sisi ni Daddy kay Kuya.

"Daddy?! Ikaw po kaya yun! Antagal mong dumating sa school ko!"

Napa tungo at napasapo ako sa noo ko, lalo pa ata itong sasakit. "Daddy, Kuya, umuwi nalang po tayo. Please!" pagmamakaawa ko sa kanila.

Napatingin silang dalawa sa akin, pinalaki ko ang mata ko, pinaparating ko sa kanilang seryoso ako na gusto ko nang umuwi. Sabay naman silang sumagot ng 'okay'.

Napabuntong hininga nalang ako nung narinig ko ang mahinang tawa ni Sydney. "Stop laughing, Sydney. It's not funny." pinikit ko ang mata ko pagkasabi non.

FriendShip [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon