CHAPTER 11; Unknown Number
SYDNEY'S POV
"Hindi rin naman kayo closed ng Kuya ko pero nagte-text siya sayo!"
Matagal kong tinitigan si Khate, nararamdaman ko kasing masyado siyang madaldal. Nagiging madaldal siya kapag natataranta at natataranta siya kapag magsisinungaling siya.
"Okay." sabi ko habang tinititigan siya ng maigi. Ngumuso sya at umiwas ng tingin, yung pairap. "But i will text my sister, if it's true that she messege you." dagdag ko. Napabaling siya sa akin, ambilis huh?
"No, no, no." iling niya. Tumingin siya sa taas, sa kanan niya at sa kaliwa niya. Huminga siya ng malalim bago nag salita. "Okay, hindi talaga siya nag text...pero gusto kitang kasabay!" nakatungo at nakapikit na sabi niya.
"Ahmm, unnie...i'll go ahead." singit ni Z-J ngunit magalang. Tumingin si Khate sa cellphone niya, mukhanh tinignan ang oras.
Tumingin siya kay Z-J. "Yeah, you need to go now. Dadating na rin siguro yung last teacher namin." sabi niya.
"Ah, so two subject lang kayo?" tanong niya pero hindi siya sinagot ni Khate kaya ako na ang sumagot.
"Oo, two subject lang kami. Math at Science."
"Sana kami din ganon." malungkot na sabi niya. Sasagot na sana ako pero nakita kong nagpapasukan na ang mga kaklase namin ni Khate na naka tambay sa labas, mukhang padating na yung last teacher namin.
"Sige na. See you later!" sabi ko
Ngumiti siya sa akin. "See you Ate Sydney!" sabi niya at tumingin siya kay Khate na ngayon ay walang ganang nagta-type sa cellphone niya. "Bye Ate Khate..." pagkasabi ni Z-J non ay napa-angat ng tingin si Khate at ngumiti ng tipid kay Z-J.
Tinanaw namin ang pag alis ni Z-J at nung nawala na siya sa paningin namin ay ibinalik nalang ni Khate sa cellphone niya ang paningin niya. Ganoon din ang ginawa ko dahil meron pa naman kaming 20 minutes bago pumasok ang last teacher namin.
Habang naglalaro ako sa cellphone ko ng Candy Crush ay maya't-maya ko naririnig ang pag tunog ng cellphone ni Khate.
Pasimple akong tumingin kay Khate at naabutan ko itong nakatitig sa cellphone niya, bumababa ang tingin ko doon pero hindi ko masyadong makita.
Ako naman itong si chismosa, gumawa ng paraan para malaman kung sino yung nagme-messege sa kanya.
Unti-unti kong naiatras ang upuan ko para makita kung sino yung nag text sa kanya kahit nasa likod ako. Napatingin siya sa ginagawa ko kaya nagkunwari akong walang pakialam, at isinandal ang ulo sa likod ng upuan at nagkunwaring matutulog lang.
BINABASA MO ANG
FriendShip [On-Going]
Novela JuvenilKhatelyn Gonzales is a silent girl. Her father is Mr. Jan Khairus Gonzales, her mother is Kathlien Chilou - Gonzales and her brother is Jem Jhercy Gonzales. Si Khatelyn ay isang tahimik na babae. Mas gusto niya ang tahimik kasi iyon ang sa tingin ni...