"Hay naku! Habang buhay ka na lang bang titingin sa picture niya at pagpapantasyahan yang si speed?" yan na naman si ate. Tinatalakan na naman ako tungkol sa pagpapantasya ko kay speed.
"Mas okay na yung ganto ate. Atleast kahit sa litrato na pagpapantasyaha ko siya" diba? Mas okay na yung ganto. Sabi nga ng sensya! Ang crush ay ang taong pwede mong titigan pero di pwedeng mapasayo.
"Bat kasi di ka na lang pumayag sa gusto nila mom na ipa fix marriage na lang kayo? Diba mas madali yun? Atleast yun kayo agad." minsan din gusto ko nang pumayag sa gusto ni mom at ate na ipa fix marriage kami ni speed pero kasi may bagay din akong gustong mangyari.
"Ate naman. Diba sabi ko sayo ayukong pilitin siya sa bagay na ayaw niya. At isa pa mas gusto ko yung mahal niya ako kaya niya ako papakasalanan hindi yung papakasalanan niya lang ako kasi gusto ng mga magulang namin. Ayukong ikulong siya sa mga bagay na di naman niya gusto" tama naman yung sinabi ko diba?
"Alam mo lil. Wag mong isiping kontra ako sa gusto mo. Pero kasi nakikita kong nahihirapan ka. Nagmumukha kang tanga sa harapan niya. Kahit hindi naman dapat. Bat kasi hindi ka magayos? Para mapansin ka niya" bumuntong hininga na lang ako sa sinabi ni ate. Sa totoo lang gusto ko naman talagang magayos pero kasi naman. Agh! Basta mahirap ipaliwanag e.
"Ayuko din ate. Basta bayaan na lang natin, na ganto ako. Masaya naman ako sa ginagawa ko e." pagiiba ko sa usapan alam ko naman kasing di pabor si ate at mom sa ginagawa ko pero ginagawa nila to para sakin.
"Basta pag nakita kitang umiyak uli. At may nanbully o nanakit sayo. Ititigil mo na tong kahibangan mo okay?" hindi na ako sumagot at binigyan ko lang siya ng power hug.
Mahal na mahal ako ng ate ko kaya naman mahal na mahal ko din siya. Higit sa pagmamahal niya sakin.
Matapos ang pagbabangayan namin ni ate ay nagayos na ako sa pag alis ko para pumasok. Nakabike lang akong pumapasok. Siguro naka benteng bike na ako dahil laging binubutas at sinisira ang bike ko. Binubully nga ako.
---**
Natapos ang klase at agad akong dumiretsyo sa gym para masilayan si Speed. Kahit na sinaktan niya ako about dun sa JS. Gusto ko pa rin siyang makita at makausap. Hindi ko alam pero parang adik na adik ako sakanya. Pero di ako obsessed ah? Ang creepy na kasi nun!
Habang naglalakad ako papuntang gym. Bigla na lang may nakapukaw ng atensyon ko. Isa iyong damit, nilapitan ko iyon at nagulat ako na isa yung jersey inilahad kong mabuti para makitang mabuti kung kaninong jersey yun. At laking gulat ko ng makita and sure name na nakalagay sa jersey
"Sebastian 06" yun ang surename ni Speed di ako pwedeng magkamali.
Lumakad ako ng sobrang bilis para marating ang gym. Pag karating ko sa gym nakita kong nagkukumpulan silang grupo
"Fuck shit naman kasi e. Saan ko ba nailagay yun?" naririnig kong sinabi ni Speed yun. At panigurado ko itong jersey niya ang hinahanap niya.
"Ito ba ang hinahanap mo?" ngiting ngiting sabi ko sakanya. Napatingin silang lahat sakin at pati si speed na patingin saakin.
Hindi ko alam pero nagulantang na lang ako nang makita kong nasa harapan ko na si speed at nahablot niya na ang jersey na nasa kamay ko.
"Bakit mo ninakaw ang jersey ko?" nagtiim banggang siya. At halata sa aura niya galit na galit siya. Pero nagtaka ako sa sinabi niya.
