[Author's Note: Hindi po madaling gumawa ng POV ng lalake lalo na't babae po ako. Haha pero i'll try my best para maging maganda. Sana magustuhan niyo]
Nandito ako ngayon sa gym at nagaayos ng gamit dahil kakatapos lang ng practice namin sa sepak takraw. Para makauwi na rin ng maaga at makapagpahinga nakakapagod talaga kasi.
"Hey! Buds, dalian mo magayos. Hinihintay ka na ng taga hangga mo sa labas" sabay tawa ni tukmol. Sa totoo lang di ko gets ang sinabi niya.
"Puro ka tawa. Baka may naintindihan ako" hinayaan ko na lang siyang tumawa ng tumawa. Basta ako nagiimpake na para makauwi na.
"Sabi ko. Nasa labas na yung taga hanga mo" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nandyan na naman yung TANGAhanga ko? Tss" well lagi naman nandyan yan e. Nakakaasar nga e. Para siyang buntot na laging nakasunod sakin asar talaga.
"Maka TANGAhanga ka naman. Tsk! Buti nga may nagkakagusto sa ugali mong kasing itim ng chocolate" sumabat nanaman ang pakelamera.
"What ever! CHESKA!" binigyan diin ko talaga yung cheska. Ha! Kala niya ah
"Fuck you speed! I told you don't call me cheska. Because my name is Chester!" hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Nagdirediretsyo lang ako sa pageempake ng mga gamit ko.
"Oo nga buds. Don't call her cheska. Kasi nga ang name niya CHEATER hahahaha" napailing na lang ako sa mga maiingay na to. Nakakaasar.
"Damn you heataru. Wag mo kong simulan at baka sumiklab ka. Nang maging firetaru ang name mo. Stupid!!!" ewan pero kahit kailan siguro di na magkakasundo ang magpinsan na yan.
Nang maiimpake ko na ang mga gamit ko. Tumalikod na ako sa magpinsang nagaaway. Ang ingay nila naka impyerno ang sigawan nila.
"Hoy speed! Shit ka bumalik ka dito!" minsan talaga nagtataka ako kung paano ako nasali sa grupong TLB (Ten Little Bad Boys) tsk!
Hindi ko na sila pinansin at dirediretsyo na akong lumabas. Paglabas ko ng gym nagulat na lang ako ng biglang may sumalubong sakin.
"Shit!" bulalas ko sa nang gulat sakin.
"Sorry! Di ko sinasadya!" napailing na lang ako si TANGAhanga lang pala. Hindi ko na sana siya papansinin pero naisip ko na mawawala ang stress ko sakanya pag kinausap ko siya.
"Nah! That's okay! Hmm. Are you busy?" ewan pa itong babaeng to ang kausap ko. Gustong gusto ko magenglish kasi ang galing nang mga sagot niya. Tignan niyo lang.
"No. I'm not busy today. Because i have many of times to be free." halos di ko mapigilang tumawa sa mga grammar niya. Haha ang tanga niya talaga. Napailing na lang ako, kasi naman trying hard na ngang magenglish pero english pa rin ng english di nagmumukha tuloy siyang TANGA. Pero gusto ko pang makipaglaro sakanya kaya naman kakausapin ko pa siya.
"Ow! So do you want to chit chat with me?" yeah! Ewan yung iba naiirita sakanya kasi ang tanga niya. Ako din naman minsan naasar sakanya pero kasi mas lamang yung natatawa ako sakanya. Nawawala stress ko pag siya kausap ko. Kaya parang pet o laruan ko siya ganun. Kaya ang saya lol.
"Really? What kind of chichirya you want?" kumunot ang noo ko sa sagot niya.
"Chichirya? What are you talking about?" promise di ko gets ang sinasabi niya
BINABASA MO ANG
✖My IDIOT Girl✖
ComédieSabi nila. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Kaya naman heto ngayon si Speed at sising sisi na pinakawalan niya pa si Slow ang babaeng tangahanga niya kung tawagin. Kaso kung kailan naadmit niya na sa sarili niya na mahal niya pala si slow syaka na...