"What? Ninakaw ko ang jersey mo? Tss that's ridiculous. Hindi ko gagawin ang ganung bagay. Alam kong kailangan mo yan kaya bakit ko kukunin yan?" sagot ko sa sinabi niya.
"Tss. Wag ka ngang magmalinis. Ninakaw mo to kaya nga na sayo to e." nasaktan ako sa sinabi niya pero okay lang hindi naman totoo yun e.
"Mali yang iniisip mo. Hindi ko ninakaw yan. Nakita ko lang yan dyan sa may lamesa malapit dito." pagpapaliwanag ko sakanya.
"Stupid. Wag ka nang lalapit sakin kahit kailan. Dahil kahit kailan hindi kita magugustuhan." parang balang tumagos ang sinabi niya sakin. Hindi ko alam pero ramdam ko na nangingilid na ang mga luha ko.
"Ano bang kasalanan ko at ginagawa mo sakin to? Hindi ko naman talaga ninakaw yang jersey mo e." tuloy tuloy kong paliwanag sakanya.
"Ano bang tingin mo sa sarili mo? Tingin mo maganda ka? Pwes mali ka sa tingin mo. Hindi ka na nga maganda. Tatanga tanga ka pa. Subukan mong manalamin ng makita mo ang totoong itsura mo. Dahil sa itsura mo palang imposible nang magustuhan kita. Di lalo pa sa ugali mong tatanga tanga. I hate idiot. IDIOT LIKE YOU!!" di ko alam pero parang bigla na lang sinipa yung utak ko at puso ko palayo sakin. Kasi namanhid bigla yung puso ko. Halos hindi magfunction ang utak ko sa mga sinabi niya.
"Pero..." yan lang ang lumabas sa bibig ko. Pero? Haha. Anong pero? Ang tanga ko nga talaga.
"Umalis ka na nga sa harapan ko at baka anong magawa ko sayo!! Alis na" pagkasabi niya nun. Biglang nanghina ang kamay ko at nabitawan ko lahat ng mga dala ko. At dali dali akong tumakbo palabas ng gym hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta bahala na. Yun ang nasa isip ko bahala na.
---*
Ilang araw na akong nakahiga sa kama ko. Hindi na nga ako pumapasok. Halos kumain di ko rin magawa. Ewan ko sa sarili ko. Parang broken hearted ako e. Hindi naman naging kami. Hindi ko din talaga kaso maialis sa isipan ko ang mga masasakit na salitang binitawan niya sa harapan ko mismo.
Napaitla ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si ate. Pumasok siya at tumabi sakin sa kama ko.
"Lil. Kumain ka muna" malambing na sabi ng aking ate. Kumakain naman ako, para di sila magalala ng sobra sa kalagayan ko.
"Lil. Sumama ka na lang sakin sa paris. Doon mo na lang tapusin ang Highschool mo. Tapos pag okay ka na. Syaka na lang bumalik dito. Hindi ko kasi kayang nakikita ka ng ganyan. Speed is a jerk bastard. Hindi niya deserving ang mga luha mo" sa totoo lang tama naman si ate e. Hindi ko naman dapat iniiyakan ang lalakeng yun. Dapat din talaga mangibang bansa ako para kalimutan siya.
"Pag okay ka na at kaya mo na ang sarili mo. Balikan mo siya at ipakita mo sakanya ang sinayang niya. Para magsisi siya sa ginawa niya sayo." nagkaroon akp ng precious idea sa sinabi ni ate.
"Sige sasama na ako sayo sa paris. At doon ko sisimulan ang panibagong buhay ko. Dahil simula sa araw na to. Papatayin na natin si Slow. Wala nang makakakilala kay Slow dahil sa araw na to. Ako na si...
ERIA AGIRRE!".
BINABASA MO ANG
✖My IDIOT Girl✖
HumorSabi nila. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Kaya naman heto ngayon si Speed at sising sisi na pinakawalan niya pa si Slow ang babaeng tangahanga niya kung tawagin. Kaso kung kailan naadmit niya na sa sarili niya na mahal niya pala si slow syaka na...